Chapter 16

114 8 0
                                    

Hotdog

Ngawit na ngawit na ako, 'yan ang nararamdaman ko sa ngayon. Kanina pa nakatali ang kamay ko sa likod habang nakaupo sa isang bangko. Si Lan at Baty naman ay wala pa ring malay hanggan ngayon. Pawang mga patay na sila sa sahig dahil sa mga itsura nila.

"Pagkain," aki ng lalaki na kausap ko kanina. Naglapag ito ng pagkain sa harap ko.

"Anong oras na?" Tanong ko bago tiningnan ang pagkain na dinala niya. May laman iyon na hotdog at kanin.

"Alas dose nang madaling araw." Inis na sagot niya. "Kainin mo na 'yan, bwisit!" Inis pa niya na inalis ang tali sa kamay ko. Naiunat ko tuloy iyon bago sinimulan na kainin ang pagkain.

But it was a wrong move!

Matapos kong makasubo nang pangatlong beses ay humigpit unti-unti ang paghinga ako. Parang kaunting hangin lang ang kaya kong maibuga!

"There is a drug in there. Kaya ka niyang mapatay matapos ang isang araw." Ngisi ng lalaki sa akin.

Nanginginig ang kamay na nabitawan ko ang pagkain, dahilan para mahulog 'yon sa sahig at gumawa nang ingay. Tama, hindi ko dapat siya pinagkatiwalaan sa dala niyang pagkain! Hindi ako kaagad nag-isip!

"What's... happening?" Napatingin ako kay Baty ng marinig ang tinig nito.

"You are now awake." Ngisi ng lalaki. Mabilis itong nagtawag ng tauhan at ibinangon si Baty. "Kumusta tulog? Mukhang mahaba-haba, ah." Pang-iinis pa nito.

Nahihilong napatingin si Baty sa paligid. Pero ang paningin niya ay sa akin nahinto. Kaagad nanlaki ang mata niyang iyon at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Papaano nga ay mukha na akong mamamatay sa itsura ko. Pawis na pawis at naghahabol nang hininga.

"Fuck it!" Sigaw niya at pilit kumakawala sa hawak ng mga tauhan nitong mokong na 'to.

Napapahawak sa dibdib na sinubukan kong kumalma. Feel ko ay mauubusan na ako ng hininga. Pakiramdam ko nga ay hindi ko kakayanin ng isang oras na ganito ang pakiramdam ko.

"Tie him," utos ng mokong. Sumunod naman ang mga tauhan niya at itinali si Baty sa upuan. Nawalan ako lalo nang pag-asa matapos makita na busalan ito. Pilit pa si Baty na kumakawala pero walang saysay lahat ng 'yon.

Habang ako naman ay sinusubukan na kumalma. Nagsisimula na rin kasi na manlabo ang paningin ko, parang babagsak na ako.

"... and wake him up." Utos na naman nito at itinuro si Lan.

Lumapit ang mga tauhan niya rito at walang awa na sinuntok si Lan sa sikmura niya. "Ah!" Rinig kong sigaw ni Lan, mukhang nagising nga siya.

"Tie him too."

Katulad ni Baty kanina ay sinubukan ni Lan na ilibot ang paningin sa paligid. At nang magtama ang tingin namin na dalawa ay agad na nanlaki iyon.

"Damn," mahinang mura niya. Hindi na siya muli pang nakapagsalita ng itali rin siya sa upuan at binusalan ang bibig gamit ang tela.

"What a beautiful view." Mayamaya ay salita ng mokong. Umalis na ang mga tauhan niya kaya apat na lang kami na nasa loob ng kwarto na 'to.  "Wanna say something?" Lapit niya kay Baty at inalis ang tela nito sa bibig. Hinihingal na tumingin si Baty dito.

"Fuck you." Bungad ni Baty. "I hope you'll die today, Moreno." Masamang tingin ang ipinukaw niya rito.

Naghahabol ng hininga na tiningnan ko si Lan. No'n ko lang din napansin na nakatingin din siya sa akin, pawang may pag-aalala sa mata niya. Agad akong naglihis nang tingin at mas pinagtuunan na lang ng pansin ang paghinga ko.

The Hiding Mafia Where stories live. Discover now