Chapter 22

87 6 0
                                    

Confess

Isang linggo na ang nakakalipas matapos naming magkita ni papa. Laging napapansin ni Lan ang pagiging tahimik ko, kaya lagi pa siyang gumagawa nang paraan para naka-usap lang ako nang matagal.

Marami parin na tanong ang mayroon sa isip ko, sa dami no'n ay halos hindi ko na alam kung ano ang dapat na unahin.

Sa pagkakataong ito, hindi ko na alam kung tama pa ba 'tong tinatahak ko. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa ba 'tong ginagawa ko.

"Meyrie," mahinang tawag sa akin ni Lan. Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang pagyakap niya sa akin mula sa likod habang kasalukuyan akong nagluluto.

"Bakha maipit si Yol," suway ko. Dahil buhat niya si Yol at nakayakap pa siya sa akin. Ginawa pa niyang palaman ang anak namin.

"Nag-aalala kami pareho sa 'yo. Lagi ka na lang malungkot," bumitaw siya sa akin, kaya hinarap ko na siya.

"Ayos lang ako, Lan. Stress lang siguro ako." Tinitigan niya ako sa mata na para bang kaya niyang halukayin ang isip ko para malaman niya ang pinanggagalingan no'n.

"Sigurado ka? Tingnan mo si Yol, nakulungkot na rin." Turo niya sa anak namin na ngayon ay malungkot na nakasandig sa balikat niya.

"Tigilan mo ako, Lan. Inaantok lang 'yan. Sige na, do'n na muna kayo sa kwarto. Pagkaluto, pupunta na ako ro'n." Pagtataboy ko sa kanilang dalawa.

"But... Meyrie, let's go there together." Pagod ang mata na tiningnan niya ako.

"Fine, Lan... Malapit na 'tong maluto, sandali lang." Tinalikuran ko muna siya para haluin ang sinigang na niluluto ko. Heto ang gustong hapunan ni Lan, kaya ito ang niluto ko ngayon.

Mabilis lang na naluto ang sinigang kaya sabay-sabay na kaming umakyat papuntang kwarto. Inilapag kaagad ni Lan si Yol sa higaan dahil nakatulog na ito sa balikat niya.

"Okay. We are going to talk." Tumayo ako ng maayos at agad na naglihis ng tingin sa kanya. "What's happening to you? What's bothering you? Why are you like this? Is there any problem, Meyrie? You can talk to me 24 hours." Mahabang lintana niya, seryosong-seryoso.

"Wala, Lan. Magpahinga na lang tayo, pagod lang ako." Iwas ko sa kanya. Aktong lalabas nang kwarto ng mabilis niya akong mahablot sa braso.

"I told you... We. Are. Going. To. Talk." Maririin ang bawat salita niya, na kahit sino man ang makarinig ay tiyak na matatakot sa daan ng tinig niya.

"Lan, sa susunod na lang tayo mag-usap... Pangako! Basta huwag muna..." Pahina nang pahina ang boses ko. Maingay siyang bumuntong hininga bago ako binitawan.

"Let's just eat." Aya niya. Tipid akong ngumiti bago tumango sa kanya. Naglihis na lamang siya ng tingin sa akin bago naunang naglakad.

Saktong pagkababa ay naghahain na ang mga katulong, kaya naman naupo na lang kami ni Lan at hinintay sila na matapos.

"By the way, my mom will come home maybe next week. Naiinip na raw siya sa ibang bansa, gusto na raw niyang makita si Yol." Pagngiwi ni Lan. Natatawang nagsandok ako ng kanin at naunang nilagyan ang plato niya.

"Oh, god! Parehas talaga kayong mainipin!" Natatawang ani ko. Mas nakakatuwa rin na uuwi si tita nang mas maaga para makita si Yol.

"Tch!" Singhal niya bago ako nilagyan ng sinigang sa plato.

"Mamaya ko na pakakainin si Yol 'pagkagising... Napuyat ba 'yon kagabi at puro tulog ang ginawa ngayong maghapon?"

"Maybe? I don't know. Masarap tulog ko kagabi." Pag-iling niya bago sumubo.

The Hiding Mafia Where stories live. Discover now