Chapter 24

87 6 0
                                    

Feelings

Pagkakita namin kay tita ay agad na binanggit ni Lan ang tungkol sa panliligaw niya sa akin. At talaga naman na tuwang-tuwa sila. Si tita ay balak pa na maghanda ng dahil do'n, dahil ang tanda na raw ni Lan at ngayon lang nagkaroon ng nililigawan. Nagulat pa ako ng banggitin niya iyon sa akin.

Akalain mo 'yon? Ako ang una. Ako ang naging simula niya. So akin niya naramdaman ang lahat nang una? Sa akin niya naunang gawin ang panliligaw? Grabe, siguro ay kinakabahan pa siya sa tuwing kumikilos para ligawan ako.

"Plano ko magpatattoo." Bigla ay pagsasalita ni Lan. Nandito na kami sa kwarto, kadarating lang galing sa airport at dito na kami kaagad dumiretso.

"Naisipan mo naman bigla?" Tanong ko habang hinehele si Yol para makatulog na.

"Hmm, gusto ko lang. dito, oh," tiningnan ko siya. Agad naman nitong itinuro ang pulso niya. "Papalagyan ko ng tulips, favorife flower mo 'yon, 'di ba?" Agad naman akong tumango.

"But still... Huwag na, Lan. Hindi mo naman kailangan na magpa-tattoo. 'Tsaka masakit 'yon, kaya huwag na lang." Napapangusong sumandal siya sa headboard ng kama.

"Pero gusto ko, para ako na ang maging paboriro mo na bulaklak. I will be your tulips." Kumindat pa siya.

"Tsk... Bahala ka, kahit ano naman ang gusto mo ay ayos lang sa akin, basta huwag kang iiyak kapag nagpa-tattoo ka." Agad siyang umiling.

"Tama nga ng baril kaya ko, 'yung karayom pa kaya?" Mayabang na umiling-iling siya. Lalaki talaga na 'to, kahit kailan ay may naipagmamayabang.

Kinabukasan ay nagpasama siya sa akin para magpa-tattoo. Pinayagan din naman siya ni tita, pero ang sabi sa akin ni Lan ay kahit daw hindi siya payagan ni tita ay magpapa-tattoo pa rin siya.

Agad naman kaming inasikaso ni Lan pagkarating sa lugar kung saan siya mag papa-tattoo. Si Lan pa mismo ang nagsabi kung anong klase ang ipapatattoo niya.

Tatlong tulips na magkakatabi ang ipapagawa niya at may tali pa, pa-ribbon 'yon at kulay pula. Habang ang bulaklak ay walang kulay at pulos itim.

"I'm going to start, sir." Paalala ng magta-tattoo. Naupo ako sa tabi ni Lan at pinanood siya.

Nakaka-isang bulaklak pa lang sa balat niya ay namumula na si Lan. Gusto ko sanang matawa, pero bakha mainis siya sa akin.

"Damn," mayamaya ay mura niya. Napatingin ako sa kamay niya ng humawak ito sa hita ko at bahagya siya na pumiga roon.

"Ano, masakit?" Pagkausap ko sa kanya bago hinawakan ang kamay niyang nakapiga sa hita ko. Nakashort pa naman ako na maikli kaya ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya.

"Not at all." Seryosong ani niya bago na naman siya pumiga sa hita ko. Napapailing na tumingin na lang ako sa pulso niya, mukhang patapos na 'yon.

Nang matapos ay kitang-kita ang pagkapula ng mukha niya. Pati ang hita ko ay mapula, bakay pa ang pagkakapiga niya kanina.

"That hurts," pagsasalita ni Lan habang nagmamaneho.

"Ano? Deserve mo masaktan, makulit ka kasi." Irap ko. Tiningnan ko ang kaliwang kamay na 'to kung saan nakalagay ang tattoo. Mukha ngang masakit 'yon.

"Galit ka?" Mahinahon na tanong nito.

"Hindi, Lan... Nag-aalala lang ako na baka masyadong masakit..." Pahina nang pahina kong sabi.

"I'm fine, don't be worried." Napapabuntong hininga na tumango na lamang ako sa kanya.

Pagkauwi sa bahay ay inabutan pa namin si tita Chanly na nakikipaglaro kay Yol sa kwarto, kasama pa si Khay sa kanila.

"Mom, we're home." Bungad ni Lan pagkapasok sa kwarto.

"Let me se your tattoo," excited na ani sa kaniya nito. Nauubusan ng pasensya na inilahad niya ang kamay sa harap ng mommy niya. "Wow! So pretty!" Hinawakan pa ni tita 'yon kaya agad niyang sinamaan ng tingin ang kaharap. "Oh, sorry, son."

"Tss..."

Natatawang nilapitan ko na lamang si Yol at binuhat siya. "Mama is here, anak." Pagkausap ko rito. Tumatawang pumalakpak naman siya, mukhang hobby na niya ang gano'n na ugali sa tuwing may humuhunta sa kanya.

"Gutom ka na?" Lumapit sa akin si Lan at inagaw si Yol.

"Medyo, Lan." Pag-amin ko. Napapatango na inaya na niya kami ni tita na kumain sa dining area.

Pagkakain ay naghiwa-hiwalay na kaming apat. Nagbabalak kasi ako na mamili ngayon ng gamit sa bahay. Pumayag naman si Lan na siya ang mag-aalaga kay Yol habang wala ako. Hindi siya matutulungan ni tita dahil may inaasikaso rin ito.

Una akong bumili ng kulang na mga sangkap sa bahay. Kapag mag-isa ay talaga palang malungkot. Walang nagtuturo, walang nagpapabili.

"6, 428 po, Ma'am." Ngali-ngali ko naman na inilahad sa kanya ang black card. Kay Lan ito. Ang sabi ko sa kanya ay may pera ako, perp hindi niya talaga ako kayang hayaan na gumasyos mag-isa.

"Ma'am, magkano po laman niyan?" Takha ko na tanong. Hindi naman kasi sa akin binabanggit ni Lan. Naku-curious tuloy ako kung ano ang laman.

"No limits po ito, Ma'am." Nakangiting ani ng cashier na siyang ikinatanga ko.

"Walang hanggan 'yan?!" Nagugulat ko na tanong. Natatawang tumango siya sa akin.

"Hindi po ito nawawalan ng laman, dahil wala pong hangganan 'to." Napapanganga na kinuha ko na ulit ang card.

Tinago ko tuloy sa bra ko ang card ni Lan. Grabe! Hindi ko naman aakalain na gano'n pala karami ang laman ng card na 'yon!

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Bungad ni Lan ng pagbuksan niya ako ng pinto sa kwarto namin.

"'Yung card mo," kinuha ko ang black card niya sa bra ko at inabot sa kanya. "Hindi mo naman sa akin sinabi na... na wala palang limitasyon 'yang card mo." Kanda-utal ko pa na sabi.

"Hmm? How did you know?" Kinuha nito ang pinamili ko at ipinasok, sumunod naman ako sa kanya.

"Sabi nang cashier sa akin." Napapanguso na ani ko. Tiningnan ko pa si Yol na ngayon ay natutulog na sa kama, katabi si Khay, Black at Yellow. Mukhang inilibot ni Lan ang mga ahas niya ngayon.

"Hmm... Kaunti lang ata nang binili mo?" Hinalungkat pa ni Lan ang ibang paper bags. May nga sitsirya roon ay tinapay na pwede kay Yol. May mga de-lata rin, paubos na kasi ang de-lata rito sa bahay.

"Hindi ko kayang bumili nang marami, ni hindi ko rin kasi alam kung magkano ang lama ng black card mo... No'n pala ay no limits." Pagnguso ko bago naupo sa dulo ng kama. Nag-unahan naman ang dalawang ahas na puntahan ako. Pumalupot kaagad sila sa akin.

"Did you buy something for yourself?" Agad na tanong niya.

"Hindi ko na inisip ang sarili ko, Lan. Sa inyo lang ni Yol ang mga binili ko."

"Tss, bad." Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Hinawakan pa nito ang dalawang ahas niya na ngayon ay parehas ng nakahiga sa hita ko.

"Sabi ko naman sa 'yo, lahat ng ginagawa ko-"

"Ay para sa akin." Napapanguso na isnandal nito ang ulo niya sa balikat ko. "Alam ko naman 'yon, Lan. Nakikita, nararamdaman at nauunawaan. Hindi mo kailangan na magsisi sa lahat ng mga ginagawa mo, dahil lahat ng 'yon ay gustong-gusto ko." Paninigurado ko sa kanya.

"Thank you, Meyrie Layn..." Mahinang ani niya bago hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. "I'll never... never hurt your feelings. Pangako na kapag katabi mo ako, ligtas ka... Hindi kita pababayaan, dahil mahal kita... Gusto kita."

The Hiding Mafia Where stories live. Discover now