Chapter 19

99 6 0
                                    

Miracle

Its been nine months since Yol came to our life. We didn't know what's his real date birth, therefore we just think of a lucky number. July 14, 2021. That's his birthday.

"Not that, Baty!" Napapikit na lamang ako sa kasungitan ni Lan. Paano nga ay ilang araw na silang hindi nagkakaintindihan ni Baty.

"Sir, I know," pagyuko ni Baty.

"Fine! Just leave!" Napapahiya naman na umalis na si Baty.

"What's our problem?" I asked. Naupo ako sa tabi niya.

"Just tired... I didn't sleep for almost three days, 'till now."

"Stop being hard to yourself, you need to rest." Napapabuntong hininga na naibagsak na lang niya ang ulo sa balikat ko.

"I still need to work-"

"No, ako na ang bahala. Ikaw, matulog ka na." Agad ko siyang pinigilan.

"But-"

"No buts... Halika, ihahatid kita sa kwarto natin. Tabihan mo si Yol, tutal ay natutulog na rin ang bata na 'yon." Wala na siyang nagawa kung hindi ang tumango na lang at magpahatid sa kwarto.

Pagkapasok ay nahiga kaagad siya sa tabi ni Yol. Hindi na niya nagawa pa na alisin ang sapatos niya kaya ako na ang gumawa no'n.

But a minute later, naririnig ko ang mahihinang hikbi niya. Tuloy ay gulat akong napalapit sa kanya at agad na iniharap sa akin ang katawan niya.

"Hey, why are you crying?" Sapilitan ko itong iniupo bago siya niyakap. Naisubsob naman niya ang ulo sa leeg ko.

"I'm just... tired..." Mahinang ani niya. Para siyang bata na umiiyak, hihikbi-hikbi.

"You can rest, Lan... Hindi mo naman kailangan mag trabaho lagi, pwede mo naman iwan ang trabaho kahit isang araw lang." Hinagod ko ang likod nito para maibsan ang nararamdaman niya.

"But I can't. Marami akong pangarap, lalo na para kay Yol..." Lumayo ako sa kanya. Hinawakan ko ang magkabila nitong pisngi at pinahid ang luha niya.

"He was still young. Wala pa siyang alam sa paligid niya. Malayo pa bago magka-isip si Yol. Sa ngayon, sarili mo muna ang isipin mo. You need to rest, you need to take care of yourself. Kapag hindi mo inalagaan abg sarili ko, bakha mamatay ka-"

"Boring." Inis ko siyang tiningnan. "Just kidding." Natatawang ani niya bago muli ako niyakap. "Hmm, I'll rest for one week, is that okay?" Agad akong tumango.

"Sige na, matulog ka na." Tahimik naman siyang sumunod sa akin. Nahiga muli ito sa tabi ni Yol at niyakap pa niya ang bata.

Maingat naman akong lumabas nang kwarto.

Bilang isabg college student, marami rin akong trabaho. Talagang nahihirapan ako palagi. Wala na akong tulog katulad ni Lan. Hindi ko na halos nagagawa ang dating mga ginagawa ko. Dahil ngayon ay puro aral, pag-aalaga at pagpasok sa school na ang ginagawa ko. Hindi ko naman magawa na mag reklamo, dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatan.

Bumaba na lang muna ako sa sala dala ang anim na librong makakapal. Puro tungkol sa health ang laman no'n. Ganito pala talaga kapag nursing ang kinuha mo, maraming basahin.

Three hours ang naubos ko sa pagbabasa bago ako umakyat sa kwarto. Tulog pa si Lan, pero si Yol ay nasa ibabaw na niya at gumagapang pa kasama ni Khay.

"Yol!" Mahinang singhal ko bago siya kinarga. Si Khay man ay bumaba na paalis sa tiyan ni Lan. "Don't do that again. Daddy is tired, okay?" Pagka-usap ko rito. Hindi naman ako pinansin ni Yol, sa halip ay pumalakpak pa siya.

"Papa!" Gulat kong nilingon si Yol.

"What?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko, tuwang-tuwa." Tumatawang pumalakpak naman si Yol.

"Papa!" Ulit niya, sa pagkakataong iyon ay naiiyak ko na siyang tiningnan.

"Lan! Gising!" Inaantok naman na nagmulat ng mata si Lan.

"What's happening?" Lutang na tanong niya.

"Talk again, anak. Say 'Papa'" Utos ko kay Yol.

"Papa!" Pagsasalita nito.

"P-papa?" Gulat na napabangon si Lan at nilapitan kami. "Did he called me?" Pipikit-pikit na tanong niya.

"Papa!" Ulit naman ni Yol.

"Oh, god!" Aligaga nitong kinuha ang phone niya at vi-nideohan si Yol. "Say 'Papa' again." Nangingiting ani Lan.

"Papa!" Iniangat pa Yol ang dalawa niyang kamay at tila nagpapabuhat kay Lan.

"Yes, I am your papa." Binaba muna ni Lan ang phone niya sa lamesa bago sa akin inagaw si Yol. "We will go to mom, I will show to her the video." Nangingiting ani Lan. Tumango naman ako. Nagmamadaling lumabas siya ng kwarto dala si Yol. That boy.

Papasok na sana muna ako sa CR para maligo pero nakarinig ako nang kaluskos sa gawing veranda. Nagtatakha kong hinawi ang kurtina bago binuksan ang glass door.

"What's that noise?" Sumilip pa ako hanggang sa baba, pero wala namang kahit na anong tunog akong narinig.

Pero saktong pagharap ko sa glass door ay baril ang siyang tumama sa ulo ko.

"Nasaan ang bata?" Nanginginig kong natingnan ang taong kaharap ko ngayon...

Patay na siya... bakit siya nandito sa harap ko?

"B-bakit? Anong gagawin mo sa bata?" Ni hindi ko maigalaw ang ulo ko, dahil natatakot na bakha bigla nitong iputok ang baril na nasa ulo ko.

"Nanakawin ko siya... katulad ng pagnakaw nila sa 'yo... Ayaw mo ba no'n, iginaganti kita?" Nagtatakha ko itong tiningnan.

"Anong ninakaw nila ako? A-ano ba ang sinasabi mo?" Naiiyak kong tanong.

"Darating ang panahon na hindi mo na gugustuhin pa na manirahan dito... Umuwi ka na..." Hinaplos nito ang pisngi ko kaya lalo lang akong napaiyak.

"H-hindi ko kaya na maiwan si Yol dito... Huwag niyo siyang kunin..." Pagmamakaawa ko.

"Kapag nalaman mo na ang lahat, umuwi ka kasama ang bata... Hihintayin kita..."

"P-pa..."

"Hihintayin kita, Anak. Maghihintay si Papa."

The Hiding Mafia Where stories live. Discover now