Chapter 3

130 14 1
                                    


   The clock ticked when it struck at twelve in the evening. Kasabay ng pagpatak ng noche buena ay ang pagsabog ng maraming fireworks sa malawak na lawn ng mansyon ng mga Mondragon. Kitang-kita sa buong bayan ang fireworks na pinasabog ng pamilya. Dala yon ni Darius mula sa isang finest firework maker sa China.

   "Wow!," manghang bulalas ng mga anak ni Demitry at Arizton na gising na gising rin kahit hatinggabi na.

    "Ang ganda! Sa fireworks show lang makikita ang mga ganyan dito sa Pilipinas," komento ni Ginoong Ricardo Mondragon.

     "Tama ka papa," ani Voltaire na kasalukuyang nakaakbay sa asawang si Zarah.

      "MERRY CHRISTMAS TO ALL!" sigaw ni Augustus kahit may dala-dalang bluetooth microphone.

     "Salamat Brad at naisipan mong magdala niyan dito," tumatawang bulalas ni Arizton kay Darius na katatapos lang sa pagsindi ng panghuling fireworks.

     "Haha para hindi naman ako mahiya sa kakainin ko rito brad,"

     Nang marinig ito ng lahat ay nagkatawanan sila. Sa huling batch ng fireworks ay napa-wow silang lahat nang pumorma iyon ng salitang MERRY CHRISTMAS sa madilim na kalangitan.

     Habang ang lahat ay nakatunghay sa napakagandang pailaw sa ere ay di napigilan ni Darius na pasadahan ng tingin ang bahay. May hinahanap ang kaniyang mga mata.

     Matapos ang fireworks display ay pumasok na silang lahat sa malawak na salas ng mansiyon kung saan naroon ang napakalaking mesa na punong-puno ng mga pagkain. Di kalayuan ay nakatayo ang napakalaking christmas tree kung saan nagkukumpulan ang mga regalo para sa exchange gift na gaganapin mamaya.

      "Oops dahan-dahan," pasigaw na bulalas na wika Crystalle nang magtakbuhan papuntang upuan ang dalawang chikiting nila ni Arizton. Gumradweyt na sa kakulitan sina Sophia at Inigo. Ang dalawang ito na naman ang pumalit.

     "Kids, behave. Magdadasal pa si lolo ninyo," ani ni Arizton sabay preno sa mga anak.

    "Pasensiya na kayo sir Darius sa kakulitan nitong mga apo ko," nakangiting paumanhin ni Ginoong Ricardo sa panauhin.

    "No problem, sir," nakangiting tango ng lalaki.

    Pagkalipas ng ilang saglit ay nakaupo na silang lahat  sa nakapalibot na mesa.

    "Hindi ba natin gigisingin ang bunso?" nag-aalangang tanong ng ginang sa kanilang lahat.

    "Pabayaan mo muna yon. Pagod yun sa byahe lalo pa't siya lang mag-isang bumyahe at may dala pang bata,"

   "Tama si papa ma," ani Augustus.
    Napatango sila halos lahat pagkatapos ay nanalangin  bago nagsimulang magpyesta.

   "Sir Darius, try this roasted turkey. This is my specialty," ani Ginoong Ricardo at ipinagslice si Darius.

   "Papa, napapansin ko feeling close ka kay Mr.X,"natatawang wika ni Voltaire na may hawak-hawak na fried shrimp.

   Natawa ang lahat sa narinig.

   "Siyempre son, he's a VIP. He might give me techniques in running our security agency. Diba sir?"

  Tumawa lang si Darius habang ngumunguya ng roasted turkey na ibinigay ng matanda.
 
   "Darius na lang po sir"aniya pagkatapos.

    "Naku huwag mo rin akong i-sir Darius. Uncle na lang ang itawag mo sa akin,"

    "Papa, hindi mo kayang bayaran ang TF niyan. Matinik yan naku!" banat ni Demitry.

    "Magkano ba Darius?"

    "Naku po. Dahil sa sarap nitong roasted turkey niyo uncle libre ang ibibigay kong serbisyo," natatawa niyang sabi. Pagkarinig nila ng sinabi niyang iyon ay nagkatawanan silang lahat.

BULLETPROOF SERIES 5 MARJORIE MONDRAGONWhere stories live. Discover now