Chapter 5

135 11 2
                                    

   

      Gabi na nang dumating si Darius sakay ng kotse  na hiniram niya kay Arizton noong isang araw. Hindi siya umuwi the following day nang umalis siya ng Masbate dahil nagulat talaga siya sa resulta ng DNA test. Nasa estado siya ng pag-iisip na ideny ito o tanggapin ang katotohanan. He spent a day in a hotel suite drinking alcohol to escape from reality. Nagvideo call rin sila ng live-in partner na si Victoria. Miss na miss na raw siya nito dahil ito ang unang Christmas holidays na hindi sila magkasama. Nagkaroon din sila ng mainit na pag-uulayaw on cam. Both of them long for each other's flesh. Kaya nang mahimasmasan siya ay bumalik na siya ng isla sa sumunod na araw.

     Pasado alas nuebe ng gabi nang sipatin ni Darius ang relo. Kakababa lang niya ng sasakyan at napuna niya kaagad ang bahagyang katahimikan ng mansiyon bukod sa mahinang tawanan na naulinigan niya sa gilid ng mansiyon.

    "Good to see you buddy.." ani Arizton na bumungad sa kaniya sa malawak na living room.

    "Pasensiya ka na natagalan ako sa Maynila. May importanteng impormasyon kasi akong nakalap."

   Ngumiti si Arizton at tinapik siya sa balikat.

    "I understand it. Trabaho ko rin yan. I think you should take your dinner."

    Hinubad ni Darius ang suot na jacket at umupo sa sofa bago nagsalita.

    "I had taken my dinner already. Nagtataka lang ako bakit ang tahimik ng bahay?"

    "Ah, ano kasi, we spent the whole day at the beach. Pasado alas siyete ng gabi na kami nakauwi kaya pagod ang lahat. Knock down bata at matatanda," natatawang wika ng lalaki.

    Napatango si Darius.

    "Siguro magpahinga ka na rin buddy. Mamaya na lang ako papasok sa guest room kapag nakapagpahangin na ng konti. Baka bangungutin ako, mahirap na," nakangising wika niya.

    "Sige, ikaw bahala. Akyat na ako,"

     Tumango si Darius at tumalima si Arizton paakyat ng ikalawang palapag.

      Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay napabuntong-hininga siya at napatitig sa kawalan. Nakikinita niya sa kaniyang balintataw ang resulta ng DNA test na ipinalaboratoryo. Maya-maya ay narinig niyang muli ang tawanan sa partikular na dako ng mansiyon. Tumayo siya at humakbang upang tingnan kung sino ang mga iyon na nagkakasiyahan.

    Mula sa madilim na bahagi ng lilim ng kahoy natanaw niya sa di kalayuan ang dalawang tao. Isang babae at isang lalaki na masayang naglulunoy sa pool habang magkayakap. Kaagad siyang napakagat-labi nang makilala ang babae. It's Marjorie. Nang makita niya ang mukha ng lalaki ay naalala niya ang sinabi nitong darating ang fiance ng dalaga.  Sa walang rason, bigla na lang tumigas ang kaniyang mukha at nagdilim ang paningin.

   "She must be sleeping with my son. What a careless woman! Mas inuna pang lumandi kaysa tabihan ang anak ko sa pagtulog."

   Mabilis na tumalikod si Darius at pumunta  sa garahe kung saan naroon ang kotse na hiniram niya. Kinuha niya mula sa compartment ng sasakyan ang binili niyang regalo para sa anak. Nakabalot iyon sa malaking kahon at may nakasulat sa tag na "from Daddy Santa". Pumasok siya ng bahay at umakyat ng tahimik sa silid ni Marjorie. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at pasimpleng pumasok. Muling nag-alburuto ang kaniyang isipan nang makitang nag-iisa lamang ang anak niya roon at iniwan ito ng mama niya. Lumapit siya sa kama at pinakatitigan ang mukha ng bata. His heart beats so fast. Walang dudang anak nga niya ito. Napangiti siya nang mapansin ang sunburn nito sa mukha. Siguro'y pagod na pagod ito sa pakikipaglaro sa mga pinsan habang nasa dagat kanina. Maya-maya ay nilapag niya ang dala-dalang kahon at iniwan sa ibaba ng kama. Pagkalipas ng ilabg minuto ay tahimik siyang lumabas at dumiretso na kaagad sa guest room. Pagkapasok niya sa silid ay naghubad aiya kaagad ng damit at pumasok sa banyo upang maligo. Sobrang naiinitan ang kaniyang katawan sa mahabang byahe. Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas siya na nakasuot lamang ng roba at brief sa ilalim. Bumaba siya ng silid upang kumuha ng inumin sa mini bar. Ngunit nagulat siya nang madatnan niya roon si Marjorie na kumuha ng isang bote ng wine. Hindi napansin ng dalaga ang kaniyang presensiya dahil nakatalikod ito sa gawi niya. Hindi napigilan ni Darius ang hagurin ang kabuuan nito. She's wearing a red one-piece swimsuit na backless.

BULLETPROOF SERIES 5 MARJORIE MONDRAGONWhere stories live. Discover now