Chapter 4

158 16 7
                                    

  Kasalukuyang nasa hardin sa labas ng mansyon ang apat na magkakapatid na Mondragon, ang kanilang ama at si Darius habang nagkakape ng umagang iyon. Masayang nagkukuwentuhan ang anim tungkol sa kanilang mga hilig., bala, baril at bakbakan.

   Ang mga bata ay abala sa paglalaro sa playground na ipintayo ng kanilang lolo at lola para sa kanila. Si Sophia at Inigo ay masayang nag-uunahan sa slide. Ang dalawang anak rin ni Arizton na si Yzrah at si Caleb ay nagse-seesaw. Nakigulo rin ang mga anak ni Augustus at Voltaire na mga toddlers pa.

     "Good morning kids!" masayang bungad ni Marjorie sa mga pamangkin sa playground habang karga-karga si Gavin.
 
     "Good morning tita," halos magkasabay na wika ni Sophia at Inigo ang ibang mga bata ay hindi sumagot at tinanaw lang sila. First naman kasi nilang makita ang tita nilang ito lalong lalo na si Gavin.

     "Hello, everyone...this is Gavin, he is your cousin too. I am your tita Marjorie. Your daddies are my brothers kaya tita ninyo ako sa ayaw niyo at sa gusto. Haha! This is my son Gavin. Say hello to them baby..." baling niya sa anak. Sumimangot lang si Gavin at hindi sumagot. Bagong gising kasi ito.

    "Don't you wanna play with them baby? Oh, see. There are so many toys there oh! You can play with Kaenon baby o," aniya at lumapit sa anak ni Voltaire na halos kasing edad lang rin ni Gavin.

    "Baby, this is Kaenon. Baby Kaenon, this is Gavin. Can we borrow this toy from you?"

     Tumango kaagad ang anak ni Voltaire at iniabot kay Gavin ang truck na laruan. Tinanggap iyon ng bata at agad itong napangiti. Di naglaon ay nakihalubilo na si Gavin sa kaniya at sa iba pa niyang mga pinsan hanggang sa naging kasing kulit na rin siya ng mga ito na nagtatakbo sa lawn ng mansyon.

       Sa di kalayuan kung saan naroon ang mga kalalakihan ay panay sulyap si Darius sa mga bata lalong-lalo na nang nandoon na rin si Gavin. The very first time he saw the face of the child ay kumalabog ang kaniyang dibdib. The child has  features exactly alike to him. Pero pilit niyang iniwawaksi ang ideyang iyon. Marami namang magkamukha talaga sa buong mundo kahit na hindi genetically related. Baka nagkataon lang talaga na medyo nakikinita niya ang sarili sa bata. Yung mga narinig niya kagabi sa mga sinabi ni Marjorie ay buong gabi niyang pinag-isipan. He remembered that Marjorie didn't mentioned the hotel's name. Baka hindi naman talaga siya ang babaeng  nakulayaw niya nang gabing iyon. Marami naman kasi ang posibilidad. Though the scenario she said matched to the incident, he denied it. He needed to have a solid evidence not just on hearsays.

    Natigil siya sa pag-iisip nang mapansin si Marjorie na may katawag sa linya. Nakangiti ang babae at sumisigaw ang natural nitong ganda. Kaagad siyang nagbawi ng tingin nang mahuli nito ang kaniyang mga mata.

    "How old are you by the way Darius if you don't mind hijo?" tanong ni Ginoong Mondragon.

     Tumawa si Arizton. He knew he's old enough.

    "Thirty five...plus ten..haha"

     "Kasing-edad lang pala talaga kayo nitong si Arizton. Ipasyal mo naman dito ang pamilya mo. We can sail and catch fresh fish from the sea.."

    "Nah, papa. Single pa itong si Mr. X,"  kantyaw ni Demitry.

   "I have a long-time live in partner sir," he said after taking a sip of hot coffee.

   "Ganon?" halos magkasabay na bulalas ni Demitry at Augustus.

    Nakangisi siyang tumango.

   "Ako lang ang may alam non pero ewan ko bakit alam rin ni Voltaire," ani Arizton.

   "He saw me with my partner when he went to New York few years ago."

   Tumango si Voltaire at ngumiti.

BULLETPROOF SERIES 5 MARJORIE MONDRAGONWhere stories live. Discover now