Chapter 7

196 14 21
                                    


       "You want to marry my daughter?" nakakunot ang noong tanong ni Ginoong Mondragon matapos ang maikling katahimikan.

      "Yes!"

      "Bakit ngayon mo pa naisipan yang gawin? Matagal na simula noong dumito ka for the first time. I'm sure alam mo na yon," iritadong wika ni Arizton.

      Bumuntong-hininga si Darius.

      "At first I thought it was okay to let Gavin live like that. I mean she has a great mother. But when I learned that there will be another man to become his father, I felt bad.  I want my son to grow with me."

     "But Marjorie will not surely agree to you. She will not marry you because she loved Philip."

     Matagal bago nagsalita si Darius. Totoo naman kasi ang sinabi ng matanda.

     "I will not entrust my sister to you in marriage. Darius, it's not a game nor a business. Marriage is different. Because of a child is not a good reason to just marry someone. It will only end in inconvenience. Araw-araw lang mag-iiyak ang kapatid ko kapag iginiit mo ang gusto mo," mahabang turan ni Arizton.

     "That's why I am asking your permission to grant me a hundred days to change her heart."

     Arizton smirked. Naalala niya ang sarili noong kapanahunang nililigawan niya ang asawa. Crystalle was set to marry Paolo that time. Pero nagtagumpay siya. Ngayon may tatlo na silang anak. But the only difference now is no feelings involved between the man and the woman. It just only because of the child.

    "Tomorrow is their wedding day. You're late Darius. I won't hurt my daughter's feelings. However, you still have forever to prove yourself as a good father to Gavin." Pagkawika nito ni Ginoong Mondragon ay tumayo siya at humakbang na palabas ng library ngunit bago pa niya napihit ang seradura ng pinto ay muling nagsalita si Darius.

    "I am attracted to your daughter."

     Napahinto si Ginoong Ricardo at napalingon sa lalaki.  Tama ang kanilang mga mata, lalaki sa lalaki.

     "Do you think she will fall in love with you?"

     "She has no choice but to fall for me,"

     Napailing ang matandang Mondragon pagkatapos ay lumabas ng silid. Matalim ang mga tingin ang ipinukol ni Arizton sa kaniya nang ito'y sumunod na tumayo.

    "Kung ayaw mong tuluyan tayong magkasira, huwag na huwag mong-----"

    "Hindi ko gagalawin ang kapatid mo."

     Arizton glared on him and walked out.

     Napabuntong hininga si Darius at maya maya ay sabay silang lumabas ng silid ni Lance.  Magalang silang nagpaalam kay Ginang Mondragon at tahimik na lumisan sa mansyon. Pinigilan sila nito para sana'y maghapunan muna ngunit hindi sila nagpapigil.

    Pagkalipas ng ilang minuto ay tinawag ni Manang Helen ang lahat ng tao at iilang panauhin sa mansyon para sa masaganang hapunan.  Makalipas ang maikling sandali ay nagsalu-salo na silang lahat. 

    Kinabukasan maagang nagising ang mga tao sa mansiyon. Ngayon kasi ang araw ng kasal ni Marjorie at ni Philip na gaganapin sa rooftop ng  isang hotel na malapit sa beach. Busing-busy ang lahat ng tao sa paghahanda ng kanilang mga sarili. Pasadong alas otso ng umaga ay nagsimula ng bihisan at make-upan ang bride. Simple lamang ang kaniyang gown at wala ng maraming detalye pero lubos pa rin ang kagandahang taglay ng dalaga.

    "Day, ang ganda mo talaga," kinikilig na bulalas ni Hannah na kasama niya sa loob ng silid. Si Gil naman ay panay ang kuha ng pictures sa kaniya gamit ang sarili nitong DSLR.

BULLETPROOF SERIES 5 MARJORIE MONDRAGONWhere stories live. Discover now