Chapter 8

78 3 0
                                    

      One week ago Marjorie got an information about Phillip's whereabout mula sa kanilang common friends. Piniga niya ang mga ito upang malaman niya kung nasaan ang dating kasintahan. She needs an explanation. She doesn't deserve to be dumped over the phone. Their lovestory is perfect. It was almost a fairytale which might had a happy ending. Hindi siya naniniwala ng basta basta sa sinabi nito dahil kilala niya si Phillip. Her heart knows him very well. He's a good man, a husband material.

     Kaya noong nakaraang araw, nagpaalam siya sa kaniyang mama na pupuntang Brazil. Noong una'y hindi pumayag ito dahil baka mapano siya. Pero kinulit niya ito at napilit rin. Iiwan niya si Gavin doon sa kanila. Kasama naman niya ang mga pinsan niyang mga bata na pinanatili muna doon ng kanilang lola at lolo para may kalaro si Gavin. Pumayag naman ang mga mag-asawang Arizton at Demitry. Kaya aalis siya ng bansa na panatag ang loob na di malulungkot ang kaniyang anak sa ilang araw niyang pagkawala.

     Sobrang pagod ang naramdaman  ni Marjorie nang dumating siya sa Buenos Aires, ang kabisera ng Brazil. Jetlag at pananakit ng katawan ang nag-udyok sa kaniya na maghanap agad ng pinakamalapit na hotel para makapagpahinga. Bukas na niya hahanapin ang address kung saan tumutuloy si Philiip. Dala ang isang backpack at luggage nagcheck in si Marjorie sa isang three-star hotel. Pagdating niya sa silid na inokupa ay kaagad siyang nagchat sa ina upang ipaalam dito na nakarating siya ng safe. Hindi na siya nakipagvideo call dahil alam niyang natulog na ang mga ito sa oras na iyon. Habang nakasalampak siya sa kama ay mataman niyang pinagmasdan ang mga masasayang larawan nila ni Phillip. Napaluha siya nang di niya namamalayan hanggang sa nakatulog na siya.

    *******

     "Ding"

      Napalingon si Phillip sa pintuan nang marinig ang tunog ng door bell. Kasalukuyan siyang nagkakape sa hapong iyon. He's been staying a while already in Buenos Aires. That vacation spree was given to him by Darius. The man wanted him to get lost immediately in Marjorie's life.

     Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya at tinungo ang kung sino man na naroon.

      "Buenos Tardes!"

      Nanlaki ang mga mata ng binata nang mapagsino ang nasa harapan.

      "Darius..."

      "Yeah, can we come in?"

      Nakasuot ng cap at leather jacket ang napakalaking panauhin kaya hindi  niya gaano nakikita ang mukha nito. May kasama itong buntis na babae sa likuran. Kumunot bahagya ang kaniyang kilay.

      "Yeah! Sure!"

       Alangan man at natatakot ay niluwangan ni Phillip ang bukas ng pinto. Sumunod kaagad si Darius at ang babae na sa tantiya niya ay apat na buwang buntis. Naupo ang dalawa sa sofa na naroon.

       " Coffee or juice?" tanong ni Phillip.

       "Thanks but don't bother. I need to tell you right away why we're here," seryosong wika ni Darius na nagtanggal ng cap.

       Tumango ang binata at naupo sa katapat na upuan.

       "Marjorie's looking for you and she's here. I hope that you still remember what we had agreed," isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Darius sa lalaki. Kaagad itong naintindihan ng isa. He doesn't want to meet her nor talk to her.

       "So do you want me to hide? Move to another country?"

       Bumuntong -hininga si Darius bago magsalita. Marahan siyang umiling.

      " Here! She's Jessica, she's my colleague's wife. She's pregnant. I want you to turn her down. You said long ago...I mean your alibi that you got someone pregnant. Jessica will do the act. Make her believe that it's over between you and her---"

BULLETPROOF SERIES 5 MARJORIE MONDRAGONWhere stories live. Discover now