Chapter 1

108 2 0
                                    

This is your author Cookie Eun at your service.

Just want to improve my writing skills so, hope you don't mind leaving comments.

-----------------------------------------------------------------

#My First Sight of My Crush.

"WAHHH!! Wag Tulong tulungan niyo ko, please Amber palabasin niyo ako dito.!"

sigaw ako ng sigaw pero parang walang pakialam yung malditang Amber na yun. Kinulong niya ako sa banyo ng mga lalaki. Nagpapatulong lang silang gumawa ng assignment kaya ginabi kami sa library. Tapos nagpatulong naman siya magCR, tapos ayun, tinulak niya ako sa loob. Walang tao dun at biglang namatay yung mga ilaw. I'm more than AFRAIDDDDD!!!!!

Naririnig kong may mga nagtatawanan sa labas.

"Amber please. Palabasin mo na ako. Natatakot na ako." iyak na talaga ako ng iyak. Siyempre. Imagine, nasa banyo ka???!!!! pwede naman akong ikulong sa ibang lugar eh. Wag lang sa banyo. Lahat ata ng horror movies, most of the time, sa banyo kinukuha.

Maya maya pa, nawala na yung mga nagatatawanan. Mukhang bumaba na ata sila ha?! NOO!!!

Teka...

Teka!!!!!!

Sandali...

Bakit bumubukas yung pintuan sa last cubicle???!?!! Horror ba to?! Hindi.. nasa Teen Fiction Section tayo eh. Dapat Love story to hindi horror!!!!

Oh my gosh!

O.O

Wala pa man din akong makita. Bukod sa malabo na ang mga mata ko, madilim pa. Kinapa ko yung mga nasa gilid ko. May mop!!! Thank Goodness! Hinawakan ko yun tapos pinalo ko dun sa lumabas ng cubicle na papalapit sa akin.

"ARAYYYYY!!!" sabi nung napalo ko.

"Wag mokong lalapitan! Maligno ka! Wag kang lalapit." hawak hawak ko pa din yung mop na parang sword.

"Sandali, ano ba??!!! Sino ka ba ha?! Tao ako. Oh tao ako! Hindi ako maligno." tinapat niya yung background light ng phone niya sa mukha niya para ipakitang tao talaga siya.

Jusmio! Mas angat pa sa tao ang Kaguwapuhan nito. Nakahawak pa din yung isa niyang kamay sa noo niya.

"Miss! Mag-ingat ka nga! Atska Bakit ba sigaw ka ng sigaw ha?"

tumayo siya tapos sinubukang buksan yung pinto.

"Hindi mo mabubuksan yan. Ni-lock nila mula sa labas."

Tapos sinuntok niya yung pinto. Magwo-wow na ba ako? Kaso mukhang mainit ang ulo.

"Pag minamalas ka nga naman! Bakit ba kasi dito pa kayo nagaway-away?! Bullshit!"

Naku! Nakakatakot. Nagtransform na siya as a a beast.

"Hindi naman ako nakipag-away eh. Trip lang nila to."

"Sayo?"

"Oo."

"Eh malas ka palang babae ka e. Sh*t!!!!! Bakit ba ako nadamay sa kamalasan mo!!!!"

"Please lang kuya ha, tigilan mo ako sa pagmumura mo. Nakita mong kalmado ako oh! Ikaw sigaw ka ng sigaw."

"Paano ka magiging kalamado kung makikipag-break na sayo yung girlfriend mo kapag di mo pa siya sinipot ngayong gabi?"

"Kasalanan ko ba yun? Hayy Ewan. Bakit di mo nalang kasi tawagan?"

Narinig kong dina-dial na niya pero mukhang nahawa nga ata sa kamalasan ko tong si taong to.

"Badtrip! Walang signal sa banyong to! Bad trip talaga!" sinipa niya ulit yung pinto. Ilang beses na niyang ginagawa yun ha?

"Edi harapin mo na! Maki-pag break ka na tapos MOVE ON! Sus! Kayong mga in a relationship. Ang bobo niyo mag-isip no?"

"Hoy! Ms. Weirdo! Nagmahal ka na ba? Kasi mukhang di mo alam yung sinasabi mo eh."

Oo nga. Nagmahal na ba ako? oo no, sa parents. Iba ba un sa pagmamahal sa ibang tao? Nagmahal na nga ba talaga ako katulad ng tinutukoy niya? Hindi pa! NBSB ako.

"Hindi pa. Pero alam ko ang gagawin kung sakaling magbreak kami katulad niyang sitwasyon mo."

"Hayy naku! Kaya naman pala, ang hirap makipag usap sayo. Hindi mo pa naranasan yung ganito e.Wala pa sigurong nagkakagusto sayo."

Tumahimik na kaming dalawa nung sabihin niya yun. Sobra sobrang katahimikan na hindi ko napansing nakatulog na pala ako.

Maguumaga na nung magising ako.. Ibig kong sabihin, mag-uumaga na nung gisingin ako. Hayy! Ang sakit ng buong katawan ko.

"Miss. Gising na. Huy!" sabi nung janitor sa akin. Habang tinatapik-tapik pa ako.

"Kuya? Nasan po yung kasama ko dito?" sinuot ko na yung salamin ko.

"Naku, umalis na. nagmamadali pa nga eh. Sinong nagkulong sa inyo dito?"

"Wala kuya, sige po aalis na ako. Salamat." tumayo na ako tapos umuwi na.

Ako nga pala si Bianca Alejo. 1st Year College student. 16 years old.

Nakatira magisa sa bahay ko dito sa Pampanga. Nasa ibang bansa yung mga magulang ko.

I like Fairy tales a lot! Not because it shows us there are real dragons or witches but it teaches us that even THOSE can be beaten. BOW!

I have big glasses. I have these braces on my teeth (both up and down). I have these long hair bangs covering my eyes. I have these tiny pimples. You may consider me Kadiri like what Amber and her group think of me. It's okay.

I have no choice. It's God given. Deal with it along my story:)

He's my Bully <3Where stories live. Discover now