Chapter 10

25 2 0
                                    

#Wasted

"Bianca, umiinom ka ba?" tanong niya sa akin nung napasandal kami sa kotse ng basang basa sa ulan.

"Oo naman. Na-try ko na. Pero ayaw ni France. Nagagalit yun na parang... MONSTER kapag nalaman niyang uminom ako."

"Sus! France, France, puro France. Di niya malalaman. Tara!" hinila niya ako sa loob ng kotse tapos nagdrive na din siya. Dinala niya ako sa isang bar. Masarap yung pakiramdam dahil madilim sa loob at wala talagang makakakita sayo. Wala na yung takot ko na baka malaman to ng bestfriend ko.

Uminom kami hanggang siguro 4am. Buti nalang at holiday bukas walang pasok. Tapos nakakatawa si Jaden, para siyang tanga dahil sobra na talaga ang daldal niya. nakikisunod pa siya sa beat. Sayaw ng sayaw. Ganito pala to pag lasing.

"Ihahatid na kita freak."

"Ikaw? Hahatid mo ko? Ayoko,baka maaksidente tayo."

"Pambihira. Mas magaling akong magdrive kapag lasing no."

"Ewan sayo. Tara na nga. Magyayabang ka pa eh." oo, lasing na pero mayabang pa din.

Sumakay na kami ng kotse. Nagdrive siya ng sobrang bilis. Kahit sa mga humps hindi siya nags-slowdown. Nakakatakot lang talaga. Tapos tinanong niya kung pwede siya matulog sa amin. natural dun nalang siya. Baka maaksidente pa siya dahil sa ganung pagddrive. Kargo ko pa.

Binuksan ko na yung gate tapos pinasok na niya yung sasakyan niya. Pagbukas ko ng pinto. Tuloy tuloy siya sa kwarto ko. Buti nalang tulog na din si Ash nun. Inaantok na din ako kaya tumabi na ako sa kanya.

"Isabel, hmmm. Wala kang kwenta. Wala. hmmm." nagsasalita ba siya habang tulog? Parang tanga. Pabayaan na. Matutulog nalang ako. Pero....

Maya maya.. Niyakap niya ako. Sobrang higpit na halos hindi ako makahinga. Ano bang meron parang ang init na ata. Pinagpapawisan ako.

"Uy ano ba? Lumayo ka nga." tinulak ko siya pero ayaw niyang umalis.

"freak! Dito ka lang." Freak pa din ang tawag niya kahit tulog siya? Talagang nakakainis na.

Nakatulog na din kami nang nakayakap pa din siya. First time ko kaya nu. First time ko yung may yumakap sa akin hanggang sa pagtulog.

10am.

"ARAYYYY! Ang sakit ng ulo ko."

"Natural lang yan adik. Syempre uminom ka kagabi e." sabi naman nung ungas sa may couch sa tabi ng kama ko. At aba! Hawak hawak na niya si Ash. Talagang nagkakasundo na sila ha.

"Ewan ko sayo. Diyan ka na nga." bigla akong tumayo.

"San ka pupunta?"

"Maliligo, bakit sasama ka?" kumuha na ako ng damit sa cabinet ko para sa banyo na ako magbibihis.

"Pwede ba?"

"Bastos!"

"Tingnan mo to! Freak ka talaga."

Naligo na ako tapos nagluto ng makakain namin. Naglinis din ako ng kwarto ko, tinulungan naman ako ni Jaden. Siya yung nagbuhat ng kung ano ano sa kwarto ko. As in ni-rearrange ko. Dati, si France ang katulong ko dito eh.

Pagkatapos namin kumain. Nagpunta kami ng grocery. Namili kami ng gamit at pagkain ko sa bahay. Nakibili na din siya ng snacks. Kasama namin si Ash maghapon, tapos, pina-grooming pa namin siya. Meron na siyang bagong ribbons at haircut. Si Jaden din, nagpagupit. Sinamahan pa namin. Masaya naman pero nakakapagod.

"JJ, pare!"

"Oh pare, kumusta na?"

Naku, mababarkada nanaman niyan to eh. Nakakainis. OP ako.

"Eto, okay lang. Wala na kami ni Isabel."

"Sorry pare. Siya na ba yung bago mo?"

What?! Ako daw ba? Sira ulo ba to? Tell me who your friends are and I'll tell you who you are talaga! Pare-parehas silang baliw!

"HAHAHA. Hindi pa pare."

"Naku, wag mo nang diskartehan. HAHAHA. Mapapahiya ka lang kay Isabel"

"Ano? Teka? Anong ibig mong sabihin?" nakakunot na yung noo niya.

Hinila niya si Jaden sa tabi niya tapos bumulong.

"Pare, ano ka ba? Ang pangit kaya nung kasama mo. Baka pagtawanan ka lang ni Isabel. HAHAHA!"

"Bastos ka pala eh!" tapos sinuntok ni Jaden yung lalaki. Parang action movie, hindi man lang nakapalag yung lalaki. Inaawat ko na siya pero ayaw niyang papigil, dumating na din yung mga guards ng mall. Awkward.

Pinatawag kami sa office sa taas. May involve na ding mga pulis. Naku! mapapahamak pa ata kami. Buti nalang. Hindi masyadong malala yung mga suntok niya at hindi na umapila pa yung sinuntok. Kaya ayan, nakalabas din kami pero masyadong matagal yung proseso.

Dahil sa pangyayaring yun, lalo lang kaming naging close ni Jaden. Hindi pa din siya tumitigil tawagin akong Freak. At sobra pa ding mang-asar. Lahat ng nambubully sa akin, siya ang sumasagot. Busy kasi ngayon si France eh. Namove kasi yung intrams next next week dahil marami pang hindi prepared sa event. At ayun, napagalitan sila sa President ng school.

Lumipas yung mga araw na lagi kaming magkasama ni Jaden. Sabay sabay kaming naglulunch tatlo tapos siya ang naghahatid sundo sa akin sa school dahil busy nga si France. Hndi na namin binalikan yung girlfriend niya. Ayaw na ata talaga niya.

Tapos eto na.. intrams na!

"Freak, bibili lang ako ng inumin tapos manuod tayo ng volleyball."

"Naku! Ayoko! gusto ko dun sa basketball. Lalaban yung mga Admin."

"Volleyball nalang. Sige na please."

"Ayoko! Gusto ko basketball. Bading ka ba? Diba nga yung mga lalaki, gusto basketball?"

"Ako bading? Ewan sayo. Edi dun nalang tayo! Ang dami pang sinabi eh."

HAHAHAHA! Naiirita na siya. Sana palagi nalang siyang ganun. Nagpapatalo. HAHA. Nanood kami ng basketball at magkalaban yung mga bet namin. Nanalo yung sa akin kaya nilibre niya ako ng dinner. Last day kasi yung main event. Dun yung laban ng cheerdance.

"Freak, may ibibigay ako sayo."

"Ano yun?!"

napapasigaw na tuloy ako dahil sa sobrang ingay. Kahit san ka magpunta, puro music ang maririnig mo. Halo-halo na.

"Contact lense!"

Inabot niya sa akin yung isang maliit na paper bag. pagtingin ko, may isang solution at lalagyan ng contact lenses.

"Para saan to?"

"Ay, slow ka talaga? Ni hindi mo man lang naisip na, mag chcheer dance ka tapos nakasalamin ka?"

"Ahhhhh. Thank you!" tapos niyakap ko siya ng mahigpit.

"Lumayo ka nga, baka sabihin nila in a relationship tayo eh."

Sus! Ang sweet pero nababaduyan. Ano ba yun?! Basta thank you nalang sa kanya. Hindi ko lang talaga maexpress.

He's my Bully <3Where stories live. Discover now