Chapter 7

48 2 0
                                    

#Curse him!

Monday nanaman! Ang pinaka-panget na araw sa buong linggo. Aminin!

Well, pagpasok ko palang ng school, as usual. Si France nanaman ang sumalubong sa akin. Every morning nalang. Palagi siyang nasa may gate, pag dadating ako.

"France, pwede ka naman maghintay sa lobby eh. Bakit diyan ka talaga sa may gate?" tanong ko sa kanya habang tuloy tuloy ang lakad namin papunta sa first room namin.

"Gusto ko dun. Kakuwentuhan ko pa sina Manong Guard.: inakbayan na niya ako.

During lunchbreak namin, Doon kami sa Office of Student Affairs kumakain. Kasi may aircon atska payag naman yung D.O namin.

"Anong baon mo?" tanong ni France, siya na din yung kumalkal ng lunckbox ko sa bag.

"Wala lang yan. Hotdog atska bacon as usual." sabi ko habang nakasalumbaba lang ako sa table.

"Ano ka ba naman Biancs, palagi nalang ganyan ang baon mo. Lahat ng tira mo sa almusal, binabalot mo lang eh." sabi niya pa sa akin.

"Ang reklamo mo alam mo?! Eh wala namang magluluto para sa akin eh. Sa susunod nga di na ako sasabay sayo!" sabi ko.

"Uy! Nagtatampo. Sige na. Masarap naman yung hotdog eh, with cheese. Ako ang baon ko, chicken atska vegetable salad. Gawa ni yaya. Ano ha?!"

"yabang!" kumain na kami dahil nakakapikon na talaga siya. Lait ng lait pero siya ang umubos ng baon ko.

Lumabas na ako ng office after kumain pero siya naiwan dahil may meeting sila for the upcoming event. May bumato nanaman sa akin.

"HOY LALAKI! Kung nasaan ka man. Wag kang magpapakita sa akin ha!" Sigaw ko kasi hindi ko siya nakikita eh.

Walang sumasagot kaya tumuloy ako sa paglalakad. Maya-maya... Padami na ng padami yung papel na bumabato sa batok ko. Tapos may naririnig akong hagikgik sa tabi nung office.

"Sinabing-!" sigaw ko tapos lumabas na siya. Tawa siya ng tawa.

"Hoy! Panget! Bakit iyak ka ng iyak nung sabado?! Ang drama mo ha! Gusto mo lang machansingan yung lalaki eh." si France yung tinutukoy niya.

"Ang kapal ng mukha mo! Wala talagang sorry sorry ha?" sabi ko tapos nakikita ko siyang palapit sa akin. Tapos hinila nanaman niya yung kwelyo ng uniform ko.

"ARAYYYY! Ano ba?! Bakit ka ba hila ng hila?!" sabi ko habang tinutulak ko yung kamay niya sa akin.

"Wag ka ngang maarte! May pupuntahan tayo." sabi niya sa akin. Hila hila pa din ako.

"Ayoko na sumama sayo bwiset!"

"Hindi pa ako kumakain. Gusto kong samahan mo ako!" sigaw niya. Tapos tawa siya ng tawa.

"Gusto mo pa ng shabu?! Mukha kang adik! Sira ulo." inupo niya ako sa isa sa mga upuan sa canteen.

"Anong gusto mo kainin?" Tanong niya habang nakahawak pa din siya kwelyo ko ng nakatayo at ako nakaupo.

"Bwiset! Bitawan mo nga ako. Nasasaktan nga ako eh."

"Bilisan mo, nagugutom na ako eh." hinigpitan niya pa yung paghawak niya.

"Kumain na ako. Ikaw nalang!" sagot ko ng nakasimangot.

"Hindi! kumain ka ulit. Sobrang payat mo."

"Alam mo, kung magso-sorry ka. Sabihin mo nalang. Hindi yung mananakit ka pa at mangiistorbo." sabi ko, I smirked.

"sira! Sinong may sabing magsosorry ako?!"

"Bakit ililibre mo ako kung hindi ka guilty?"

"Ewan ko sayo. Eto pera, ibili mo ako ng lunch. Bilisan mo!" siya naman yung umupo.

He's my Bully <3Where stories live. Discover now