Chapter 3

42 3 0
                                    

#Stalker strikes!

"Okay Class. good day." inayos na ng teacher yung mga gamit niya at lumabas sa classroom.

Nagsaya na ang lahat pero ako, ayaw ko ng lumabas ng klase. Pero ayaw ko din mag-stay. Nandon sa labas yung asungot. Nandito naman sa loob yung kampon, SI AMBER! Hayy! Bakit wala akong magawa!? Nakakaawa ako!

"Hey, Bianca. Kumusta naman ang kalandian mo?! Buti may pumapatol sayo ha?! Hindi ba sila natetetano sa braces mong kalawangin?" tanong ni Amber na nakpamewang pa.

Nagtawanan silang lahat. Pati yung iba kong classmates. Kung nandito lang talaga si France!! Where are you now?! Cause I'm thinking of You. you showed me how..... CHOS! haha!

"Oo nga. Atska wala ka bang rabies? HAHAHAHA"

"I bet, bubula na din yung bibig nung gwapong lalaki dun sa banyo. Naku, kawawa naman si papa, baka maagang mamatay dahil sa babaeng to."

Nagtawanan nanaman sila.

"Naku Friend. Mukhang sinusundan pa din siya nung lalake oh! Nandun sa labas."

Lumingon ako dun sa tinuturo nung babae. Oo nga! Siya nga yun. Yung lalaki sa CR! Naku naman! Papatayin na ako nito. Pumapasok ba to? Bakit palagi akong sinusundan???

Lumabas na silang magkakaibigan. Iilan nalang kaming natira sa room. Ayoko talagang lumabas.! Dumating ka na France!

"Bye, Bianca." sabi nung isa. Sila nalang tatlo ang kasama kong natira. umalis pa.

"Sama na ako sa inyo. Pwede ba?" tinitingnan tingnan ko pa din yung lalaki sa labas.

"Eh? Mag-cucutting kami eh. Hindi na kami papasok sa ibang subjects. Sasama ka pa din ba?"

"oo kahit sa labas lang, yung sa may guard."

"osge. tara."

Lumabas na kami ng room pero nakayuko pa din ako. Nagtatago ako sa gilid ng mga kasama ko para hindi ako mahuli nung ungas.

"Hoy babae!" sumigaw nanaman siya.

"Naku, tara bilisan natin." sabi ko sa mga kasama ko pero parang hindi nila ako naiintindihan.

"Tigil! Sabing tigil eh!" binato nanaman niya ako sa ulo. Palagi nalang siyang sapol! Buti nalang puro papel na bato ang binabato niya.

Biglang nagtakbuhan yung mga kasama ko. Nakitakbo din ako kaso hinila nung ungas yung kwelyo ko eh. Naabutan niya ako.

"Nasasaktan na ako ah. Hindi na maganda yan! Humanda ka talaga pag sinumbong kita sa bestfriend ko!"

"Anong pakialam ko sa bestfriend mo?! Halika dito!"

"Ano ba kasing kailangan mo." hinihila niya pa din ako sa kwelyo ko.

"Sa ngayon, gusto kitang patayin. Pero may naisip ako."

Tumatawa pa ang ungas na to! hindi na nga ako makahinga eh. Bakit ba walang makakita sa amin?!

"Ano nanamang binabalak mo? ha?!"

"Papaluin kita ng mop.! kailangan kong gumanti no! Una sobra na ang laki ng bukol ko dito sa noo dahil sa pagpalo mo ng mop sa akin!"

"Buset ka! Kung hindi mo nahahalata, babae ako! Wala kang Respeto. Bakla ka no?! Pati babae pinapatulan mo!"

"Shut u----"

Di niya pa natutuloy yung sinasabi niya. Sumigaw na ako!

"Bitiwan mo ako! hindi ako makahinga!"

"Hindi!"

tapos unti unti na pumikit yung mga mata ko. Nalaglag na din ako sa mga braso niya na humihila sa akin. Naramdaman kong unti unting lumuluwag na yung pagkakasakal sa leeg ko.

"Hoy! Babae! Gising. Hoy!"

"JOKE LANG" Tumayo na ako sa pagkakaupo tapos kinagat ko siya at tumakbo na ako.

"ARAYYYYYY!" hawak hawak niya yung kamay niya. Sobrang sakit siguro talaga nun. Parang nakakalasa ako ng dugo sa dila ko. Pwe!

"Sira Ulo! Bagay mo yan!" Nag-belat pa ako sa kanya habang tumatakbo ako palayo.

----------------------------------

Please! Vote and Comment:)

He's my Bully <3Where stories live. Discover now