DAY 1

125 94 0
                                    

*******

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

*******

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko ang iba't ibang gusali ngunit hindi ko alam kung ano at para saan ang mga ito. Iginalaw ko ang paa ko at humakbang para libutin ang lugar na nasa harapan ko ngunit narinig ko ang pagtakbo sa kanan ko. Napaharap ako doon at nakita ko ang isang lalaking naka-suit at face mask na papunta sa direksyon ko. Humakbang ako paatras at akmang tatakbo palayo ngunit huli na ang lahat. Nahawakan ako nito sa braso.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko dito habang binabawi ko ang kamay ko. Kahit anong hila ang gawin ko ay hindi umoobra dahil mas malakas ito sa akin. Hinila ako nito palapit sa kanya at bigla na lamang nitong tinakpan ng panyo ang bibig ko. Nagpumiglas pa ako sa pagkakahawak niya ngunit unti-unti nang nanlabo ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at ang tanging nakita ko lang ay ang puting pader. Umupo ako sa kamang hinihigaan ko at doon ako napahawak sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot nito. Bakit nga ba ulit ako nandito? Inalala ko ang nangyari kanina paglabas ko ng gate at doon ko napagtanto na ginamitan ako ng pampatulog.

Tumingin ako sa paligid at masasabi kong maliit lang ang lugar na kinalalagyan ko. Tanging kama, mesa kung saan nakapatong ang bag ko at kahoy na cabinet ang nandito sa loob. Tumayo ako sa kinahihigaan ko at lumapit sa mesa. Kinuha ko ang bag ko dito at chineck ang mga laman nito. Wala namang kulang at lahat ay nandito pa kaya nakahinga ako ng maluwag.

Babalik na dapat ako sa kama kung nasaan ako kanina ngunit napatigil ako ng makitang sa pader ng kama ay nakasabit ang uniform ng school ko. Bakit yan nandito? Para saan yan? Sinong nagdala niyan dito? Madami pang tanong sa utak ko ngunit napunta ang mata ko sa isang cabinet sa gilid. Bakit hindi doon nakalagay yung uniform?

Para masagot ang tanong ko ay naglakad ako palapit sa cabinet. Dahan-dahan ko itong binuksan at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Mayroong iba't ibang uri ng armas dito. Iba't ibang uri ng baril at kutsilyo, bow and arrow, sword, at mayroon ding mga kahon ng bala para sa baril. Sa ibaba ay mayroong mga bote na may label na 'poison'. Mayroon ding mga band at bag kung saan pwedeng ilagay ang mga armas na ito.

Tumingin ako sa paligid ng buong cabinet at talagang puro armas ang laman nito. Napatigil ang mata ko sa gitna ng may mapansin ang kumikinang sa gitna. Kinuha ko ito at nakitang gold na susi ito. Ibabalik ko sana ito ngunit bigla akong nakarinig ng nakakabinging tunog. Napaupo ako sa sahig habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa tenga ko.

"Hello, survivors" Tinanggal ko ang kamay ko sa tenga ko ng marinig ang boses na yun. It was the same voice na narinig namin sa speaker sa school noong unang araw. Pero saglit, survivors? Ibig sabihin hindi lang ako ang nandito?

"Kung akala niyo tapos na ang lahat, well, doon kayo nagkakamali" Umalingawngaw ang nakakatindig balahibong tawa matapos nitong magsalita. Nagsitayuan ang mga balahibo ko ngunit hindi ko na lang ito pinansin at naghintay sa susunod niyang sasabihin.

DEAD OR ALIVEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt