DAY 2

66 71 0
                                    

*******

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*******

Pagkatapos ng nangyari kahapon ay kinabahan na akong lumabas kaya naman hanggang ngayon ay nananatili lang ako sa loob ng kwarto. Napatingin ako sa braso ko kung mayroong bandage dahil sa sugat na natamo ko kahapon. Ito ang pinaka ebidensya kung bakit sobrang nakakatakot lumabas. Ang problema ay hindi ako pwedeng manatili lang dito buong hapon dahil kailangan ko ngang maghanap ng clue sa gate palabas. Bukod doon ay malapit nang maubos ang supply ko ng pagkain.

Base sa naaalala ko ay kumpleto ang supply sa mall na napuntahan ko kahapon. Paniguradong may grocery din doon kung saan pwede akong kumuha ng mga pagkain at tubig. Kukuha na lang ako ng stock for a week doon. Siguro naman wala na doon yung babaeng humahabol sa akin? Isang araw na din ang nakalipas kaya siguro naman ay wala na siya doon. Sana lang talaga ay wag siyang bumalik dahil hindi ko alam kung paano ko siya lalabanan.

Isa pang issue ko ay bala ng baril. Paano na ko pag naubos ko lahat ng bala dito? Kaya isa sa mga gusto kong mahanap ay tindahan ng mga armas para makakuha ako ng spare bullets. Kaya lang noong tumatakbo ako kahapon ay wala akong nahanap na ganito kaya baka kailangan kong pumunta sa ibang lugar. Sa ngayon ang pinaka importante talaga ay masiguro kong mabubuhay ako ng isang linggo dito bago ko hanapin ang gate.

Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang 3:30 na ng hapon. Napabuntong hininga na lang ako bago ako kumuha ng pagkain sa bag ko. Kumakalam na ang sikmura ko kaya naman kinain ko na ito. Kumuha pa ko ng ibang pagkain dahil gutom pa talaga ako. Pagkatapos ay kinuha ko ang huling bote ko ng tubig at ininom ang lahat ng laman nito.

Kinuha ko ang bag ko at tinanggal ang lahat ng laman nito maliban sa mga bala at sinuot ito. Tumingin akong muli sa cellphone ko para sa oras. Six hours before curfew. Isinuot ko ang bag ko at tinanggal ang mesang nakaharang sa pintuan. Sumilip muna ako sa butas sa pinto at ng makitang wala tao dito ay binuksan ko ang pintuan habang hawak ang rifle ko at naglakad palabas. Pinakiramdaman ko ang paligid ko at ng masiguro kong ako lang ang tao dito ay tsaka lang ako nagsimulang maglakad.

Dahil alam ko na naman ang daan papunta sa mall kahapon ay dahan-dahan na lang akong naglakad habang tinitingnan ng mabuti ang mga dinadaanan ko. Napangiti ako ng madaanan kong muli ang tindahan ng sapatos kung saan ko kinuha ang suot ko ngayong puting rubber shoes. Pagkalagpas ko dito ay nakita ko ang isang bakery. Tumingin ako sa paligid bago ako pumasok sa loob.

Tulad kahapon ay chineck ko muna ang bawat sulok ng bakery bago ako pumunta sa mga shelf kung saan nakalagay ang mga tinapay na nakabalot na. Tiningnan ko ang mga ito isa-isa at mukhang buo pa naman ito. Binuksan ko ang isang balot at kumagat sa isang tinapay. Doon ko nakumpirmang maayos pa nga ang kalagayan nito kaya naman binuksan ko ang bag ko at kumuha ako ng mga tinapay doon. Nagtira pa din ako ng space para sa inumin at ibang makukuha ko sa mall dahil pwede naman akong bumalik dito sa bakery sa mga susunod na araw dahil medyo malapit lang ito sa akin. Bukod doon ay hindi ganoon kalaki ang bag na gamit ko kaya hindi din talaga ako pwedeng kumuha ng madami.

DEAD OR ALIVEWhere stories live. Discover now