DAY 7

29 27 0
                                    

*******

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*******

"Kahapon pa tayo paikot-ikot dito pero hindi pa din natin nahahanap yung gate" Sambit ni Lillian. Napabuntong hininga naman ako dito. Hindi kaya mali ang pagkakaintindi ko sa clue? Ito lang naman kasi ang body of water dito pero simula pa kahapon ay wala talaga kaming nakitang kahit anino ng gate.

"Mali kaya yung pagkakaintindi ko?" Tanong ko sa kanila.

"I don't know pero para maging sigurado, siguro mag-isip na din tayo ng ibang lugar kung saan tayo maghahanap lalo na at huling araw na ngayon" Saad ni Archer kung saan napatango naman ako. Kailangan na talaga naming mahanap ng mabilis ang gate na yun.

"Pumunta tayo doon habang nag-iisip tayo" Suhestiyon ni Archer sa amin kung saan agad naman kaming pumayag dahil yun na lang ang malapit na side na hindi pa namin nalilibot. Agad kaming nagpunta doon at tiningnan ang bawat sulok.

Kahit ang mga establishments doon ay pinapasok na namin para makasigurado lang na wala kaming nakaligtaang tingnan at nagbabakasali din kaming may makikita pa ulit kami na clue ngunit kahit anong subok namin ay hindi pa din talaga lumilitaw ang gate palabas dito. Nasaan ba kasi talaga yun? Bakit hindi namin ito makita?

"Look who it is" Napalingon kaming lahat sa pinanggagalingan ng boses na iyon at laking gulat namin ng makita si Owen doon. Na-alarma naman kaming lahat at tumingin sa paligid dahil wala sa likuran niya si Cassandra. Alam naming lahat na magkasama sila kaya naman paniguradong nandito lang din yun sa paligid. Natigil lang ang pagtingin namin sa paligid ng biglang may magpaputok ng baril. Napaharap kami kay Owen at nakitang nakatutok pa din sa amin ang baril na hawak niya.

"Focus here, wag niyong hanapin ang wala" Naka-smirk nitong sambit. Hinigpitan ko ang hawak sa rifle ko at itinapat ito sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan si Cassandra pero kung si Owen lang naman ang kakalabanin ay tingin ko kayang kaya naming manalo dito. Itinutok ko ang rifle ko kay Owen at akmang babarilin na ito ng itulak pababa ni Lillian ang rifle ko.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kaunti na lang ang oras natin. Hanapin niyo na yung gate, ako na ang bahala dito" Sambit ni Lillian sa amin.

"Mas mabilis kung tutulungan ka namin" Saad ko sa kanya.

"No, ilaan niyo ang oras niyo sa paghahanap bukod doon ay mas mabuti kung gamitin niyo na lang ang lakas niyo kay Cassandra" Nakangiting sambit nito sa amin ngunit ayoko pa din siyang iwan dito. Nag-aalala ako sa kanya.

"I'll be right behind you, okay?" Saad nito sa akin para mapanatag ang loob ko.

"Go!" Sigaw nito sa amin kaya kahit ayokong umalis doon, kahit gusto ko siyang samahan at tulungan ay tumakbo na lang ako palayo doon kasama si Archer. May tiwala ako kay Lillian, alam kong babalik siya sa amin. Kaya for now, hahanapin ko ang gate na iyon para pagkabalik niya sa amin ay pwede na kaming lumabas.

DEAD OR ALIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon