DAY 5

47 46 0
                                    

*******

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*******

Hayden

Pagkagising ko ay agad kong inikot ang braso ko upang makita kung maayos na ang kalagayan nito pero impossible naman ata yun lalo na at kahapon lang ito nangyari. Ang sakit pa din nito kapag ginagalaw pero kaya naman itong tiisin. Sunod kong ginalaw ang palad ko kung saan may balot ng bandage ang pahabang hiwa na natamo ko. Mas masakit ito kaysa sa braso ko dahil malalim ang hiwang naiwan ng lalaking nakalaban ko kahapon.

Inaalala ko pa lang ang mga nangyari kahapon ay napapangiti na ako. Malakas sila, malakas ang babae at lalaki na tumulong kay Lillian kahapon. Magaling gumamit ng espada yung lalaki kulang lang talaga siya sa lakas. Magaling namang gumamit ng baril yung babae dahil asintado ang mga pagbaril niya. Siguradong masaya silang makalaban. Sana ay makita ko sila ulit para makalaban ko sila ng mas maayos at sana kapag nangyari yun ay maging tuloy-tuloy na ang laban.

Oras na siguro para maghanap ulit ng pwedeng makalaban? Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng kwartong kinalalagyan ko. Bumungad sa akin ang liwanag ng araw at malamig na hangin. Mukhang magiging maganda ang araw na ito. Nagsimula na akong maglakad habang nakangiti dahil sa excitement. So far ay masasabi kong mas magandang maging kalaban ang mga tao dito kaysa sa school ko. Mas malakas ang mga tao dito kaya mas nae-enjoy ko ito.

Tinahak ko ang daan papunta sa park kung saan ko nakalaban ang dalawang taong tumulong kay Lillian. Baka sakaling dumaan ulit sila dito at makalaban ko sila ulit. Pagkadating ko doon ay walang kahit isang tao sa park. Kahit na ganito ay naglakad pa din ako dito at umupo sa lupa habang nakatingin sa entrance ng park. Kapag may dumaan dito ay paniguradong makikita ko ito at makikita niya ako. Sana lang talaga ay may dumaan dito at kating kati na ang kamao ko na makipaglaban.

Habang nakaupo ay nakarinig ako ng isang tunog. Ang tunog ng patalim na pinapatama sa pader. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumingin sa pinanggagalingan nito habang may ngiti sa labi ko. Doon ay lumabas ang isang babaeng may mahabang buhok at makikitang hawak niya ang patalim. Nakatingin lang ito ng diretso at mukhang hindi pa ako nakikita dahil hindi pa siya lumilingon sa gawi ko.

"Hey" Pagtawag ko sa pansin nito. Napunta ang mata nito sa akin at ng makita ako ay gumuhit ang nakakatindig balahibong ngiti sa labi nito.

"Want to fight?" Tanong ko dito at imbes na sumagot ay naglakad na lang ito papunta sa direksyon ko. Nang ilang metro na lamang ang layo nito sa akin ay tumigil ito sa paglalakad at makikita ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kutsilyong hawak.

"Cassandra ang bilis mo namang maglakad" Napalingon naman ako sa isang lalaking biglang dumating habang hinihingal. Nang umangat ang tingin nito sa akin ay napaatras ito ng bahagya.
" Ako na ang lalaban diyan, hindi mo kailangan pagurin ang sarili mo " Sambit ng lalaking ito sa babaeng nasa harapan ko habang tumatagaktak ang pawis nito.

DEAD OR ALIVEWhere stories live. Discover now