DAY 3

58 65 0
                                    

*******

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*******

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at ang una kong napansin ay ang puting pader sa paligid. Gagalaw na sana ako para tingnan pa ang paligid ng may maramdaman ako sa ibabaw ng ulo ko. Napatingin ako dito at nakita sa peripheral vision ko si Archer. Oo nga pala, magkasama kami buong gabi dahil nastranded kami noong nag-10:00 na. Kasalukuyan ako nakasandal sa balikat niya habang ang ulo niya naman ay nakasandal sa ulo ko kaya naman kahit gusto ko nang tumayo ay nanatili na lamang muna ako para patuloy pa din siyang makatulog.

With the few inches I could turn my head ay nakita kong nasa binti ko ang bag at rifle na dala ko. Gamit ang kanang kamay ko ay kinapa ko ang band na suot ko at ng makitang kumpleto ito ay dahan-dahan kong binuksan ang bag ko. Puno pa din ito ng kahon ng bala kaya naman isinara ko na lang ito. Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko ang paggalaw ni Archer. Saglit siyang napatigil bago niya tanggalin ang ulo sa akin kaya naman umayos na din ako ng upo.

"Nagising ba kita?" Tanong ko dito dahil baka naging maingay ako noong chineck ko ang gamit ko.

"No, nagising ako ng kusa" Sagot naman nito sa akin.

"Breakfast?" Tanong ko sa kanya.

"May dala kang pagkain?" Tanong nito sa akin.

"Nasa room ko pero pwede tayong pumunta sa mall. Madami pang pagkain sa grocery nung huli akong nagpunta doon" Sagot ko sa kanya.

"Tara" Sagot niya kaya sabay kaming tumayo. Isinuot ko ang bag ko at hinawakan ng mahigpit ang rifle ko. Binuksan niya ang pintuan at naglakad na kami palabas doon. Tumingin kami sa paligid at ng makitang wala na ang taong naka-suit na nakita namin kagabi at walang tao sa labas ay tuluyan na kaming lumabas sa photo studio.

Magkatabi kaming naglalakad ngunit may distansya pa din sa pagitan namin. Paniguradong dahil hindi pa din namin pinagkakatiwalaan ng todo ang isa't isa kaya medyo mailap pa kami. Tahimik kaming naglalakad to the point na mararamdaman na ang awkwardness sa hangin. Tumingin ako kay Archer sa peripheral vision ko at nakita kong nakatingin lang siya ng diretso sa dinadaanan namin. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nito.

"Nasaan ka bago dito? Like saan nangyari yung prey and hunter?" Pangbabasag ko sa katahimikan sa pagitan namin.

"Nasa loob kami ng school, ikaw ba?" Pagbabalik nito ng tanong sa akin.

"Sa school din kami" Sagot ko naman sa kanya.

"Nung una wala pang pumapatay sa amin although may namatay kasi sumilip siya sa taas ng pader. Nagsimula yung patayan samin ng second day pero I think apat lang yung naging hunter samin? Medyo chill din kasi nung mga unang araw. Mga sixth to seventh day yung talagang takbuhan" Pagkukwento ko sa kanya para naman may mapag-usapan kami.

"I'm surprised na hindi agad kayo nagpatayan after niyo mareceive yung instructions" Kumento nito.

"We had a leader at lahat ay naniwala sa kanya kaya akala namin pwede talaga kaming makalabas ng kumpleto. He was shot at after noon ay nagsimula nang magkagulo ang lahat" Sambit ko sa kanya.

DEAD OR ALIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon