Chapter 14

3.3K 128 7
                                    

"Sky, he is your, Dad," saad ko kay Sky. 

Nakatitig lang ang anak ko kay Tristan. Ang kambal naman mabilis nakuha ni Tristan ang kanilang loob.

Humarap naman si Sky sa akin. Ngumiti lang ako sa kan'ya. "Sige na."

Lumapit naman ito kay Tristan at yumakap.

"I missed you, baby," mahinang saad ni Tristan kay Sky.

Tumalikod naman ako at ginayak ang mga gamit ng mga bata. Napag-desisyunan ko na hindi na sasama. Bigla kasi tinawagan si Wolf ng kan'yang Hepe, kaya hindi siya makasama sa isla.

Nanigas naman ang aking katawan nasa likuran ko na si Tristan. Tumatama ang kan'yang mainit na hininga sa aking batok.

"Sumama ka na, hahanapin ka ng mga bata," aniya na naramdaman ko na nakadikit na ang kan'yang katawan sa akin.

"Malapit  ang loob sa'yo ng kambal at si Sky naman, okay na rin sa kan'ya," saad ko habang ipinagpatuloy ang pag-iimpake.

"Kath?" mahinang tawag niya. Naramdaman ko ang kaniyang mga kamay sa aking baywang.

Inis na humarap ako sa kan'ya. Bigla lang niya akong hinalikan ng mariin sa labi. Itutulak ko sana siya ngunit hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hiniga sa kama.

"Hmmm..!"

Hindi ko rin maigalaw ang aking dalawang paa dahil nakaipit ito sa kan'yang mga hita.

"Tris-!"

Hindi niya akong hinayaan na magsalita.

"Akin ka lang! Understood?!" aniya na gigil na kinagat ang leeg.

Gigil na hinila ko ang aking dalawang kamay at pinagsasampal ito. "How dare you! Gago!"

Nakataas lang ang kilay niya sa akin. Sumubsob ito sa aking leeg at sinipsip ito. Pilit akong kumawala pero lalo lang niya ako kinulong sa ilalim.

"Tristan!"

Hindi niya ako pinapansin, sa halip itinaas niya ang aking damit at sumubsob sa aking dibdib. Hinila niya pababa ang aking bra.

"Tristan! No!"

Itinaas niya ang dalawang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.

"Hmmm."

Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang pag-ungol. Gigil na gigil ang bawat hagod ng dila no Tristan sa tuktok ng aking dibdib. Naramdaman ko na rin ang kirot nang kan'ya itong kagatin.

"P-Please," saad ko na nanghihina.

"Please what?" namumungay ang kaniyang mga mata na nakatitig sa akin.

"L-Let me go."

"Really? Iyon ba talaga?" naglalaro ang ngiti sa kan'yang mga labi.

"Mommy?"

Agad ko tinulak si Tristan ng malaks. Inayos ko ang aking bra at sinuot aking damit. Dali-daling binuksan ko ang pinto. Si Sky, hawak-hawak niya kabilaan ang kambal.

"Nag-aayos si Mommy ng mga dadalhin niyo," saad ko sa tatlong bata.

Lumapit naman si Tristan at binuhat si Heath. "Ready na ba kayo? Sasama si Mommy sa atin."

Nakakunot naman ang noo ko nakatingin kay Tristan. "H-Hindi ako puwede sumama," diin na saad ko sa kan'ya.

"Kung ayaw mo sumama, it's your choice," aniya na nakangisi.

"Ibalik mo ang mga bata-,"

"Okay," aniya at hinila ang mga bata palabas.

Napabuga naman ako ng hangin. Kinuha ko na ang bag ng tatlong bata at dinala na ito sa labas.

The Game MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon