Chapter 20

3.6K 139 6
                                    

DOS POV

"BAKIT gan'yan ang itsura ng palaka?"  nagtatakang tanong sa akin ni Kath.

Napakamot naman ako sa ulo. "Kinulayan ko ng kulay berde. D-Di ba berde ang gusto ni Sky. Wala kasi sa farm ni Javi."

"Sige, atleast mayroon," aniya na ngumiti ito.

Nilapitan ko ito at niyakap. "Love?"

"Yes?" nakataas na naman ang kan'yang kilay sa akin.

"Sex tayo," bulong ko sa kan'ya.

"Pagod ako. Nag-alaga ako maghapon sa tatlo."

Napabuga naman ako ng hangin.

"G-Gusto mo?" tanong ng asawa ko.

Umaliwalas bigla ang aking mukha. "Of course, I really want!"

Nakasimangot naman ito bigla. "Isang round, Tristan! Kapag nagdalawang rounds ka pa, sa isang taon na ulit!"

Damn! Hindi pa nga kami nakapag-umpisa, nagbabanta na agad.

"Okay. Isang round lang," mahinang saad ko. Baka totohanin na naman niya sa isang taon ulit kami mag-sex.

Akmang hahawakan ko ito, bigla lang niya iniwaksi  ang aking kamay.

"Mamayang gabi na!" aniya na lumabas na ito sa aming silid.

Inis na sinipa ko ang mga laruan ng mga bata na pakalat-kalat sa sahig. Hindi ko na talaga maintindihan ang ugali ng asawa ko.

Napabuntonghininga ako. Nag-shower na lang ako at nagbihis. Pupuntahan ko muna si Terrence. Pagbaba ko, bumungad agad sa akin ang mga anak ko na nagkagulo sa palaka.

"Hey, Kiddos. What is that?"

"Dy! Dy!" nagsisigaw na saad ni Heath.

Nakangiting binuhat ko ito at pinugpog ng halik sa mukha. Napatingin ako kay Sky na hawak-hawak ang isang garapon na may gagamba.

"Sky, huwag mo buksan iyan," saad ko na akma niyang buksan ang garapon na may palaka.

"Saan ka pupunta?" nakasimangot na tanong naman ng asawa ko.

"Kay Terrence, kukunin ko lang ang files na pipirmahan ko."

"Sasama ako! Baka may dadaanan ka!"

Nakakunot naman ang noo ko. "Okay. Nandito naman ang Yaya ng mga bata."

"Bihis lang ako,"aniya ni Kath na umakyat na ito sa taas.

Tinawag ko naman ang Yaya ng tatlo. Ang kambal lang talaga ang masyadong malikot. Si Sky, mabait naman ito at isang saway lanfg, sumusunod agad ito.

"Let's go," nakangiting saad ko kay Kath.

Nakasimangot naman ito na sumakay sa sasakyan. Napahilot naman ako sa aking sentido.

"Buntis ka ba?" diretsong tanong ko rito.

"What?"

"I said, are you pregnant?"

"Pakialam mo!"sigaw niya sa akin.

Pinipigilan ko na lang ngumiti kapag ganito mainit na naman ang ulo niya.

"So, kuya na ang kambal," saad ko naman. Nakatutok lang ang mga mata ko sa daan habang nagmamaneho.

Hindi ito umimik. Kinuha ko ang isang kamay niya at mahigpit hinawakan.

"F-Focus ka sa pagmamaneho, Tristan!"

"I love you," saad ko naman.

Umiwas ito ng tingin. Hindi ko napigilan ang  ngiti sa aking mga labi.

The Game MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon