Chapter 21 - Mythical Land

307 10 5
                                    

A/N: Hi guys! Since natapos ko na din naman yung buong story ipapublish ko na lahat ng chapters. Maraming grammatical errors, typos and mispelled words so please bear with me. Enjoy and have a nice day!

Jahzara Brielle Stanley

Nandito kami ngayon sa gubat, naglalakad papunta sa Kingdom nina Kalyx. Ang Flamma and Thor Kingdom kasi ay pinagmerge dahil mag-asawa naman ang King and Queen ng Kingdom na yon, which is mom and dad nina Kalyx and Cyrus. Bale iisang kaharian para sa dalawang kingdom. Hindi kami makagamit ng portal dahil may barrier doon na nagbabawal saming makapasok. Kailangan mo munang tumawid ng gate ng kaharian at dahil malayo ito, kukuha muna kaming pegasus sa Mythical Land para makapunta doon.

Napatigil ako ng may maramdaman akong kakaibang presensiya. Presensiyang punong puno ng galit sa kanyang puso at kadiliman. Darkanians!

"Stop." matigas na sambit ko na nakapagpatigil sa kanila. Naglagay ako ng maliit na barrier na pwedeng pumrotekta samin. Bigla namang may mga dark ball na papunta sa dereksyon namin ngunit ang natamaan ay ang invisible barrier na ginawa ko.

"Darkanians!" sigaw naman ni Cyrus kaya naghanda kami. Nawala na din ang barrier na ginawa ko at nagsilabas naman ang mga darkanians.

"Impressive. Karapat-dapat nga kayong maging prinsesa at prinsipe." sambit ng sa tingin ko ay commander nila. Hindi niya siguro alam na ako gumawa ng barrier na yon. Sa tantsa ko ay may 32 darkanians na nakapalibot sa amin.

"Stop talking and start fighting." sambit ni Kalyx kaya naman napangisi ang commander nila.

Nagpalabas sila ng dark ball kaya naman isa isa naming pinalabas ang mga kapangyarihan namin. Maaaring talo kami pagdating sa dami nila dahil 13 lang kami at kabilang na si Caleb don pero pagdating sa lakas ay alam kong mas malakas kami. Kahit nga ako lang mag-isa kaya ko silang lahat e. Sinama ko pala si Caleb dahil four days kaming mawawala, noong pumunta kasi kami sa bahay namin ni lola ay nagtampo siya dahil hindi ko daw siya sinama.

Inatake ko ng air slash sa neck ang nasa harapan ko kaya napugutan ito ng ulo. As easy as pie. 1 down, 31 more. Nakita ko namang kalaban ni Kalyx at Ivan ang commander nila. Ramdam kong nahihirapan sila dahil ito ang pinakamalakas sa mga darkanians na nandito.

Naramdaman ko namang may paparating na dark pulse sa akin kaya naman mabilis akong gumawa ng tornado at tinira ito sa may gawa non. Pumasok ang dark pulse sa loob pero tuloy tuloy pa rin ang pagpunta nito sa kalaban ko. Natamaan ito at naging abo agad dahil sarili niyang atake at ang tornado ko ang natamo niya.

Tumingin ako sa paligid ko at nakitang nakikipaglaban pa din ang mga kasama ko sa mga darkanians. Nakita ko namang may paparating na dark ball sa likod ni Sab at hindi niya pa ito napapansin.

"Shit!" singhal ko at mabilis na nagteleport sa likod ni Sab kaya ako ang natamaan nung dark ball.

"Fuck!" daing ko dahil sa kaliwang balikat ko ito tumama.

"Okay ka lang? Thank you, btw." nag-aalalang sambit ni Sab matapos niyang balutan ng yelo ang kalaban niya kaya naman tumango lang ako dahil may mga kalaban pa kami.

Mabilis namang naubos ang kalaban at ang natitira nalang ay ang commander nila at dalawa pang darkanian.

"Tsk! Mga inutil!" galit na sambit ng commander nila ng mapansing tatlo nalang silang andito. "Hindi pa tayo tapos." dagdag na sambit niya ngunit samin na ito nakatingin. Nagpalabas siya ng isang madilim na ang hugis ay pabilog ngunit hindi ito isang dark ball. Tinira niya ito papunta kay Aisha at mabilis na naglaho kasama ang natitirang darkanian.

Nagulat naman ako ng humarang si Ivan kaya siya ang natamaan. Now I know what this thing is. Ito ay tinatawag na nightmare, illusion kumbaga.

"Fuck, fuck, fuck!" galit na sigaw ni Ivan habang nakahawak pa sa kanyang ulo.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now