Chapter 38 - Departure

253 10 0
                                    

Jahzara Brielle Stanley

Matapos ng pag-uusap namin ni lola ay agad akong nagteleport sa dorm namin para mag-ayos ng dadalhin ko. I just bring few things at iniligay ko lahat ng yon sa phone ko. Nang matapos na akong mag-ayos ng gamit ko ay nadatnan ko sina Alexa at Aisha sa sala.

"Jaz, andito kana pala? Anong sinabi ni lola?" bungad na tanong sakin ni Alexa ng mapansin niya ako.

"I just came back to change and fetch few things." casual na sagot ko sa kanya na ikinataka nilang dalawa.

"Yung pangalawang tanong hindi mo pa nasasagot." naka-pout na sambit ni Alexa kaya naman natawa kami.

"May mission daw ako."

"What?!"

Nahawa na ata sa pagka-OA ni Alexa si Aisha. May mission lang ako gulat na gulat agad sila.

"Tss."

"Ikaw lang mag-isa? Hindi kami kasama?" seryosong tanong ni Aisha sa akin kaya naman tumango ako.

"It's a S class mission."

"What the hell!"

Natawa naman ako sa reaction nila dahil ang priceless din. Manang mana din itong mga to kay lola e.

"Don't tell anyone. If ever na may magtanong sabihin niyo binisita ko ang lola ko sa Mortal Realm."

"Pft! Sinong naka-isip ng palusot na yan?" natatawang saad ni Alexa na ikinatawa na din namin.

"Sino pa? Si lola." natatawang sagot ko na lalong nakapagpatawa sa kanila. "Wag niyong sasabihin ha? Kahit pa sa ACES o sa pinagkakatiwalaan niyo."

"Psh! As if naman na sasabihin talaga namin sa ACES. Baka nga walang pake mga yon kapag nawala ka ng ilang araw e."

Natahimik naman ako sa sinabi ni Alexa. Natawa ako ng peke at ngumiti ng malungkot. Hindi naman yon nakaligtas sa paningin nila kaya naman napayakap sila sakin.

"Tss. Sige na, aalis na ako."

Kumawala naman sila sa pagkakayakap sa akin kaya naman nagpaalam na ako at nagteleport sa harap ng cafeteria. Balak ko kasing bumili ng mga pagkain para kung sakali mang magutom kami nina Drake.

Nang maglakad ako sa cafeteria ay unang napadapo ang tingin ko sa ACES na masayang nagkukwentuhan ngayon. Nakita ko pa sina Kalyx at Hailey na naghaharutan kaya napangiti ulit ako ng mapait bago pumunta sa cashier. Nag-order ako ng mga snacks at kung ano ano pa na agad din naman nilang ginawa. Binigay ko ang black card ko na ikinagulat nila dahil first time ko palang bumili dito na ako ang nagbayad.

"Dami nyan ha? Parang mawawala ka ng ilang araw."

Nagulat naman ako ng sumulpot na parang kabute si Ivan sa tabi ko. Kanina lang kasama niya ang mga ACES tapos ngayon andito na siya? Napansin niya siguro ako, mabuti nalang wala ng sumunod sa kanya.

"Yes. Bibisitahin ko kasi ang lola ko sa Mortal Realm." napatango naman siya bilang pag-unawa sa sinabi ko. "Balik kana doon."

"Aw! Sakit non. Parang tinataboy mo na ako ha."

Natawa naman ako sa reaction niya. With matching hawak pa sa bandang puso niya.

"Tss. Aalis na kasi ako."

"Hatid na kita?"

"Wag na, gawin mo nalang favor ko." nagtataka naman siyang napatingin sa akin ngunit kalauna'y tumango din. "Wag mong papabayaan sina Aisha at Alexa habang wala ako."

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now