Chapter 43 - Punishment Day

241 9 0
                                    

Elsa Xaviera Frost

Friday na ngayon at ngayon na ang araw na paparusahan si Jaz. Hindi ko alam kung deserve niya ba ang maparusahan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwalang traydor siya. Ang kaso may ebidensiya na traydor nga talaga siya kaya wala akong magagawa.

Nandito ako ngayon sa dorm kasama ang mga kapwa ko royalties pati na din si Hailey. I don't know why but it feels like what is happening now is somehow wrong. Hindi naman sa ayaw ko kay Hailey pero pakiramdam ko may kakaiba sa kanya.

Naipaalam na din sa buong academy na si Jaz ay isang traydor. Maraming hindi makapaniwala dahil mukhang inosente at mabait daw si Jaz. Ang mga kaklase naman namin na may potential na mapasali sa ACES ay hindi naniniwala na traydor si Jaz. Can you believe it? Kung sino pa ang mga kaaway noon ni Jaz at ang mga hindi niya masyadong close ay pinagtatanggol siya.

"Why did you choose the sun when the moon is always there at your darkest time."

Napalingon naman ako kay Ivan ng magsalita ito. Hindi naman niya kami pinansin at mataman lang na nakatitig kay Superior.

"What are you talking about?" seryosong tanong ni Superior na ikina-kunot ng noo ni Ivan.

"Never let an old flame burn you twice." seryosong saad ni Ivan kay Superior at ibinaling ang tingin saming lahat. "Regret always comes to the end, because that is when you are going to understand that you made a big mistake when the deed is already done. Do not be fooled by what you see, wake up to this dream before you lose someone precious to you."

Matapos sabihin ng kapatid ko ang mga linyang yon ay umalis na siya. Natahimik naman kaming lahat dahil sa sinabi niya. Saming lahat siya lang ang hindi naniwala na traydor si Jaz at siya lang ang nagtanggol kay Jaz sa lahat ng taong hinuhusgahan siya.

"Come on guys! Loosen up." kunwareng natatawang sambit ni Hailey upang mawala ang tension na namamagitan samin.

"Let's go. Sa quadrangle daw siya paparusahan." saad ni Superior at nagsimula ng maglakad kaya naman sinundan nalang namin siya.

Isa pa to, nagtataka na ako sa mga galawan ni Superior dahil hindi naman siya ganito dati. Kahit pa noong hindi pa naglaho si Hailey na parang bula, never siyang umaktong ganito. Simula noong dumating si Hailey ay parang dalawa ang personality ni Superior. May times na ang sweet at bait niya at may times din na seryoso siya at tahimik kagaya ng nakagawian niya.

Agad kaming nagtungo sa quadrangle at pagkapunta namin doon ay sobrang daming tao. May mga professors, students and civilian na sa palagay ko ay sa iba't ibang kingdom pa nakatira. Hindi ko naman ine-expect na ganito karami ang manonood sa mangyayari ngayon. Ganon ba sila ka-eager para mapanood si Jaz na mamatay?

Diba death ang punishment ni Jaz? Pero iba ang paraan ng pagpatay sa traydor dito sa Etheria Realm kumpara sa Mortal Realm. Itatali ang kamay at paa ng paparusahan sa energy sucker chain. Paniguradong manghihina agad ang maitatali dito kaya naman mahihirapan siyang gumamit ng kapangyarihan. Habang nakatali siya ay hahagisan siya ng iba't ibang kapangyarihan pero kaming mga prinsesa at prinsipe lang ang maaaring gumawa non.

Ayaw ko nga sanang saktan si Jaz dahil kahit papaano ay naging masaya ako noong mga panahong nakasama namin siya. Saktong kapangyarihan lang siguro ang ihahagis kong atake sa kanya dahil hindi naman ako masyadong brutal at hindi ko magagawang saktan ang naging mahalaga sakin. Wala din naman akong magagawa dahil hindi ko maaaring labagin ang batas samin.

"Let's welcome our royalties with Ms. Huxley." seryosong sabi ng secretary ni Head Mistress sa mic at nagpalakpakan naman ang mga taong naririto.

Wait. Hailey? Bakit kasama siya sa magbibigay ng parusa kay Jaz? Napalingon naman ako sa paligid at napansing kulang kami. Wala si Ivan. So, pinalitan niya si Ivan para siya ang magbibigay ng parusa? Binalewala ko nalang yon at itinuon ang atensyon ko sa mga taong nanonood ngayon. May mamamatay na nga may nagsisigawan at palakpakan pa?

Napatingin naman ako kay Hailey na ngayon ay naka-ngisi na. Hindi ko naman sinasabing pinagdududahan ko si Hailey pero parang ganon na nga. May mali kasi talaga at ngayon ko lang napansin kahina-hinala siya.

"Let's all see the punishment that will going to held to Jahzara Brielle Stanley. Let her in." seryosong saad ni Ms. Sanchez.

Hindi ko alam pero parang ang lungkot ng mga mata ng secretary ni Head Mistress. Parang tutol siya sa mga nagaganap ngayon ngunit wala lang siyang magawa.

Something is off.

Bigla namang may tatlong guard na pumasok sa scene dala dala si Jaz. Itinali nila ito sa energy sucker chain at kita ko kung paanong kinagat ni Jaz ang kanyang ibabang labi. Narinig ko din ang mahina niyang pagdaing na naging dahilan para makonsensya ako sa mga nangyayari ngayon.

Naghiyawan ang mga stupidyante pati na din ang mga civilian ng makita kung paano masaktan si Jaz. At hindi pa sila nakuntento dahil tinapunan pa siya ng mga basura, pagkain o kung ano ano pa na nakapagpainit sa ulo ko. Magsasalita na sana ako ngunit hindi din natuloy dahil naunahan na ako ni Beatrice.

"ENOUGH! Alam niyo bang labag sa batas na gawin ng ordinaryong mamamayan ang parusa?! Ang mga prinsesa at prinsipe lang dapat ang maghahatol ng parusa sa kanya! Gusto niyo bang madamay ha?!" galit na sigaw ni Beatrice na nakapagpatahimik sa lahat ng nanonood.

Simula noong natapos ang Veneficus Festival ay naging mabait na sina Beatrice pero sa tingin ko ay hindi pa rin nawawala ang takot ng mga students sa kanya. Hindi ko nga din alam pero parang naging baliktad ang sitwasyon ngayon. Si Beatrice na inaapi-api si Jaz noon ay siya na ngayon ang nagtatanggol dito. Naging close nga din nina Beatrice yung nerd na kaklase namin at sa pagkakaalam ko ay Kelsheiy Colleen Ross ang pangalan niya.

Kung nagtataka kayo kung bakit wala si Head Mistress ay parehas tayo. Hanggang ngayon kasi hindi pa din siya bumabalik kaya naman sinimulan na namin ang parusa kay Jaz. Hindi naman siguro siya magagalit o kung ano dahil batas ito diba?

"Let's just get to the point! Any last words Ms. Stanley?" tanong ni Ms. Sanchez kay Jaz.

Itinangala ni Jaz ang ulo niya at mataman na tinitigan si Superior. Siya kasi ang nasa una sa pila namin. Kasunod niya si Hailey at ako naman ang kasunod matapos non.

"Did you ever consider me as your moon, or I'm just one of the stars?"

Wala naman siyang nakuhang sagot mula kay Superior kaya naman natawa nalang siya ng peke at ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"It has been a great journey with you, enjoy your journey without me."

Nakita ko pa kung paano tumulo ang luha niya matapos niyang sabihin yon at biglang nawalan ng emosyon ang mukha at mga mata niya bago tumungo ulit.

"Let's start. Now, let your p-power kill h-her." utal-utal na saad ni Ms. Sanchez at umiwas ng tingin.

"Blue Flare." cold na sambit ni Superior.

Tinamaan naman sa binti si Jaz na naging dahilan para mapaluhod siya. Pagtingin ko sa mga mata niya ay nakakagulat lang dahil wala ka talagang makikitang emosyon sa mga mata niya. Kitang kita namin kung paano tiisin ni Jaz ang sakit sa mga sugat na natamo niya.

"Shadow balls!" nakangising sigaw ni Hailey.

Masaya pa talaga siya ha? Attention seeker lang ang peg. May pasigaw sigaw pang nalalaman akala mo maganda ang boses. Sakit kaya sa tenga.

Ginamit ko naman ang ability ko upang malaman ang iniisip niya. Yes, I'm a mind-reader.

"Bagay sayo. Akin lang si Finn, mamatay ka na!"

Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko ine-expect na ganyan ang iniisip niya. Mukha kasi siyang mabait at inosente pero nakakainis lang sa part na parang ang landi niya pagdating kay Superior.

What a bitch.

"Icicle spikes." nakapikit kong saad at pagmulat ko ay nakita kong may maliliit na galos na si Jaz sa mukha pati na din sa braso.

"You're crying."

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now