Chapter 44 - Death

248 8 0
                                    

Elsa Xaviera Frost

"You're crying."

Napalingon naman ako kay Cyrus ng magsalita ito. Inilapit niya ang magkabilang kamay niya sa pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Fire spikes." saad ni Cyrus bago ako inalalayan upang makatabi sa dadaanan ng susunod na aatake, which is Gab.

Alam kong ayaw din ni Cyrus na masaktan si Jaz kaya katulad ko ay spikes lang ang ginawa naming atake.

"Hydro cannon with poison!" sigaw ni Gab na naging dahilan para mapadaing ng malakas si Jaz.

Nakita ko naman ang mga kaklase kong Superior palang, kagaya ko ay umiiyak na din sila. I tried so hard not to cry but these tears keep running from my eyes. Pati ang mga lalaki ay umiiyak na din, napamahal na din siguro sila kay Jaz.

Si Ivy na ang susunod na titira at ngayon ko lang napansin na wala sina Alexa at Aisha. Siguro hindi nila kayang makitang masaktan at mamatay si Jaz kaya naman hindi na sila pumunta dito. Pero sana sinubukan man lang nilang pigilan ito o iligtas si Jaz. Bakit ganito iniisip ko? Gusto ko din bang hindi mamatay si Jaz? Maybe yes, naiipit lang ako dahil may patunay na traydor nga siya.

"Meteor beam with leaf storm!" nagulat ang lahat pati na ako sa ginawang atake ni Ivy dahil siguradong mamamatay ang taong matatamaan nito.

Nakita namin kung paano napahiga si Jaz at nakapikit na. Namumutla na din ang buong katawan niya na lalong nakapagpakaba sakin. No! Hindi pwede! Naiiyak na napaluhod ako pati na din ang ilan na tutol sa nangyayari ngayon.

"What's happening here?"

Napalingon kaming lahat sa kadadating lang na si Head Mistress at ang nasa likod niya ay ang mga Hari at Reyna. Nang mapadako ang paningin nila kay Jaz ay gulat na gulat sila. Agad na napatakbo si Head Mistress sa gawi ni Jaz na ikinagulat ng lahat. Hinawakan nito ang pulso niya sa leeg, kamay at sa dibdib at ganoon din naman ang ginawa ni Ms. Sanchez.

"She's d-dead." utal-utal at naiiyak pang sambit ni Ms. Sanchez.

Nagulat kaming lahat ng biglang napahagulgol ang mga Superior class na kaklase namin at sina Beatrice at Kelsheiy ang may malakas na iyak.

"What happened here when I wasn't around?" seryosong tanong ni Head Mistress na nakapagpalunok saming lahat.

"S-She's a t-traitor!" utal-utal na saad ni Hailey kaya sa kanya nabaling ang tingin ng mga Hari at Reyna.

"How sure are you?" seryoso namang tanong ng mom ni Superior na si Queen Hazel.

"N-Nakita ko p-pong may kausap s-siyang darkanians at i-ilang minuto ang n-nakalipas ay narinig kong may k-kausap siya sa p-phone niya. S-Siya na daw po a-ang bahala sa Reyna ng T-Terra Kingdom." utal-utal pa ring sagot ni Hailey.

"She's right, tita. Pinatay niya ang mom ko!" naiiyak na saad ni Ivy habang nakakuyom ang dalawang kamay.

"But I'm not dead yet, baby Ivy."

Nagulat naman kaming lahat ng marinig namin ang boses ng Reyna ng Terra Kingdom, which is mom ni Ivy. Napalingon kami sa gawi niya at totoo ngang buhay na buhay siya.

"H-How?" hindi makapaniwalang tanong ni Ivy na alam kong tanong din ng lahat.

"Someone save me." nakangiting saad ni tita.

Someone?

"But it doesn't change the fact that she's a traitor, right?" Hailey seriously said which caused us to look at her.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now