Chapter 26 - Hell Cave Riddles

267 13 0
                                    

Jahzara Brielle Stanley

Nakangiti naman kaming dumaan sa right path dahil safe and dinadaanan namin. Wala na kaming naririnig na kung ano ano. May susunod pa kaya? Imposible namang wala na dahil hindi matatawag na Hell Cave to kung ganoon lang kadali ang gagawin namin.

"Kinabahan ako doon, akala ko wala talaga tayong choice kung hindi mamili nalang e." parang nakahinga ng maluwag na sambit ni Tyler.

"Pero nakakakaba din kasi may pa-riddle ang cave na to. Nakakabobo." maktol ni Calvin kaya naman natawa kami sa kanya.

Nakita naman namin ang dulo ng dinaanan namin at lumabas kami na may tatlong path na ang pwedeng daanan. Napalunok naman sila dahil paliit ng paliit ang chance na pwede nga kaming makaalis ng buhay dito.

"What has to be broken before you use it?" pagbabasa ni Sab sa riddle na nakasulat sa karatula.

Nag-isip isip naman sila habang ako ay tahimik lang na nagmamasid sa kanila. Alam ko na kasi yung answer pero gusto kong sumakit muna ulo nila hahaha.

"Ice? Char."

Natawa naman kami kay Tyler sa sinabi niya. Para talagang bakla ang isang to. Bagay pa naman sila ni Alexa.

"Wrong. Two more left."

Narinig naming sambit ng kung sino na para bang robot. Wow, high-tech lang ang peg?

"Ayan kasi e, wag ka munang magsalita kapag hindi ka sigurado." sita sa kanya ni Alexa na ikina-nguso lang ni Tyler.

"Nagugutom nako." saad ko kahit hindi naman talaga, baka maging hint nila yon para mahulaan ang sagot e.

"Wait, the answer is egg!" masayang saad naman ni Ivy kaya naman napangiti kami dahil mukhang kumalma na rin siya.

Umilaw naman bigla ang nasa left path kaya naman masaya naming tinahak ang daan.

"Paano naging egg yon?" parang tangang tanong ni Dylan kaya naman natawa si Ivy.

"Hindi ka naman makakapagluto kung hindi mo ikacrack ang egg diba?" paliwanag ni Ivy na nakapagpatigil kay Dylan ngunit kalaunan ay ngumiti ito at tumango.

Siguro hindi niya ineexpect na kakausapin siya ni Ivy ng mahinahon o matino. Nililigawan na din pala ni Dylan si Ivy simula nung nag-truth or dare kami sa mansion namin ni lola. Hindi pa rin naman sila tumigil sa pagbabangayan pero nabawasan na din naman.

"So every riddle dumadagdag ang path na pwedeng daanan." biglang sambit ni Cyrus ng makalabas kami sa dinaanan namin at tumambad samin ang apat na posibleng daanan.

"What is always in front of you but can't be seen?" pagbabasa ni Dylan sa next riddle.

"Ang bastos naman nyan!" biglang sigaw ni Tyler na ikinataka namin.

"Ha? Bakit?" takang tanong ng kanyang kakambal na si Calvin.

"Boobs kasi yung sagot." walang putol na sambit niya kaya naman binatukan siya ni Alexa.

"Wrong, two more left."

"Ikaw ang bastos, hayop!"

"Putsa pre, ang dumi ng utak mo!"

Napahimas naman ng ulo si Tyler dahil ang lakas ata ng pagkakabatok sa kanya ni Alexa. Medyo tama naman kasi sagot ni Tyler, maybe you know what I mean.

"Tama naman ang sagot ko ha!" inis niyang sigaw at ngumuso pa.

"Paano naging tama yon ha?" inis na tanong ni Calvin sa kanya.

Veneficus Academy : The Mysterious GirlWhere stories live. Discover now