Chapter 2

17 2 1
                                    

"GRENA, don't be too nosy, okay! I'll let you know once I decide to get married," mahinahong sabi ni Philip sa abuela. Ang sabi ng ina ay tumawag daw ito upang kumustahin siya pero sa halip na pangungumusta ay sermon ang ibinungad nito.

"Nosy? And you are accusing me of that?" tila hindi makapaniwala nitong sabi. "Philip James, I've been waiting for years for you to fulfill your promise at ito lang ang igaganti mo sa akin?"

Bahagya siyang napailing. Hindi siya tinatawag ng abuela sa buong pangalan kung hindi ito nagagalit.

"Grena, please! You've been waiting for years because you've been waiting me to get married since I was seventeen! Don't you think it's unfair to start counting from then?"

"No, hijo! Your grandfather got married at the age of sixteen! Ilang taon ka na ngayon?"

"Thirty-one is not too old for a bachelor, Grena! In fact, ngayon pa lang ako nagsisimulang—"

"Puwes tapusin mo na! Hindi na ako makatatagal pa nang kahit isang taon sa paghihintay sa mapapangasawa mo, Philip James. Mag-asawa ka na ngayon din!"

Napatawa siya sa puntong iyon.

"Is it really too much for you, grandson? Hindi mo ba ako mapagbibigyan?" tila nagsusumamong tanong nito.

"Grena, it's not just a simple request. You're not asking for candy here; you are asking for my freedom. And freedom is something that is cannot be bought over the counter."

"Hindi ako gamot, Phil! Huwag mo akong gamitan ng ganyang mga salita! Kung hindi ka susunod, makikita mo at..."

"Grena, huwag niyo na akong takutin. Don't tell me na aalisan ninyo ako ng mana kung hindi ako mag-aasawa? I assure you I won't buy that!"

Narinig niya ang makahulugang pagtawa ng abuela sa kabilang linya.

"Why would I do that? I know you make enough money for yourself. Patunay lang na sa halip na dito ka sa America ay diyan sa bulok na pagamutan ka naglilingkod..."

"Then...?"

"Then I'd do something that would definitely sway you to change your decision."

"Grena, this is crazy!"

"And I am crazy too! Just wait for it, hijo. I'm giving you two days to get married. Dalawang araw lang at kung hindi ay magugulat ka sa gagawin ko."

"You don't expect me to snatch just anyone to marry, do you?"

"Actually, I don't care at all. Bahala ka kung saan mo kukuhanin ang bride mo, Philip James! Two days and you would regret..."

Iyon lang at mabilis nang nawala sa linya ang kanyang spoiled brat na abuela.

ALIW na aliw si Mang Serafin habang nakikinig sa kuwento ni Abigael. Ang apo nitong kanina ay nakangiwi ay natatawa na rin ngayon.

"Mabuti na lang at hindi ka naligaw, Ineng!"

"Iyon nga po. Mabuti na lang at na-contact ko ang hipag ko, kung hindi ay maliligaw na akong talaga. Camia at hindi pala Kamias tulad ng ipinipilit ko sa konduktor ang pupuntahan ko eh," natatawa niyang sabi. "Naku, nalilibang po tayo kakukuwentuhan, baka kailangan na po ni Billy na mapatingnan ang braso niya." Tumigil siya sa pagtawa at nilinga ang batang nakahiga sa kamang katabi ng kinahihigaan ng Kuya Paeng niya.

"Eh wala pa ang doctor, Ineng. Ang sabi ng isang nurse na tumingin ay mamaya pa raw alas-onse eh."

Alas-onse? Isang oras mahigit pang maghihintay bago mapatingnan ang nangingitim nang braso ni Billy? Nang silipin niya iyon kanina ay nakita niyang tila nakalihis ang buto sa braso ng bata. Kailangan na talagang masuri iyon ng doctor.

Love PotionWhere stories live. Discover now