Chapter 5

12 1 4
                                    


"NAKU, ubod talaga ng sama ng ugali, Mang Seraf! Akalain mong tangkain akong bayaran ng isang libong piso!" galit na sabi ni Abigael habang hindi mapigil ang mga kamay sa pagkumpas.

"Sana ay kinuha mo para pandagdag sa pangangailangan ng kapatid mo, Gael!"

"Naku huwag na po. Kung sa kanya lang din manggagaling ay huwag na lang! Napakasamang tao talaga! Kung ano ang ikinaganda ng panglabas ay siya namang ikinapangit ng kalooban!"

"Baka naman hindi lang kayo nagkaintindihang dalawa?"

"Mukha nga ho dahil mukhang mahina ang pang-intindi ng isang iyon!"

"Hindi naman siguro."

"Anong hindi? Mahina po talaga..." Bigla siyang napalingon sa likuran nang mapagtantong hindi na ang matanda ang kausap niya. Ibig niyang matunaw sa kahihiyan nang makita si Phil, madilim ang mukha habang nakatanaw sa kanya. "Bakit narito ka?" asik niya upang pagtakpan ang pagkapahiya.

"I work here," tipid nitong sagot.

Nang pagmasdan niya ang kabuuan nito ay saka niya napagtantong isa pala itong doctor. Kahapon pa niya ito kasama pero kahit isang beses ay hindi pumasok sa isip niyang iyon ang propesyon nito. Doctor pala si Phil kaya pala napakalinis nitong tingnan. At napakabango pa...

"D-Doctor ka?" tanong niya bagaman obvious naman ang sagot roon.

"Malamang," matipid nitong sagot. Natulala siya nang bahagya siya nitong hawiin at saka hinarap ang kapatid niya. Noon lang niya napansin ang dalawang nurse na kasunod nito. Bahagyang nagbubulungan ang dalawa habang nakatingin sa kanya.

"Ayon sa resulta ng lab test, malala na ang TB ng kapatid mo. Marahil ay nakuha niya iyan sa loob ng kulungan," mayamaya ay sabi ni Phil.

"Obvious siguro. Doon siya nakatira, hindi ba!"

"Can you please stop talking to me like that?" angil nito. Napalinga ito sa mga tao sa paligid kaya saglit na kumalma pero nang muling magsalita ay madiin na ang tinig nito. "Forget about what happened. Hindi ko iyon sinasadya, okay," mahinang anas nito.

"Doc Cerdan, Doctor Serrano is looking for you."

Napalingon silang lahat sa isang nurse na nagsalita mula sa likuran. Napasinghap siya kaya natuon sa kanya ang pansin ng lahat.

"Doc Cerdan? Ikaw si Doctor Cerdan?" nanlalaki ang mga mata niyang tanong.

"Ako nga. Any problem?"

"Siya po kasi ang tinutukoy namin, Doc," sagot ng isa sa dalawang nurse na kasama nito.

Lalong nanlaki ang mga mata niya upang patigilin sa pamamagitan ng tingin ang dalawang nurse pero sa tingin niya ay hindi na paaawat ang mga ito. Nakapikit na siya bago pa man marinig ang sumbong ng dalawang babae.

"So you said that? Sa'yo pala nanggaling ang bagay na iyon," seryosong sabi nito nang marinig ang sinabi ng dalawa.

"Sinabi ko ba iyon?" kaila niya.

"Opo. Sinabi niyo na magaspang ang mukha ni Doc."

Antipatikang nurse ito ah... "Wala akong natatandaang may sinabi akong ganoon."

"Sinabi niyo rin na busarga ang mata at ilong ni Doc," dugtong naman ng isa.

Echoserang nurse... O, sinabi ko nga, ano ngayon? Idedemanda mo ako? Malay ko bang ikaw ang—"

"Sumunod ka sa akin," wika ng lalaki sabay talikod.

"Sandali Doc, paano itong apo ko? Sino po ang titingin?"

Love PotionWhere stories live. Discover now