Chapter 14 ~Flashback~

20 0 0
                                        


Nakalahati na namin ang bote pero wala pa ring tama sa'min.

"Kuya" Tawag ni Jisoo kay Kuya Kai.

"Hm. Rabbit" Sagot naman ni Kuya habang nagsasalin ng alak sa baso niya.

"We know you hate secrets, right?" Jisoo said then she look at Rosè. I think this is the time.

"Yes, Super hate, Why?" Tumingin na si Kuya sa kanya.

"Kuya kasi... may sasabihin si Rosè" Sambit niya kay Kuya at tinawag si Rosè. Lumapit naman si Rosè rito. Sinenyasan ni Seulgi si Jennie na lumapit na rin pala hindi siya nag iisa sa table nila.

"Yes?" Rosè smiled. Tumayo naman si Jisoo at sinabi niya na sabihin kay Kuya ang dapat niyang sabihin. Nakita ko naman na nawala ang ngiti ni Rosè at napalitan ng takot.

"Kuya.." Sambit ni Rosè at lumunok.

"Hmm Chipmunk?" Tumingin naman si Kuya sa kanya.

Rosè told everything about what happened between her and Sehun.

"What the fuck!?" Napatayo si Kuya sa kinauupuan niya. Nakita ko naman si Seulgi na halatang galit na galit dahil namumula ang tenga.

"Nasaan na yung hayop na yun?" Tanong ni Seulgi habang nakaupo pa rin. Pero nagpapatunog ng mga daliri. Sasagot na sana ako nang magsalita si Jisoo.

"Actually Kuya muntik na rin si Jennie, napagkamalan ni Lisa na ako yung pumasok sa office niya kaya sabi niya iabot sa P.A niya yung papers, then ayun sabi ni Jennie hindi siya komportable sa mga tingin ni Sehun noon" Tumingin naman sa akin si Kuya, hindi naman nagtagal yun at tumingin siya ulit kay Rosè.

"Bakit pa ba nasa kompanya yun Lisa?!" Tanong niya sa'kin.

"Kuya..." Tumingin ako sa kanya bago mag buntong hininga. "Kuya calm down first, sasabihin ko lahat"

"Lisa nasaan na yung hayop na yun?!" Tanong ni Seulgi at halatang galit na galit na.

"Ikukwento ko na Seul" Sagot ko sa kanya.

Umupo si Kuya at huminga ng malalim. Umusog si Seulgi at Jisoo para makaupo si Rosè at Jennie.

"Kuya..."


~Flashback~

Nasa presinto na ako at nakita ko si Sehun na nasa loob ng selda.

"Dapat ka lang diyan!" Sigaw ko sa kanya. Nilapitan ko siya at kwinelyuhan.

"Li—lisa hin-hindi ko s-ina-sad—ya!" Humihikbing sabi niya sa akin.

"Anong hindi sinasadya. Tanga ka ba? Gumalay nang kusa yang kamay mo at pinagtangkaan mo ang kaibigan ko na gahasain siya. Huwag ka na mag maang maangan! Rapist!" Hinila ko siya sa'kin dahilan para maipit ang katawan at mukha niya sa rehas. Inaawat na ako ng mga pulis pero hindi ko pa rin siya binitawan.

"Tinanggap kita sa kompanya ko kasi kahit papano may awa ako sayo. Pero putangina ganyan pala ang ugali mong hayop ka! Rapist ka!" Napunit ang kwelyo niya nang pwesahan akong hinila palayo sa kanya. Susugurin ko pa sana siya nang napigilan ako agad ng dalawang Pulis.

"Hayop ka Binaboy mo kaibigan ko!" Sigaw ko ulit sa kanya.

"Ma'am kumalma po kayo" Sabi sakin ng isang pulis. Hindi ko pinansin yon at sumigaw ulit ako kay Sehun.

"Manyak!" Tinulak ko ang isang pulis at aalis na sana, nang Makita ko na may pamilyar na mukha ang sasalubong sa'kin.

"Mom?" Bulong ko sa sarili ko.

"Honey what Happened?" Tanong niya sa'kin at niyakap ako. Sinabi ko lahat kay Mom ang ginawa ng hayop kong stepbrother sa kanya. Nakita ko naman na nagulat siya.

"W-what?!"


Habang nag-uusap kami ni Mom sa ginawa ni Sehun, ay bigla naman dumating ang nanay niya.

"Ma!" Sigaw ni Sehun. Pumunta naman agad ang nanay niya sa kanya na umiiyak.

"Ma, Hin-hindi ko sinasadya yun" Umiiyak na sabi ni Sehun. Sisigaw na ulit sana ako nang sabihin ni Mom na need ako kausapin ni General.

Habang kinakausap ako ni General ay dumating naman sina Rosè at Jisoo.

"Rosè!" Tawag ko sa kanila. Tumingin naman sila sa'kin at lumapit.

"Tita.." Sambit ni Rosè na nanginginig ang boses.

"Rosè anak" Tumayo si Mom sa kinauupuan niya tsaka niyakap si Rosè. Umiyak na lang si Rosè sa balikat ni Mom habang si Jisoo ay nagtakip ng mukha niya dahil hindi niya napigilan ang luha niya. Umiwas nalang ako ng tingin dahil alam kong bubuhos din ang luha ko dahil sa nangyare sa kaibigan ko.

"Are you okay na ba?" Rinig kong tanong ni Mom sa kanya.

"Y-yes Tita" Pinunasan ni Rosè ang mga luha niya at lumapit sa amin ni General. Uupo na sana siya ng may yumakap sa tuhod niya.

"Ma'am patawarin mo na ang anak ko, Wala na bubuhay sa'kin, pag nakulong siya wala na akong gamot na sa kanya manggagaling. Ma'am Please po" Umiiyak na nagmamakaawa ang nanay ni Sehun.

"Nasaan ang magaling mong asawa?" Tanong ko. Tumingin sa'kin si Mom nang masama dahil ayaw niyang may binabastos ako lalo na kung mas matanda sa'kin. Umupo na lang ako at nagtimpi.

"H-hindi sapat ang s—sweldo niya sa c-constru-ction" Pahikbi-hikbing sagot sa'kin ng nanay ni Sehun.

"CEO dati construction na ngayon" I mumbled. Narinig pala ni Mom kaya sinipa niya ang paa ko.

"Sorry Mom" Sagot ko na lang sa kanya.

Pinatayo ni Rosè ang nanay ni Sehun. Malambot pa naman ang puso nito sa mga bata tsaka matanda.

"Hindi ko na po itutuloy ang kaso. Okay din po sa akin if pwede pa siya magtrabaho sa kompanya para may ipangbili kayo ng gamut niyo. Pero pag naulit pa po yon, Hindi na po ako magdadalawang isip na ipakulong yang anak niyo" Shit I knew it. She always give a 2nd Chance. Tumingin naman sa'kin si Mom dahil mukhang naaawa siya sa Nanay ni Sehun.

"But Mom?! She's Dad mistress!" Sambit ko sa kanya.

"Lalisa, ganyan ba kita pinalaki?" Kalmado niyang sabi sa'kin.

"N—no Mom, But.." Pinutol ni Mom ang sasabihin ko.

"Honey no Buts. Tatanggapin mo ba ulit si Sehun?" Tanong niya. Tumingin ako kay Rosè at kay Jisoo.

"Okay honey, If he do it again to your company, Ako na ang mag-aayos para maipakulong siya." Huminga ng malalim si Mom bago niya Sabihin yun. "If ako ba nawalan din ng gamot, gagawin mo rin lahat diba" Habol niya.

"Yes Mom" Tumango ako at tumango. Okay Mom gagawin ko to for you.

"Hindi na po itutuloy General." Sabi ko kay General. Nakita ko naman si Mom na ngumiti.

"Anak matuto kang magbigay ng pangalawang pagkakataon, pero pag sa pangalawang pagkakataon na yon at naulit pa rin, Doon ka na magdesisyon" Sabi sa'kin ni Mom habang nakayakap.

"Yes Mom" Sagot ko at niyakap siya pabalik.

"O siya halika na. Rosè, Jisoo diretso kayo sa bahay at ikwento niyo sa'kin ang nangyare. Kaya mo ba ikwento Rosè, anak?" Bumaling naman ang tingin ni Mom sa kanya.

"Ye-s Ti-ta" Utal nyang sabi. Ngumiti naman si Mom. Bago pa buksan ni General ang kandado sa selda ay nakapasok na kami sa sasakyan at umalis ns.

~End of Flasback~

Personal AssistantWhere stories live. Discover now