Chapter 11

12.4K 379 10
                                    

Clarisse POV

"NASA baba po si Mr. Ross." 

Bigla akong natigilan nang marinig ko ang sinabi ni Ethan. 

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko  at parang manlalamig ang mga kamay ko. Hindi ako mapakali hanggang sa mapatingin ako sa mga daliri ko.

Mali sana ang iniisip ko! Hindi pwede! Marami namang Ross sa mundo diba?

"Ms. Villanueva, you will come with me," malamig na saad ni Charles kaya napatingin ako sa kaniya. 

"B-Bakit ako?" mautal-utal ko sabi. Hindi pwede! Baka mamaya tama ang hinala ko. 

Tinaliman niya ako ng mga tingin. "You're now my secretary, so do your duty and responsibility rightly," aniya kaya naman agaad na napaawang ang labi ko.

Secretary?!

Paulit-ulit akong umirap ng hindi na nakatingin sa akin si Charles. Masama ang tingin ko sa kaniya kaya hindi ko na namalayan na nakatingin pala sa akin si Arya. Nairapan ko rin tuloy siya ng wala sa oras saka nag-iwas ng tingin.

Mayamaya lang ay lumapit na sa akin si Charles saka inabot ang mga folders. Napatitig ako roon ngunit sinenyasan niya ako na abutin ko kaya kinuha ko na sa kaniya 'yon kasabay ng paghinga nang malalim. Matapos ay tinalikuran niya na kami ni Arya.

Napatingin pa ako kay Arya na nakatingin lang sa likuran ni Charles bago ako mabilis na lumabas ng opisina. Baka mamaya awayin pa ako.

Sinubukan kong dumistansya kay Charles. Ano kayang pwede kong idahilan? Baka mamaya magkapareho ang Ross na iniisip ko at ang Ross na naghihintay kay Charles.

Muli akong tumingin sa daliri ko saka napapikit ng dahil sa kaba. Malalagot ako kay Lolo pag nalaman niyang wala na sa akin ang singsing.

Hindi ko pa nakukuha ang singsing kay Charles! Bat kasi nakalimutan ko ang pagdating niya?!

Natigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong nakatitig si Charles sa akin kaya mahina akong tumikhim at mabilis na lumapit sa kaniya.

Bigla akong nakaramdam ng malakas na boltahe ng kuryente sa aking katawan nang bigla niyang hawakan ang aking isang kamay. Hindi ko na nagawang makapag-react agad dahil bumalik na siya sa paglalakad.

"S-Sir Charles," mahinang tawag ko. Nasa loob na kami ng elevator. 

"Hmm?"

Huminga ulit ako nang malalim. Sana gumana ang dahilan ko! 

"Pwede ba na bukas n-nalang ako magtrabaho?" Napaiwas ako ng tingin nang magbaba siya ng tingin sa akin. "Masama kasi ang pakiramdam ko ngayon," pagsisinungaling ko.

"Tell me," aniya. 

Nangunot ang noo ko.

Diretso lang ang tingin niya sa unahan kaya nagawa ko pang mag-angat ulit ng tingin sa kaniya. Nang mapansin niyang hindi ako umiimik ay muli niyang inulit ang sinabi.

"Tell me what's bothering you."

Napalunok ako. "M-Masama lang talaga ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ko. 

Sarkastiko siyang natawa kaya muli akong napatingin sa kaniya. "Gano'n mo na ba ako kinaayawan kaya ayaw mo na 'kong makasama?" mapakla niyang tanong. 

Natigilan ako. 'Yon ba ang gumugulo sa isip niya?

Huminga ako ng malalim. "Hi⁠—" 

Naputol na ang sasabihin ko ng tumunog na ang elevator at nauna na siyang lumabas kaysa sa akin.

Matunog akong nagbuntong hininga saka lumabas ng elevator ngunit bigla akong natigil sa paglalakad nang makita kong nagsisiyukuan kay Charles ang mga tauhan ni Lolo. 

Crush with BenefitsWhere stories live. Discover now