Chapter 30

11.3K 412 170
                                    

"MAGHAHABOL KA RIN SA 'KIN! FUCK YOU CHARLES!" malakas kong sigaw sa tuktok ng bundok. 

Kararating lang namin ni Arya at hingal na hingal pa pero worth it 'yong pag-akyat! Sobrang sarap sumigaw. Sobrang sarap mag-drama at magdabog! Sobrang lakas din ng hangin at madilim na ang paligid.

Dinala ako ni Arya rito sa Batangas. Nasa Mt. Maculot kami ng Cuenca. Biglaan lang talaga 'yong pag ha-hiking namin. Na-surprise pa 'ko! Dahil wala akong kaalam-alam na bundok pala ang pupuntahan namin. Napabili tuloy ako ng mga damit at sapatos kanina nang dumaan kami ng SM Lipa.

Bumili na rin kami ng mga pagkain at tent dahil mas maganda raw sumigaw ng gabi.

Oo nga! Ang daming ilaw—kitang kitang ang mga magaganda at nag-iilawang Cities. May kasama rin kaming dalawang tour guide. Mukhang kakilala ni Arya at hindi ko rin in-expect na ang rami niyang pinatawag na body guards para magbantay sa amin.

"So. . . How is it?" tanong ni Arya. Napaupo ako sa kulay puting hagdan habang nakaharap sa nag-iilawang cities at na-upo rin si Arya sa tabi ko.

"Nakakapagod. Ilang station nga ang inakyat natin?"

"Fourteen. Pang-fifteen 'to," sagot niya. 

Napaawang ang bibig ko. Halos puro hagdanan ang dinaanan namin pa-akyat kaso may ilang station na walang hagdan at puro bato lang. Mas challenging pero masaya. 

"Wow," humahanga kong sabi.  "Ngayon lang ulit ako nakaakyat ng bundok. Nakaakyat ka na ba rito dati?" tanong ko kay Arya. Tumingin ako sa kaniya pero nakatingin na siya sa unahan. Pinagmamasdan ang mga ilaw.

"Yes. Noong bata pa ako at ngayon lang ulit ako nakabalik," malungkot niyang sabi.

Nangunot ang noo ko. "Bakit?"

Huminga siya ng malalim. "Kasama ang kuya ko sa eroplanong bumagsak dito noon."

Natigilan ako sa sinabi niya. May kuya pala siya. "Anong nangyari sa kuya mo?"

"He's dead."

Mariin kong nakagat ang aking ibaba labi at napatango. "S-Sorry," sambit ko pero hindi na siya umimik pa.

Binalot kami ng katahimikan. Sobrang sarap dito. Napaka-refreshing. 

Mayamaya lang ay bigla kaming napatayo ni Arya ng may nagsilabasang fireworks mula sa mga Cities.

Napanganga ako sa sobrang ganda noon. 

"Alam mo ba na puno ng misteryo ng bundok na 'to?" biglang sabi ni Arya.

Bigla tuloy akong napatingin sa kaniya at naitikom ang mga bibig. Mukhang may balak siyang manakot. "Anong misteryo?" tanong ko.

"Marami raw tunnel sa bundok na 'to. Dito raw nagtago ang mga hapon no'ng nagkaroon ng digmaan," walang emosyon niyang kwento at muling pinanood ang fireworks.

"So may history pala ang bundok na 'to?" tanong ko at agad siyang tumango.

"May isa ring nakatagong kanyon dito na hindi mapakalman ng mga tao. Dahil isang maling galaw daw ay pwedeng sumabog 'yon."

Namilog ang bibig ko. Mukhang kilala niya na ang lugar na 'to. 

"Alam mo ba no'ng bata pa 'ko—lagi raw may nagpapakita na nakapulang babae rito?" pagkukwento niya. 

Napatingin tuloy ako sa buong paligid. Sobrang tahimik. "Wala ka namang balak na manakot diba?" bigla kong tanong kay Arya.

Natawa siya sa 'kin. "Of course not!" halakhak niya. "Kinukwento ko lang sayo."

"Red lady ba yung sinasabi mo?" tanong ko.

"No! Makinig ka muna kasi," pagtataray niya. 

"Eh baka kasi manakot ka!" natatawa kong sabi.

Crush with BenefitsWhere stories live. Discover now