CHAPTER 4

4.4K 59 0
                                    

KINABUKASAN AY nagising ako na wala na sa tabi ko si Dexton,tinotoo nya ang sinabi nya na aalis din sya.

Pero napakunot ang noo ko ng makita ang isang sticky note na nakadikit sa night stand ng kama.Kinuha ko iyon at binasa.

Good morning baby,for sure ‘pag nabasa mo ito ay wala na ako sa tabi mo and I just want to say I miss you.Anyway,if you leave your cabin,baby please.Maawa ka sa akin,don’t wear any revealing clothes like yesterday,it irritates me everytime boys are looking at your body with lust and such.Anyway,that’s all,good morning again baby.

-Your boss,Dexton

Napangiti ako ng mabasa ko ang sulat nya,para syang boyfriend kung umasta,oh well walang bago.

Maging noon pa man ay ganyan na talaga sya, masyadong over protective pagdating sa mga susuotin ko,masyadong konserbatibo.

Naligo muna ako bago lumabas at ewan ko ba kung bakit sinunod ko ang utos ng abnormal kong boss.

I wear a cotton black short and a white polo,siguro naman ay hindi na nito mapupuna Ang suot ko dahil hita ko nalang ang nakalitaw.

Nang makalabas ako sa cabin ay agad akong dumeretso sa cottage namin,and there,I saw my friends and the boys who are busy cooking and preparing our breakfast.

It was just 7:00 in the morning so they are not that rush to cook are breakfast.

“Good morning!”naka-ngiting bati ko sa lahat ng makalapit ako sabay-sabay na napatingin sa akin Ang lahat.

“Good morning,too!”bati sa akin ng mga kaibigan ko.

“May maitutulong ba ako?”tanong ko ng makapasok sa cottage.

“Just chop that garlic”sambit ni Cooper,Cooper is one of our cook kapag kasama namin ito.Masarap at magaling kasi itong magluto,yung ibang boys kaya namang magluto sadyang bilang lang talaga ang kaya nilang lutuin at isa pa ay hindi din sila ganun kagaling magluto.

And then,kapag wala naman si Cooper ay iniistorbo ng mga lalaki yung Isa pa nilang kaibigan na magaling magluto,oh well,his a chef and an owner of very well-known restaurant so no doubt about his skills in cooking.

Kaagad kong tinalima ang utos ni Cooper.

“Anong lulutuin nyo?”tanong ko.

“A butter garlic bread,avocado poached egg toast and some basic breakfast food like bacon, scramble eggs, waffles and fried rice”sagot ni Cooper,at bago ko makalimutan.Kahit magaling ito sa kusina ay limitado lang din ang alam nitong lutuin.

“Wow”manghang sambit ko.

Nang matapos ko ang ginagawa ay ako na ang nagprisinta na magtimpla ng kape para sa mga lalaki at gatas para sa aming mga babae.

“Oh sh*t”rinig Kong sambit ni Cierra.

“Why?”tanong ko.

“There’s hot water for coffee and milk,but the two of ‘em are none”sagot nito.

“We have a stock of coffee and milk here,kaya nga lang kukunin nyo”sabat ni Liyah.

“Saan ba?ako nalang ang kukuha”prisinta ko.

“In the pantry,sa loob ng bar.Just ask the bouncer there,alam na nun ang gagawin”sabat ni Kade kaya tumango ako.

“I’ll go with you”rinig kong sambit ni Dexton.

And that’s what we do,sabay kaming pumunta ni Dexton sa sinasabing pantry ni Kade.

“Why are you wearing that?”napabaling ang tingin ko kay Dexton ng magsalita ito.

“Wearing what?”kunot-noong tanong ko.

“That short and polo”turo nito sa suot ko.

“Dexton,there’s nothing to be ashamed of.Maganda naman ang hubog ng katawan ko,isa pa hindi naman masyadong revealing ang suot ko”kinunotan ko ito ng noo habang sinasabi iyon.

“Tsk”buntong-hininga nito at sa pagkabigla ko ay bigla ako nitong kinabig sa bewang.”Baby,like what I’ve said in the f*ck*ng sticky note,I don’t like the idea of men’s that ogling there lustful stare on your body”mahinang sambit nito.

“At ikaw pwede?”tinaasan ko ito ng kilay,nakita ko ang kaguluhan sa mukha nito.”Dexton,you are parading your body infront of so many woman,so meaning meron ding mga babae ang tumitingin sa katawan mo”sambit ko.

“Tsk,’k fine,you won”iling nito, napailing nalang ako.Parang bata.

“Halika na”anyaya ko dito sa naglakad na kami papunta sa bar.Hindi ko nalang pinansin ang kakaibang nararamdaman ng katawan ko sa panaka-nakang pagpisil ni Dexton sa bewang ko na hawak nya.

Nang makarating kami sa bar ay si Dexton na ang kumausap sa bouncer doon.

Maya-maya lang ay naglalakad na kami papunta sa mga kasamahan namin habang hawak nito sa isang kamay ang paper bag na may lamang gatas at kape,maging asukal dahil baka wala din kami doon sa cottage.

“Baby?”tawag ng katabi ko sa akin kaya lumingon ako sa kanya pero ganun nalang ang pagsinghap ko ng maramdamang dumampi ang labi nito sa labi ko.

He was kissing me torridly,and I just felt myself responding to his hot kisses.I unconsciously hug my arms on his neck when our kisses started to go deep.

Pareho kaming naghahalikan ng malalim at mapusok,walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin na nakakakita.

He inserted his tongue on my mouth and tasting the every inch of my mouth.I silently moan when I feel that he gently bite my lower lip and kiss me again,and like earlier I responded to his kisses.

“Excuse me,love birds”bigla naghiwalay ang mga labi namin ni Dexton ng marinig ang boses na iyon.

Paglingon ko ay ganun nalang ang pamumula ng mukha ko ng makita si Asher na nakangising nakatingin sa amin,kasama nito si River.

“Hindi ko naman alam na may tukaan na palang nagaganap dito”natatawang sambit ni River.

Mabilis Kong inalis ang mga braso ko sa leeg ni Dexton at napayuko dahil sa kahihiyan,ramdam na ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil doon.

‘Nakakahiya ka,Madie!’sigaw ko sa utak ko.

“Tsk,what are you two doing here?hindi nyo ba alam na nakaka-istorbo kayo”rinig Kong inis na sambit ni Dexton sa dalawang kaibigan nito.At dahil sa sinabi nya mas lalong nadagdagan ang pamumula ng mukha ko, paniguradong mas mapula pa ang mukha ko sa kamatis.

‘’Walang’ya ka talaga,Dexton!’gigil kong sambit sa isip ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila ng hapitin ni Dexton ang bewang ko papalapit sa katawan nito.

“Aba,parang kasalanan pa namin na naistorbo namin kayo sa pagtutukaan nyo ah”parang batang sambit ni Asher.

“Lovebirds,ganito kasi yan.Inutusan lang naman namin kayong kumuha ng kape at gatas pero dinaig nyo pa ang mga pagong sa sobrang bagal kaya pinuntahan namin kayo,yun pala kayo matagal kayo eh dahil nagtutukaan kayo”sabat ni River at mahinang natawa.

“Tsk,amin na nga yan.Baka bukas pa kami makainom ng kape”inagaw ni Asher ang hawak na paper bag ni Dexton.

Si River naman ay naka-ngising bumaling sa akin.”Madie,a piece of f*ck*ng advice.Remind Madrigal to wear protection,okay?”ngisi nito at sabay sila ni Asher na umalis sa harap namin.

Ako naman ay mas lalong nadagdagan ang hiya.Ang lalaking iyon,walang’ya din.

MATAPOS NG tagpo na iyon ay bumalik na din kami ni Dexton sa cottage,biruin mo nga naman.Ang bibilis bumuka ng bunganga nila Asher at River dahil pagkatapak na pagkatapak ko palang sa cottage eh sumalubong na ang mga tanong nila Cierra.

Bilib talaga ako sa pagiging tsismosa ng mga kasama ko.

“Yiee,I can’t believe you two are kissing”hindi talaga maka-move on!

“Kayo na?”naka-ngiting tanong ni Camilla.

“For sure hindi pa”sambit ni Jade.

“Why?”kunot-noong tanong ni Mara kay Jade.

“Mara,girl.Si Michelle nga nakita kong nakikipag-halikan kay Brian pero hindi naman sila”sagot ni Jade dahilan para manlaki ang mga mata ni Michelle.Nasa dagat kasi kami at naliligo,ang mga lalaki naman ay nasa cottage pa at may inaasikaso.Pagkatapos kasi naming kumain lahat ng almusal ay nagdesisyon na kaming maligo.

At ang loko,hindi nga ako pinag-suot ng swimsuit dahil ibinigay nya sa akin Ang isang paper bag na may lamang maong shorts at putting polo,at hindi ko alam kung saan nya iyon kinuha.

“Well…”ngisi ni Michelle sa amin at dahil pare-pareho kaming mga tsismosa eh tinuon namin ang atensyon namin sa kanya.

“O to the M to the G,don’t tell me!”parang maghihisterekal na si Liyah sa reaskyon nya.

“Kayo na?!”si Cierra.

“For real?!”si Camilla.

“Hmm…yeah”ngiti sa amin ni Michelle at sabay-sabay kaming tumili lahat dahil doon.

“Hey,what happened?”bigla kaming napalingon sa nagsalita.And there,we saw the boys walking towards us.

“Yiee,ikaw kuya Brian ha”ngiti ni Cierra kay Brian.

“What?”kunot-noong tanong ni Brian kay Cierra.

“Hindi mo naman sinabi sa Amin na kayo na pala ni Michelle”sabat ko.

“Kayo na?!”halos sabay-sabay na tanong ng mga lalaki kay Brian.Mga gulat na gulat.

“Yeah”ngiwi ni Brian sa mga kaibigan nya, paniguradong ayaw nyang ipaalam iyon sa mga kaibigan nya dahil sa dakilang pagiging tsismoso ng mga ito.Kahit naman ako ay hindi magsasabi ng ganyang bagay sa mga ‘to dahil mga pinaglihi sa p’wet ng manok at putak ng putak,mga marites ika nga.

Sabay-sabay naming binati ang parehong magkasintahan,nakakatuwang isipin na boss lang noon ni Michelle si Brian pero ngayon ay boss na nya ito at boyfriend pa.

Masaya ako para sa kaibigan ko dahil nakatagpo din ito ng lalaking magmamahal sa kanya matapos ng lahat ng sakripisyo at hirap nya noon para sa pamilya nya.

Kanya-kanyang tanong ang ibang mga kasama ko kila Michelle kung paano naging sila ni Brian at ako naman ay wala sa sariling hinanap ng mata ko si Dexton.

And there,I saw him staring at me.His eyes was full of emotions that I can’t tell even just one emotion.

Napangiti ako ng magtama ang mga mata namin at gumanti din sya kaya nag-iwas na ako ng tingin.

Ako kaya,kailangan ko makikita ang lalaking magmamahal din sa akin ng totoo at hindi kasinungalingan tulad ng ex kong manloloko.Isama pa na kasama din nya sa panloloko sa akin ang isang importante sa buhay ko noon,pero ngayon malayo na ang loob ko sa kanya.

Mapait nalang akong napangiti ng maalala ang nakaraan at napailing.Kahit taon na ang lumipas matapos nun ay masakit pa din,pero alam ko sa sarili ko na naka-move on na ako,wala na ang pagmamahal pero yung sakit nasa puso ko pa din.

Siguro naman ay ayos lang iyon,dahil sabi nga ng iba kapag nasaktan ka ay totoong minahal mo ang taong iyon.

“Madie?”napalingon ako sa tabi ko ng may magsalita,ang mga kasama namin ay patuloy pa din sa pag-uusap.

“Yeah?”tugon ko kay Dexton.

“May gagawin ka ba bukas?”tanong nito.

Napakunot naman ang noo ko.”Wala naman,bakit?”tanong ko,it was Monday tomorrow.So for sure,nothing important meeting will came,pero syempre papasok pa din ako.Yun nga lang ay uuwi din ako agad pagkatapos ng trabaho.

“So are you free?”tanong nitong muli.

“Yeah,why?”

“Ahm…”mahina itong bumuntong-hininga at parang nahihiya na napakamot sa batok.”C-can I ask you for dinner?”tanong nito dahilan para matulala ako.

Sa taon ko ng nagtatrabaho sa kanya eh ni minsan ay hindi nya ako niyaya na mag-dinner kasama sya,oh well,busy nga pala sya noon mambabae.

“Why?”kuryoso kong tanong.

“Nothing,can I?”sagot nito.

Naguguluhan man eh tumango nalang ako “yeah sure”sagot ko at kitang-kita ko ang pagngiti nito.

Napailing nalang ako,minsan talaga napaka-weirdo ng lalaking iyon.

But then,bakit nga ba ako pumayag makipag-dinner sa boss ko?

‘Dahil gusto mo sya’sagot ng isang bahagi ng isip ko dahilan para matigilan ako.

‘I like my boss?’hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili.

‘’Of course,Madie,of course’sagot ko sa isip.

At kung sino man Ang makakarinig ng pagkikipag-usap ko sa isip ko paniguradong iisipin nang taong iyon ay nababaliw na ako.

Oh well,there’s no room for lying.Aaminin kong gusto ko ang boss ko,pero syempre hindi ko sasabihin iyon sa kanya,ano sya sinuswerte?

But I really like Dexton,not as a friend or anything but as a man.Kahit napaka-babaero nya eh nakikita ko naman ang pagiging mabait nya sa akin.Isa pa gwapo naman sya at masipag kaya walang babaeng hindi mahuhulog ang puso at loob sa kanya.

But here I am,asking myself that aside from being Dexton’s richness,a hot bachelor and more,ano pa ba ang nagustuhan ko sa kanya?dahil Isa Ang pagiging babaero nya kung bakit dapat ay iwasan ko sya.

Pero bakit parang wala lang sa akin ang pagiging babaero nya,dapat ay nilalayuan ko sya dahil may posibilidad na masama ako sa mga babae nya.

‘’Madie,calm down.Wala pa namang ginagawa sayo yung tao,malay mo naman ay friendly dinner lang pala anh gusto’sambit ko sa isip at napailing,maybe.Just maybe,baka nga pakikipag-kaibigan lang ang gusto nya.

I ENJOY MY last day here in resort kasama ang mga kaibigan ko,at dahil last day na namin nag-skorkeling na kami at nag-diving para naman mas ma-enjoy namin ang last day dito sa resort.

Although,lagi namin iyong ginagawa sa t’wing nandito kami at kapag last day na namin.

And now,we are all packing para makauwi na sa Manila.Para magtrabaho.

“Hay,balik na naman tayo sa normal”rinig kong reklamo ni Michelle.

“Mich,that’s our life.Deal with it”natatawang sambit ko.

“Tsk”singhal nito.Nasa cottage kami at hinihintay ang iba para sabay-sabay nang magtungo sa parking lot ng resort.

Kinuha ko ang cellphone ko ng marinig na nag-ring iyon,agad akong tumayo at lumabas ng cottage para sagutin ang tawag ng makita kung sino iyon.

Mae calling…

Mae,was one of the employees in MTC.Para din syang sekretarya ni Dexton kapag absent ako or wala.And now,mukhang may emergency sa kompanya dahil hindi naman sya tatawag ng walang dahilan.

“Miss Madeline?”agad nyang bungad,I want her to call me Madie or anything she wants but she insisted to call me Miss Madeline ‘cause that was sign of respect and instead of arguing with her by that I just let her call me Miss Madeline or Miss Madie.

“Yes, speaking”tugon ko.

“Miss,may Isa po kasing investor dito si Sir na pumunta and he said that he wants to talk to Sir Dexton now or else he will pull out his investment in all branch of MTC”sambit nito at base sa boses nito para itong kinakabahan.

Napabuntong-hininga ako “name?”tanong ko.

“Ms.Nadia Serrano po”sagot nito.

At mas lalo akong napabuntong-hininga dahil sa sagot nya,she is one of the most known investor in MTC for a quite years now.Pero hindi ko alam sa babaeng yan kung bakit lagi nyang gusto maka-usap si Dexton.

‘Oh,for sure she will seduce Dexton again’iling ko sa isip.Matagal ko nang nakikita ang babaeng iyon sa kompanya na pakalat-kalat at paniguradong gusto nya si Dexton.

“Sige,I’ll just talk to our boss.Papunta na kami dyan”sambit ko at nag-paalam na.

Napahilot ako sa sentido ko bago bumalik sa cottage at naupo.

“Anyare?”tanong ni Michelle.

“Ugh,that girl happen”sagot ko at hindi ko na kailangan sabihin ang pangalan nya dahil kilala na naman nya iyon.

“Tawagan mo kaya si River”sambit nito.

“At bakit naman?”

“Ipa-assasinate mo sa kanya yung babaeng hitad na yun,tutal dati naming secret agent si River”sagot nito dahilan para parehas kaming matawa.

True to her words,River was an ex-secret agent at kaming magkakaibigan lang ang nakaaalam nun.

Maya-maya lang ay nakita na namin ang mga kasama namin.

“Boss?”tawag ko kay Dexton habang naglalakad kami papunta parking lot.

“Oh?”baling nya.

“Eh kasi may investor na nagpunta sa kompanya ngayon,gusto kang makita”

“And why is that?it’s Sunday, meaning no office works”sagot nito.

“Malay ko ba doon sa babaeng iyon,boss”iling ko.

Kumunot naman ang noo nya “babae?”

“Yeah,a lady.Nadia Serrano”

“Tsk,ano bang gusto nya?”

“Gusto ka nyang maka-usap ngayon dahil kung hindi daw ay ipu-pull out nya lahat ng investment nya sa lahat ng branch ng MTC”sagot ko.

Napabuntong-hininga naman sya bago tumango.”Let’s go,sumama ka sa akin para maasikaso mo yung babaeng yun sakali mang hindi ko magustuhan Ang sasabihin nya”sambit nito.

And for sure,hindi ko makakasabay sila Michelle dahil personal na sasakyan na ni Dexton ang gagamitin namin.

                               

A/N:MASYADO BANG SABAW BESHIES?😂

ANYWAY,AYAN LANG KASI ANG KINAYA NG BRAIN CELLS KO KAYA GANYAN LANG.’DI BALE,SA SUSUNOD NA HINDI AKO TATAMARIN AY BABAWI AKO😂

AND AS OF NOW,I’M CRAVING FOR COFFEE PARA SA MALAMIG NA GABI KAYA MAHINA SI BRAIN CELLS KO😂

Billionaire 3:Dexton MadrigalWhere stories live. Discover now