CHAPTER 8

3.7K 52 1
                                    

“CHEERS!”sabay-sabay naming itinaas ang mga bote ng alak na hawak namin.Nagkayayaan kasi na mag-inuman kaming lahat at dahil walang pwedeng tumanggi ay pumayag lahat.

Mabuti nalang at pinayagan ako ni Madie na uminom,hindi naman talaga s’ya mahigpit sa akin pagsinabi ko na makikipag-inuman ako sa mga kaibigan ko,lagi n’ya lang pinapaalala na ‘wag ako masyadong magpakalasing dahil baka maaksidente ako o ‘di kaya ay sa sala ako matutulog.

Ayaw kasi ni Madeline na masyado akong nalalasing dahil panay Ang reklamo n’ya na minamanyak ko daw s’ya kapag lasing ako,kaya ayun hindi ako masyadong magpapakalasing ngayon dahil baka mamaya kapag nakita ko s’ya hindi pa ako maka-iskor.

“Aba,Madrigal number 1,baka gusto mong itigil yang kamanyakan mo”rinig kong tudyo sa akin ni Asher.

“What?”baling ko sa kanya.

“Oh come on Madrigal number 1,halata naman sa ngisi mo ang balak mo.Itigil mo yan,malayo na nga yung tao minamanyak mo pa”iling ni Brian.

“Wow,coming from you Salvador”sarkastiko kong sambit sa kanya,akala mo naman eh hindi din s’ya ganun mag-isip.

Napailing nalang s’ya bago ako ngisihan,g*go talaga!

Nagpatuloy kami sa pag-iinuman hanggang sa may isang babaeng dumating.

“Hoy!”malakas n’yang sambit sa amin kaya napangiwi kaming lahat.

“Leigh”ngiti namin sa kanya.

“’Wag n’yo akong mangiti-ngitian dahil hanggang sa loob ng bahay eh rinig na rinig ko yang mga bunganga nyo kaya pwede ba?utang na loob kung mag-iinom kayo.Inom lang,walang talak”putak nya,napailing nalang ako sa sinabi n’ya,napaka-talakera talaga ng babaeng ito akala mo naman eh sa palengke nakatira.

“Babyloves,kumalma ka nga.Ang init na naman ng ulo mo,sige ka n’yan maaga kang tatanda”malambing na sambit sa kanya ni River.

“Ah talaga?”taas-kilay na sambit ni Leigh dito.

“Hmm…”tango ni g*go.

“Alam mo para hindi ako maagang tumanda?”

“Ano?”

“Tigilan mo ako at manahimik kayo!”malakas n’yang sagot at napangiwi na ulit kami.

“Leigh,hindi kami bingi.Kaya pwede ba hinaan mo yang boses mo?”kalmadong singit ni Maximo.Napailing naman si Leigh.

“Teka nga,ngayon ko lang ulit kayo nakita dito sa tindahan.Anong ginagawa n’yo dito?”mataray na pansin n’ya.

“Nag-iinom?”patanong na sabat ko.

“G*go,natural kaya nga may alak sa lamesa n’yo,alangan namang ipapaligo n’yo yan”pangbabara n’ya.”Ang ibig kong sabihin bakit kayo nandito?”

“Hmm,eh sa namiss naming mag-inom dito sa tindahan n’yo,tsaka isa pa nakakasawa na doon sa bar ni Kye dahil bawat babae eh nilalapitan ako”sagot ni Asher.

“At bakit ka naman nilalapitan?”kunot-noong tanong ni Leigh.

“Dahil gwapo ako”pagbubuhat-bangko ni Asher sa sarili.

“Ang hangin”sarkastikang sambit ni Leigh.

“Alam mo Leigh kaysa kuda ka ng kuda d’yan,kuha mo nalang kami ng dalawang malaking beer”sabat ni River.

“Anong beer?g*go wala kaming ganun dito.Baka red horse”puna ni Leigh.

“Pareho lang yun”iling ni River.Nagmamartsa namang pumasok sa tindahan nila si Leigh para ikuha kami ng bote ng red horse.

Billionaire 3:Dexton MadrigalWhere stories live. Discover now