CHAPTER 9

202 2 0
                                    

Who's who?

Hindi pumayag si kuya sa gusto ni uncle. Kahit pa sabihin niyang pag iisipan naming pareho pero siya lang naman ang nagdecide na hindi kami titira sa bahay nila. Mas gugustuhin daw niyang sa bahay nalang kami dahil mas komportable kami roon. One of his reason also is the treatment Tita Emelda giving me. So I respected his decision, he knows better because kuya is older than me.

Lumipas ang mga araw ay nagtungo muli ako sa opisina ni Atty. Ramirez para muli nanamang magtanong. Feeling ko kasi ay malapit na ako sa katotohanan kapag naging malapit na ako kay Inked man.

" Dylan Floyd, Dylan Floyd," paulit ulit kong sambit sa pangalan ni Inked man. Binigyan ako ng chart ni Atty. Para may pagkabisihan ako.

May ginagawa si Atty at dahil wala akong appointment sa kaniya ay pinabayaan niya akong tumambay sa kaniyang opisina habang busy siya sa kaniyang laptop.

" Tingin mo Atty. Kanino siyang anak sa mga suspect?" Tanong ko kay Atty.

Nagkibit balikat siya, hindi siya bumaling sa akin dahil nga ay may ginagawa.  " Walang nakakaalam."

Tumango ako sa kaniya, " Wala man lang akong kilala sa mga suspect!" Sumimangot ako habang tinitignan ang journal ng mga kaalamang nasaliksik ko.

Naroon nakadikit ang mga litrato ng mga suspect sa kaso ng nanay ko na wala ng pag-asang makulong dahil hindi naman na binuhay pa ang kaso. Balak kong muling buhayin iyon ngunit natatakot akong baka malaman ni Tita Emelda at sabihin niyang nag aaksaya lang ako ng iniwang pera nila Lolo at Lola sa akin.

" Baka meron ka ng kilala," sabi ni Atty.  Na ikinalingon ko sa kaniya.

Nangunot ang noo ko at umiling, " walang pamilyar sa akin Atty."

Tinaasan niya ako ng kilay at may kinuha siya sa kaniyang drawer at ibinigay niya sa akin. " Tignan mo yan, bagong nakalap ni Mr. Manzano."

Dali dali kong binuksan ang bagong bigay lang sa akin ni Atty. Ramirez na brown envelope. Lalong nagunot ang noo ko ng makita sa isang grupo ang litrato ni Uncle kasama ang tatlo sa mga suspect at si Inked man na nasa isang mamahaling kainan.

Did Uncle knew that he's hanging around the criminal Inked man?

" Baka may business silang pinag uusapan. " Sabi ko. Hindi naman sila mukhang masamang tao.

They look like an ordinary businessman's hanging around and talking about their personal business. Wala sa mukha nila ang pagiging masamang tao unless you seen them doing crime, like the way I saw Inked man killing people. Suspect lang naman sila at walang patunay na isa sila sa mga dahilan kung bakit namatay ang nanay ko.

" Ask your uncle about it. " Suhestyon ni Atty. Ramirez.

May naisip akong posibleng gawin kahit hindi na ako magtanong kay Uncle. Dito ko lang naisip na sana ay tumutol ako kay kuya sa hindi pagpayag sa sinabi ng dad niya. Siguro'y makakatulong sa akin ang pagtira sa mansion nila.

I remember when Mr. Manzano says that Uncle Fred is my suspected as my dad. And now Uncle Fred is hangging around Inked man na siyang suhesyton ni Atty na makakatulong sa akin.

Maybe Uncle knows something!

Hindi ako nagpaalam kay kuya na pagkauwi ko after class ay kinuha ko ang kaniyang mustang at nagmaneho patungo sa bahay nila uncle. Sa may malayo ako pumarada, I made sure that walang makakakita ng kotseng gamit ko.

I'm in my spying outfit, black fitted jeans, black sneakers, black gloves, at tinirintas ko rin ang aking buhok. My efforts should bring me into what I wanted today.

At dahil hindi ako pinayagan ni kuyang manatili sa bahay nila uncle. My Idea is to spy on them.

Umakyat ako sa may mababang bakod sa may likod ng mansion. Maingat ako kagaya ng pag iingat ko noong nakaraan sa pagsunod kay Inked man.

Bilang lang ang mga katulong nila Uncle, dahil ayaw ni Uncle ng maraming katulong. At sa lawak ng mansion paniguradong hindi kami magkakatagpo tagpo. Kaya naman mabilis akong nakapasok sa may kitchen door at madali ko ring inakyat ang panggalawang palapag patungo sa office ni uncle.

9:00 pm na ng gabi at paniguradong nasa may kwarto na sila Uncle at Tita. Maaga silang natutulog knowing Tita she wanted to have their own time together.

Kaya naman sinamantala ko na ang lahat. Pumasok ako sa opisina ni uncle and it was clean. Nothing suspicious, kahit ilang beses pa akong umikot roon. Wala talaga akong mapapala.

So I decided to go home sana, kaso paglabas ko ng mansion ay saktong pinaandar ng driver ni uncle ang kaniyang SUV. Pinanood ko kung papaano iparada ng driver sa harap ng bahay ang sasakyan at iniwan itong nakaandar. Pumasok ito sa loob ng bahay nagmamadali.

Ako naman ay nagmadali ring pumasok sa may back compartment ng sasakyan ni Uncle. Siguro naman may mapapala na ako! Pinagcross ko pa ang aking mga daliri para ipagdasal na sana ay wala silang ilagay sa compartment at sana hindi nila ako mahuli.

" Inaantay po kayo ni Dylan, boss. " Dinig kong sabi ng driver.

" Kanina pa ba siya nag aantay? Bakit hindi niya sinabing makikipagkita siya ngayon!" Galit na wika ni Uncle.

Naramdaman ko ng sumakay sila sa kotse dahil umalog ito ng kaunti. Tapos narinig ko na rin ang pagsarado ng pinto.

" He must give me a valid reason. Istorbo!" Wika ni Uncle, dinig sa boses niya ang pagkainis kay Dylan na  siyang dahilan ng pag alis niya ngayon.

Inaantok ako sa byahe pero hindi ako natulog. Talagang linalabanan ko iyong antok ko at nanatili paring naka cross ang aking mga daliri. Kagat ko ang aking mga labi para hindi ako makalikha ng ingay.

Who's who? Kung sino man ang kikitain ni uncle ngayon siguro naman ay mapakikinabangan ko.

I must be hired as a professional stalker after all of this shits!

Kung noong mga nakaraang araw ay si Inked man ang sinusundan ko, but This time is uncle.

Sino ba talaga kayo?

To be continue ..........

LOVING THE INKED MAN.Where stories live. Discover now