CHAPTER 12

170 2 0
                                    

Caught.

Mas ginanahan akong sundan si Inked man palagi dahil sa mga nalaman ko kay Tyron. Inked man is a big deal! Dahil hanggang ibang bansa ay may illegal siyang negosyo. He's a mafia! That's what Tyron told me. Sapat na iyon para mas lumaki ang pag asa kong may alam siya sa kung anong hinahanap ko.

While Uncle is also a Mafia, ampon siya ng kaniyang boss at siya iyong tagapagmana nong illegal business niya ngayon. But then hindi ko naintindihan na nasaliksik ni Tyron sa kaniya na kabilang ako sa anak ni Uncle na nakaimposible naman.

Kaunti lang ang nakuha kong impormasyon dahil sabi ni Tyron ay delikado kapag naghukay pa kami ng mas malalim about sa kanila. And I do understand that.

Basa tapat ako ng subdivision nila Inked man. Inaantay ko siyang lumabas para masundan ko muli siya. I was still in my uniform dahil after class ay nagtungo na agad ako rito.

" Saan ka nanaman ba pupunta!" Naiinis kong sinabi habang ang mga mata ko ay hindi malubayan ang kotse ni Inked man. Pinaandar ko ang kotse ko pasunod sa kaniya.

Nasundan ko siya at malaking pagtataka ang bumalot sa akin ng Pumasok siya sa S.A.

" Seriously? Magpapahamak ka ba? Alam mong kalaban ng S.A ang mga kriminal!" Ako na ang nakokonsumisyon sa kaniya.

Hanggang sa parking lang ako ng S.A at inaantay si Inked man. Hindi naman siya nagtagal roon at umalis rin. Kaya umalis rin ako.

Ngayon naman ay nakaparada ako sa may Motel. The usual set up of Inked man 'Bar-woman-home!' . Hindi na ako sumunod sa kaniya sa loob kasama ang bagong babae niya dahil baka hindi ko kayanin ang Live SPG!

Lumabas ako ng kotse ko para magpahangin. Kotse pala ni Kuya ang gamit ko pero parang akin na rin kasi ako lang naman ang gumagamit ng kaniyang mustang. Sumandal ako sa may kotse ko at humalukipkip.

" Matagal pa ba?" Bulong ko sabay irap sa ere.

Napatalikod ako at kunwaring may inaantay na iba ng makita ko si Inked man na mag isang lumabas. Tatlong kotse ang pagitan ng nakaparadang kotse namin. Kahit ganoon ay malapit parin naman ako sa kaniya.

" Yes, let's talk about it tomorrow!" Dinig kong may kausap siya panigurado sa kaniyang cellphone. " Just kill them! I don't want to burden a problem. I will tell dad after. "

Ang alin? Sino nanamang papatayin!

Agad akong pumasok sa kotse ko ng pumasok siya sa kaniyang itim na wrangler. Agad akong sumunod ng mga anim na metro ang pagitan namin.

Umuwi na siya at para lang akong nag escort ng kotse sa ginagawa ko!

" Sabado na bukas! Punta tayong beach?" Aya ni Mia habang nag-i-istretch. Kakatapis lang ng huling subject namin ngayong araw.

Iniisip kong susundan ko si Inked man sa buong araw ng sabado. " May gagawin ako."

Ngumuqi si Mia, " Nagiging busy ka na ah! Sige na ngayon lang naman!" Pamimilit niya.

Umiling ako habang inaayos ang aking mga gamit. " Promise babe, babawi ako after this. "

" Ano ba kasing ginagawa mo? " Kuryuso niyang tanong. " Bawal ba akong sumali o tumulong?"

LOVING THE INKED MAN.Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin