CHAPTER 33

37 0 0
                                    

Dinner.

Natigil kami sa isang tagong mansion. Nagtaka ako kung bakit rito? Marami namang lugar kung saan pupwede kaming magkita ni Uncle pero mas pinili niya sa tagong lugar. Pero hindi nalang ako umangal.

Noong umalis kami sa bahay nila Uncle ay mga alas dos ng hapon tapos ngayong nakarating na kami rito ay madilim na. Mga alas syete na ata ngayon. Nasa may lib lib na ligar kami.

Pinagbuksan ako ng lalaki at inanyayahang pumasok. Pinauna ko siya at sumunod akong pumasok.

Malinis ang loob ng bahay. Maganda at simple. Hindi gaanong marami ang gamit. Mukha siyang isang rest house.

" Asaang lugar tayo?" Tanong ko sa sekretaryo nhunit hindi siya nag atubiling sumagot.

Hindi na niya ako pinansin at basta naglalakad lang siya patungo sa dinning area. Sumunod naman ako sa kaniya.

Parang nag slowmo ang lahat ng makapasok kami sa dinning area. Naroon si Uncle na naka suit nakaupo sa may dulo ng twelve seater na lamesa. Maraming nakaharap na pagkain at may nakahandang isang plato para sa kaniyang panauhin.

Bigla akong dinalaw ng aking kaba. Nagdahan dahan din akong naglakad.

Anong meron?

Gumuhit ang galak na ngiti ni Uncle nang tumayo siya at salubingin ako. Sinenyasan niya ang mga taong naroon na umalis na. Kaya kaming dalawa na lang ang naiwan.

" Kamusta Caroline?" Paunang wika niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

Naguguluhan ako. Mas nangingibabaw ang kaba ko, kaya hindi ko maramdaman ang mainit na yakap ni Uncle.

" Ayos lang po ako." Sabi ko nang bumitaw na siya sa pagyakap sa akin. " Ano pong dahilan bakit niyo po ako pinasundo?" Mahina at nag aalangan kong tanong.

" I just want us to have dinner, Cx." Sabi niya at pinanghila niya ako ng upuan.

Napalunok ako. " Tayong dalawa lang po?" Tanong kong muli bago naupo.

Nakakapagtakang kaming dalawa lang ang mag di-dinner samantalang kapag nag aaya si Uncle ng dinner ay kasama si Kuya at Tita Emelda, sabit lang ako. So bakit ngayon ay kaming dalawa lang?

" Yes, is there something wrong?" Tanong ni Uncle at naupo sa kaniyang upuan.

Umiling ako at tipid na ngumiti.

Naging tahimik kami habang nagsisimulang kumain. Nagiging mapagmatyag ako at inoobserbahan ko kung ano man ang magyayari.

Uncle clear his throat so I look up to him. He seems like he wanted to tell something.

" What keep you busy this past days, Cx?" Bigla niyang tanong.

Uminom muna ako ng tubig. " Studies po uncle."

" You sure?" Seryoso niyang tanong.

Ibinaba ko ang aking kubyertos ng dahan dahan. " Opo."

" Did you know Dylan Floyd?"

Napalunok ako at hindi sumagot.

Bumuntong hininga si Uncle. " Sinabi ng tauhan kong lagi kayong magkasama after school at gabi kana umuuwi."

Kinabahan kaagad ako. Papaanong nalaman ni Uncle iyon? Posible kayang pinapasundan niya ako? Kagaya ng pagkahuli sa akin ni Inked man before?

" Pinapasundan niyo po ba ako?" Tanong ko sa kaniya.

LOVING THE INKED MAN.Where stories live. Discover now