CHAPTER 29

42 1 0
                                    

Untold story.

Muli kaming dumalaw sa nanay ni Inked man. This time ay iniwan ako ni Inked man dahil may biglaan siyang lakad.

" Kamusta po?" Tanong ko kay Mrs. Natasha.

Naka upo kami ngayon sa may bench sa ilalim ng puno. Dito ang paborito niyang tambayan habang nag iisip at pinag ninilayan ang lahat.

Isinadal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat habang yakap yakap niya ang aking braso. Bumuntong hininga siya, " Tingin mo ay ayos lang ako?" Sagot niya sa akin ng tanong.

Napalunok ako. Hindi ko mawari kung anong isasagot ko. Hindi ako makabuo ng salitang bibigkasin sa kaniya.

" Pagkatapos ng nangyari sa akin tingin mo ay ayos lang ako?" Muli niyang tanong. Pinagpapawisan na ako ng malagkit sa kawalan ng sagot but I stayed silent.

Anong nangyari? Bigla akong dinalaw ng duda na may koneksyon ang mga nangyari sa kaniya sa buhay ko. Kung tama man ang nararamdaman ko ay laking pagpapasalamat ko kay Inked man dahil nakilala ko ang nanay niya.

" Halos pandirihan ko ang sarili ko alam mo ba yun!" Galit niyang sinabi.

Tumingin ako sa nurse para humingi ng saklolo. Nasa likod lang namin ang nurse niyang lalaki.

" Kalma lang ma'am," he mouthed.

So I try to be calm. Walang mangyayari sa akin sa kamay ni Natasha.

" Akala ko ayos lang ako pagkatapos non! Walang nakulong, ni walang nakasuhan!" Humigpit ang yakap niya sa aking braso. " Ikinasal ako dalawang taon pagkatapos non. Pero unang gabi palang ng aming pagsasama, habang may nagyayari sa aming dalawa naaalala ko ang lahat. Pinandirihan ko ang asawa ko!" Tumawa siya ng kaunti habang may dumaloy na luha sa mga mata niya.

" Patawarin sana ako ni Luciano, hindi ko nagawang maging asawa sa kaniya." Sabi niya na hindi na ako ang kausap. " Ang anak ko! Pinandirihan ko rin sa pag aakalang bunga iyon nang nangyari!.......Patawarin mo ako Daff! Hindi ako naging mabuting nanay! Halos mapatay na kita noong sangol ka palang. Kaya natatakot akong harapin ka dahil baka ibalik mo sa akin ang lahat ng nagawa ko sayo. At ayaw ko iyon!"

Nag aaway away na ang aking mga braincells sa kakaisip kung anong nangyari. It's hard for me to figure out what is really happen.

" Matagal na ako dito nagpapagaling! Hindi ako kayang gamutin sa ibang bansa kaya dinala ako dito ni Luciano! Ang aking pinakamamahal na asawa.."usal niya sa kawalan.

" Emily," tawag niya sa akin. Umayos siya ng upo at sinapo ang aking magkabilang pisngi gamit ang kaniyang malalambot na palad. " Mahal mo ba si Alfredo?"

Tinignan ko siya mata sa mata para mabasa kung anong gusto niyang sabihin. Kinabahan din ako dahil ang pamilyar na pangalan ni Uncle ang sinabi niya.

Tumango ako. Ayaw ko mang sumagot pero meron sa akin ang nagtutulak para ako'y tumango.

Ngumiti siya ng tipid, " Totoo ngang mahal mo siya! Mahal na mahal....." Sabi niya at biglang sumeryoso. " Alam mo bang naroon siya noong may nagyari sa akin. Alam mo bang siya yung tinawag nilang boss noon? Humihingi ako ng saklolo sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin!"

Napalunok ako, " Anong meron kay Alfredo?" Ipinagpalagay kong ako si Emily sa kaniyang storya.

" Nakalimutan mo na?" Tanong niya sa akin. " Asawa siya ng kakambal mo, si Emelda! Hindi ba at ikaw ang nauna sa kaniya? Kaso may nangyari sa kanila ng kakambal mo kaya hindi ikaw ang pinakasalan niya. Kalaunan ay ikaw parin ang tinitibok ng puso niya kaya nagkaroon kayo ng isang Caroline. Hindi ba?"

Binubuo ko na ang lahat sa akinv isipan. Mga pamilyar na pangalan ng nanay ko, ni Uncle at ni Tita Emelda.

Bigla naman siyang humikbi ngayon. Binitawan niya ang pisngi ko at parang namatayang umiyak sa harapan ko. " Si Emily! Katulad ko rin! Bago sila magkaroon ng masayang pamilya nila ni Alfredo natulad siya sa nangyari sa akin. Nabalita sa akin ang pagkawala niya pagkatapos niyang isilang si Caroline at sumunod non nabalitaan kong patay na siya! May kopya ako non ng news paper at narinig ko iyon sa radio! Hustisya sana para sa aming dalawa!"

News paper! May article ang pagkawala ng nanay ko? Kung iisa man ang sinasabi ni Natasha at yung iniisip ko, posibleng maging sagot ang lahat ng ikinukwento sa akin ngayon ni Natasha.

" Caroline? Kanina ka pa rito?" Bigla siyang tumigil sa pag iyak at parang gulat na gulat na makita ako. " Inaantok na ako Caroline. Kailangan ko ng magpahinga! Pasensya kana at hindi kita mahaharap ngayon." Paalam niya akala niya siguro'y kakarating ko lang.

Tumango ako, " Okay lang po!" Sabi ko at may mumunting ngiti para sa kaniya.

" Salamat sa pagdalaw hija!" Sabi niya at inalalayan na siya ng nurse niya.

Ako naman ay naiwan sa may garden mag isa. Pilit kong pinagdudugtong ang lahat ng nailwento sa akin. Hindi iyon naibahagi ng kahit na sino sa akin, kaya hindi ako sigurado kong dapat ko ba iyong seryosohin. Pero sinasabi ng isip kong may katotohanan iyon.

Inked man: Sorry hindi na kita masusundo. I have to go abroad urgently! It's about business. Go home safe, take care!

Me: okay!

Nakatangap ako ng mensahe kay Inked man. Kung pupunta siyang ibang bansa mas marami akong panahon na makausap muli ang nanay niya ng hindi niya nalalaman. Magandang pagkakataon ito para mas makakalap pa ng marami.

Umuwi ako sa ancestral house namin. Wala na rito si Tita dahil may bakasyon daw sila ng kaniyang mga kaibiganbsa Hawaii kaya kami ulit ni Kuya ang nakatira rito. Siguro naman pagbalik niya ay sina narin ang balik ni Uncle rito para umuwi na siya sa mansion niya!

Naupo ako sa aking swivel chair na nakaharap sa aking study table. Isinulat ko sa panibagong pahina ng aking journal ang tungkol kay Natasha at sa kaniyang ikinuwento sa akin kanina.

" The untold story! Ano pa ba ang hindi ko alam?"

Tinignan ko ang litrato nila Lolo at Lola sa aking desk. " Bakit ba hindi kayo nagkwento sa akin?"

Bakit ba wala akong alam sa mga magulang ko!

To be continue..................

LOVING THE INKED MAN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon