27

359 42 2
                                    


Abby's POV


Mula dito sa parking ng event place kung saan ginaganap ang 7th birthday ng anak ni sela ay tanaw na tanaw kong naka tingin silang lahat samin ni gia mula sa loob.


Nakita ko namang lumabas si sela kasama si gabb para salubungin kami ni gia dito.


"Hello, buti naka habol ka"-saad ni sela kay gia at niyakap ito, so ano ako dito?


"Hi abby, masaya ako dahil pinaunlakan mo ang imbitasyon ko"-sabi nito saakin at niyakap din ako, niyakap ako pero hindi totally yakap na katulad dati na nag didikit talaga ang buong katawan namin sa isa't isa.


"Syempre naman pupunta ako, ininvite mo ako eh sino ba naman ako para tumanggi sayo"-I said at ngumiti naman ito.


"Sino ba naman siya para tumanggi sayo ate sela, siya lang naman yung babaeng baliw na baliw sayo"-gabb said. Sasapakin ko to mamaya.


"Gabb talaga oh, sige na tara na hinihintay na kayo ni seve. At tapos na din ang party huli na kayo" saad naman nito at nauna ng pumasok. Sumunod nalang kami, dala dala ko din ang regalo ko para kay seve.


"Mami gia!"-sigaw nung bata at niyakap si gia ng mahigpit, kitang kita ko yung saya ng bata nung makita nya si gia.


"Mommy who is she?"-seve asked sela, habang tinuturo ako.


"Baby, ang name nya ay ate abby. Friend siya ni mommy, super close friend ni mommy"-sela said. Tumakbo naman yung bata at niyakap ako.


Bakit iba yung feeling? Bakit ang gaan ng loob ko sa kanya eh hindi ko naman siya kaano ano?


"Dahil po close friend ka ni mommy, friend na rin po kita"-masayang sabi nito sakin kaya napangiti ako.


"Happy birthday baby!"-bati ko sa kanya.


"I'm your baby po?"-he asked.


"Yes?"-I said, napalingon ako kay marsela at nakita kong may tumulong luha mula sa kanya mga mata. Agad naman siyang tumalikod samin at nag lakad papalayo, susundan ko na sana siya ngunit naunahan ako ni gia.


"Ate abby bigyan muna natin siya ng time, baka masaya lang siya dahil nakita ka nya muli at nakita nyang masaya si seve"-frances said. Kaya tumango at ngumiti nalang ako.


"Baby eto gift ko"-I said at binigay ang isang malaking box sa kanya na may laman na ipad at shoes.


"Thankyou po! Pwede ko na po bang i open?"-he asked kaya tumango nalang ako.


Binuksan na nya ito, kitang kita ko sa mga mata nya na masaya siya kahit hindi pa nya alam kung ano ang nasa loob.


"Wowww"


"Ate coleen, ate frances look! Binigyan nya ako ng ipad! And shoes!"-sigaw nito with full of happiness.


"You deserve it baby, thankyou ate abby ha"-coleen said.


"Wala yun coleen"- I said.


"Wag masyadong maging adik sa ipad baby ha? Sure ako magagalit mommy mo sayo"-frances said.


"Yes ate! Ate abby thankyou po dito!" He said kaya ngumiti ako.


"Ate abby kumain ka muna hayaan muna natin si ate kasama naman nya si ate gia, mag uusap naman kayo ni ate later"-coleen said habang tinataas taas ang kilay nya, something fishy ha.


She Changed Me || SeByWhere stories live. Discover now