Chapter 1

1.1K 87 74
                                    

KYLE'S POV~

*panting**sigh**panting*

"*Prrrt* Last 5 minutes for the first half." Referee. Fuck. Last 5 minutes na lang for the first half and guess what, wala pa kaming points. Nakakadalawang goals na yung kabila.

"Kyle, kaya pa?" Thunder. Best friend ko. Masyado na bang halatang pagod na ako.

"Ako pa ba, Thunder? Tara!"

Hindi kami pwedeng matalo. Mortal enemy namin ang kalaban namin. Ang PJU Blue Cardinals at ang LSU Silver Knights ang pinakamahigpit na magkalaban sa balat ng Football sa UAT (Universities Athletics Tournament). Kaya hindi kami pwedeng matalo, nagback to back kami last year. Sayang lahat ng pinaghirapan naming kung matatalo lang kami. Hindi kami papayag at mas lalong hindi ako papayag.

"*prrrtt* End of First Half." Referee. Fuck. Natapos ang First Half ng wala kaming kahit isang goal.

"Team. Locker Rooms NOW!" Coach Joseph. Alam kong disappointed samin si Coach ngayon. Hindi ko naman siya masisisi.

Palakad na kaming lahat papuntang bleachers ng marinig ko yung sinabi ng captain ng kabilang team sa captain namin.

"Hoy, Valle, handa ka na bang makaramdam ng pagkatalo? Wag ka kasi masyadong mayabang. Sabi ko naman sayo kaya namin kayong talunin ngayon eh." Sean Mendez. Captain ng Kabilang Team.

"Shut the hell up!" Captain Kevin.

"Eh tarantado pala ito eh. Captain, wag mo na nga lang pansinin yan. Umaasa kasing mananalo sila ehh." Storm.

"Wow, baka kayo ang umaasang mananalo kayo." Sean.

"Tatalunin namin kayo. Kaya manahimik ka diyan. Hindi pa naman tapos yung laban." Captain.

"Yan ang gusto ko. Ang lakas ng fighting spirit. Kelan ka ba nanalo sakin? Kahit yata sa babae, wala kang panalo sakin eh." Sean

Biglang sinugod ni Captain si Sean. *booggsshh* Bumagsak na si Sean sa sahig.

"Captain, tama na yan. Pinapatawag na tayo ni Coach sa loob." Josh.

"May araw ka rin sakin. Tarantado ka." Sinabi ni Captain kay Sean bago makapasok sa loob ng Locker Room.

-

Sa loob ng Locker Room

Tahimik kaming lahat ng biglang pumasok si Coach. Bigla niya na lang inihagis yung mga papel na hawak siya sa table sa harap namin.

"What was that team? Ano yun? Kahit isang goal wala kayong nakuha. Mahiya naman kayo sa LSU. Sayang lahat ng pinaghirapan natin kung matatalo tayo ngayon." Coach. Galit na galit si Coach.

"Elims pa lang naman, Coach." Hunter

"Hindi rason yan, Hunter. Kayo ang back to back champion last year. Tapos matatalo kayo ngayon kahit Elimination pa lang. Hindi ba kahihiyan yun?" Coach. Diniinan pa talaga yung word na ELIMINATION. Sabagay tama naman siya ehh.

"Gagawan naming ng paraan, Coach." Captain.

"Dapat lang, Kevin. Tandaan niyo ito. Hindi kayo pwedeng matalo." Coach

"Yes, Coach." Captain

Lumabas na sila Coach Joseph.

Tahimik kami ng mga 2 minutes ng biglang tumayo si Captain.

Destined to Ms. UnpredictableTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang