Chapter 11

508 50 25
                                    

KYLE'S POV

Andito ako ngayon sa aking kwarto habang pinagmamasdan sa salamin ang aking napaka-gwapong pagmumukha. Haist. Tonight, Pupunta kami ni Dad sa Family Mansion ng mga Cortez. Mamamanhikan raw kami.

Kahapon lang nung nalaman niya na nakabuntis ako tapos kinabukasan, pupunta agad kami. Grabe

Mamanhikan? Ano ba yun?

Kaya pinilit niya ako magsuot ng something formal. Para kaaya-aya at disente daw akong tignan. Grabe, ano kayang pinapalabas dito ni Dad?? Na hindi Ako kaaya-ayang tignan?? Hindi ako disente?? Na panget ako? Oh come on! Si Kyle Lee ata toh!! Habulin ng chicks.

Habulin ng chicks...

Haist.. Tapos na nga pala ang maliligayang araw ng buhay binata ko. Tatay na ako eh. Nabuntis ko yung pinsan ni Earl. Kaya nga pupunta kami ngayon ni Dad sa bahay ng lolo ni Earl eh..

I'll be a man and face my responsibility. Isa akong Lee, nakakahiya naman sa buong angkan namin kung tatakbuhan ko yung pagkakamali ko di ba? Tsaka, Naalala ko yung mga sinabi sakin ni Yuki.

Tama...

Paano kung sakanya nangyari yun??

Syempre handa akong pumatay para sa kapatid ko..
Syempre magagalit ako...
Lalo pa kaya kung malalaman ko na kaibigan ko pala ang tatarantado sa kanya.. Tangina! Nasaan yung utak ko??!

*sighs*

That's right, Ganitong-ganito din ang nararamdaman ni Earl ngayon. Galit siya dahil may gumalaw sa youngest cousin niya. Muntanga naman kapag hindi siya nagalit diba?? Pinsan niya yun eh??

He almost beat the shit out of Thunder nung lumabas sa imbistigasyon niya na si Pareng Torres ang gumago sa pinsan niya. Si Thunder na ka-member at kaibigan niya. Sobrang galit na galit siya. Para siyang bull na nakakita ng kulay pula na target.

Yung araw na pilit na isinasama ni Earl si Thunder sakanya halos gawin niyang punching bag si Thunder dahil ayaw sumama..

Dahil ayaw niyang panagutan yung pinsan niya..

Si Thunder.. napakabuti niyang kaibigan. Kahit kailan, hindi niya ako iniwan, sinasakyan pa niya lahat ng katarantaduhan ko. Pero, naging mabuti ba akong kaibigan para sa kanya.

Sadly, hinde.

Kung mabuti akong kaibigan.. dapat nung umpisa pa lang umamin na ako. Dapat hindi ko na hinayaang madamay pa siya sa kalokohan ko. Dapat ako yung nabugbog ng kabayong si Earlando...

uyy.. Rhyming... kkkk... Nahahawa na ako kay Thunder.. Haha

Kaya lang naduwag ang papa niyo, hayun.. tinakbuhan ang responsibilidad..

Tumingin ako sa salamin at ngumiti ng mapait. Pinagmasdam kong maiigi ang napaka gwapo kong mukha na mamaya matatadtad ng black-eye dahil ako naman ang gagawing punching bag ni Earl.

Kahit alam kong masisira ang napakagwapo kong mukha pagkatapos ng gabing toh..

Haist...

Bahala na..

This is the consequence of what I've done to his cousin. Kung kelangan kong isakripisyo ang mukha ko para sa ikapapayapa ng kalooban ni Earl.. gagawin ko.. Kaibigan ko yun eh.. Mahalaga siya sakin. At mahalaga sakanya yung pinsan niya. Kaya ngayon pa lang... nagpapaalam na ako sa mukha ko.

"Bye, aking napakagwapong mukha. Sana hindi ka ma-deform kapag pinagsasapak ka mamaya ni Earl. Mahal na mahal kita." I subconciously said sa reflection ko sa mirror.

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon