Chapter 40

245 26 4
                                    

KYLE'S POV

[Wednesday]

Ano? Nagsasawa na ba kayo sakin? Haha. Pwes magtiis kayo. Haha. Hindi naman kayo lugi eh. Ang gwapo ko kaya xD

Anyway, pupunta kami ni Alys ngayon sa hospital. Manganganak na kasi siya. Joke lang, sasamahan ko kasi siyang magpacheck up ngayon.

Isang buwan na din pala ang nakalipas simula nung nabuntis ko siya. Ambilis talaga lumipas mg mga araw. Baka mamaya mamalayan ko na lang nandiyan na pala yung anak namin.

Tumawag ako kay Yuki kahapon. Tinanong ko siya kung pwede na ba naming ipacheck up yung baby namin kahit 4 weeks pa lang ito sa tiyan ni Alys. Sabi naman niya ok lang naman daw siguro yun kasi para daw maensure na healthy ang baby pati ang nanay niya.

Natawa nga ako sa ginawa ko eh. Bakit ko siya tinanong samantalang wala namang experience si Yuki sa ganito. Haha. Ni boyfriend ka nga wala yun. Haist.

Kaya para mapanatag na yung loob ko, kinunsulta ko muna si Tita Eliz din kahapon. Nagulat naman siya nung malaman niya na isang buwan na pala yug dinadala ni Alys. Anyway, siya na maismo yung nagpa schedule ng appointment namin sa doctor. Its better to be safe then sorry ikanga.

Ang appointment namin ay 1 o' clock kaya napagdesisyunan ko- I mean namin.. na hindi na lamg kami muna papasok tutal wala namang game ngayon. Next week pa yung game 4.

Oo nga pala. Sa game 4 namin next week, Dahil hindi makakapaglaro si Josh dahil nga pilantod siya ng isang buwan. Napagpasyahan namin na kumuha ng isang rookie para i-substitute sa kanya pagdating nung game. Kaya napagpasyahan naming lahat na si Lance, yung pinsan niya, yung papalit sa kanya.

Bilang likas na maaalalahanin si Josh kahit gago yan. Medyo nagdadalawang isip siya sa desisyon namin kasi baka daw mabully yung pinsan niya, kay bago-bago pa lang naman daw yun dito. Pero ni-reassure ko siya na kapag nabully si Lance automatic ipapa-expel ko yung mga gagong yun. Alam niyo ba tinawanan pa niya ako sa sinabi ko. haha. Gago talaga. Nagmamagandang loob na nga ako eh.

Maliit na bagay lang kaya para sakin ang pagpapa-expel. xD Hindi niyo ba alam favorite past time ko ang pagpapa-expel kapag wala akong magawa. Haha.

Nakakapagtaka nga eh. Wala si Coach Joseph sa training namin kahapon, si Coach Cams lang yung nandun. Hindi pa naman niya kami pinagtraining nung lunes. Haha. Magtatapat na kasi siya ng nararamdaman niya sa pinakamamahal niyang si Coach Hazel Lu, yung Coach ng LSU Queens. Haha. Sa wakas, nagsawa na din ang pogi naming coach sa katorpehan niya. haha.

Balik na tayo sa storya ko, kasalukuyan kaming nag aantay sa waiting room ni Alys. Inanatay namin yung turn namin para sa check up, sabagay medyo maaga pa naman. Naupo kami sa mga upuan dun tapos napansin ko na may nakalagay na tv sa taas.

Amboring naman, paano ba naman kasi yung mga katabi namin dito puro matatanda. Kung may bata naman, literal na bata talaga, sanggol to ba exact. Haist. Nakakabagot. -_-

Isinandal ko yung ulo ko sa balikat ni Alys. Napatingin naman siya sakin tapos ngumiti siya.

"Bored?" Alys.

"Super." I lazily said. Natawa naman siya tapos inayos niya yung buhok ko. Nakasandal pa din ako sa kanya.

"Akala ko pa naman pag dating natin dito tayo na agad yung susunod. Psh. Hindi pa pala." Ako. Sorry na, likas na ang pagiging reklamador ko. Sanay na dapat kayo sakin.

"Syempre hindi noh, Ano ka ba?" Alys. Kinuha ko yung isa niyang kamay tapos minassage ko ito. Naramdaman ko naman na sinadal naman ni Alys yung ulo niya sa ulo ko.

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon