Chapter 16

432 47 11
                                    

ALYS' POV

Naiwan kami ni Kyle dito sa lobby pagkatapos hatakin ni Kuya Kevin si Kuya Josh. Ang awkward tuloy. Bakit ba kasi napakausisero ni Kuya Josh tas dinamay pa si Kuya Kevin? Aish!

"Uhmm, Kyle?" Ako

"Hmm?" Kyle

"Anong sasabihin mo sa kanila?" Ako

Natahimik naman siya. Ako naman nanatiling nakatitig sa kanya.

Bigla siyang ngumiti.

"Yung totoo, Alys. Sasabihin ko na yung totoo." Kyle

"Sure ka?" Ako

"Oo. May problema ba dun? Kailangan na din naman nilang malaman dahil mga kaibigan ko sila eh." Kyle

"Okay." Ako

Napayuko naman ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman eh.

Kinakabahan, syempre, sino ba namang hindi kakabahan diba?

Natatakot, ano kayang sasabihin nila sakin?

Andami pang mixed emotions sa loob ng utak ko ang hindi ko maidentify.

"Okay ka lang, Alys?" Kyle

"Ah. Oo. Wag mo na lang ako pansinin." Ako

"Oh. Tara. Hatid na kita sa classroom mo." Kyle

"Ano ka ba? Wag na. May training ka pa. Kaya ko na ito." Ako.

"Makakapaghintay yun tsaka baka mapano ka. Tara na, ihahatid na kita." Kyle. Hinatak niya naman sakin yung backpack ko.

"Ano ka ba? Ang tagal tagal kong nagaaral dito. Kaya ko na. Hindi naman ako lampa. Mukha lang weak ito. Pero malakas ito noh." Ako. Finorm ko naman yung braso ko na parang strong tapos nakipaghatakan na ulit ako ng bag sa kanya.

"Wag ka na makulit. Tara na." Kyle. Hinawakan ni Kyle yung braso ko tapos hinatak na niya ako. Ano ba yan? Ayoko ng chaperone papuntang classroom, baka isipin pa nila boyfriend ko si Kyle.

Konsensiya: Ano ka ba, Alys? Hindi mo kaya boyfriend si Kyle. Tatay lang siyang magiging anak mo.

Napangiwi naman ako sa sinabi sakin ng konsensiya ko.

"KYLE!"

May tumawag sa kanya. Paglingon namin. Oo, sabay kami. Si Thunder pala.

"Thunder!" Kyle

Lumapit naman samin si Thunder at nagbrotherly hug sila.

"Hi Alys!" Thunder

"Hello." Ako. Medyo awkward ako kay Thunder. Paano ba naman? Siya yung napagkamalang nakabuntis sakin tapos nabugbog pa siya ni Kuya Earl tas hindi naman pala siya. Tss.

"Bro, San ka punta? May training ah." Thunder

"Hatid ko lang ito. Sunod ako." Kyle.

Shemay naman. Ayoko talaga ng nakakaabala eh.

Alam niyo ang ginawa ko?

Pilit kong hinatak yung bag ko kay Kyle. Tapos tumakbo na.

"Alys?!!" Kyle

Lumingon naman ako. Kita ko pa din sila pero medyo malayo na.

"Okay lang ako. Sige na, magtraining na kayo. Bye!" Ako. Sigaw ko.

Tumalikod na ulit ako.

"Alys, mag-ingat ka ha." Kyle. Yun yung huli kong narinig na sigaw.

Destined to Ms. UnpredictableWhere stories live. Discover now