Chapter 38

241 30 8
                                    


KYLE'S POV

[SATURDAY]

7:00 AM

Nagising ako ng maaga. Hayop diba? Si James Chyle nagising ng maaga. Haha. Partida, walang gumising sakin ngayon. Oha! Panis nanaman kayo sakin.

Kung inaalala niyo ba kung ok na ako. Pwes, heto ang masasabi ko ok na ok na talaga ako. Pramis. Katulad nga ng hinala ko. Mabait nga talaga si Tita Eliz.

She's very kind. Sadyang protective lang talaga pagdating sa family niya. Ayan, alam niyo na kung kanino nagmana si Earl. Mabait, pero parang dinosaur kung magalit. Haha. Wag niyo akong isumbong.

Simula kahapon medyo nagiging panatag na yung loob ko sa mama ni Earl. Medyo natakot lang talaga ako sa kanya nung isang araw xD.

Alam niyo ba nung dinner namin kagabi si Tita Eliz pa mismo yung naghain sakin ng pagkain. Sobrang dami nga niyang nilagay dun sa plato ko eh. Sabi niya dapat daw kumain daw ako ng marami kasi ang payat ko daw. Parang dilis daw ako.

Ako naman pabebe, hindi makatanggi. Nabundat na nga yata ako sa sobrang dami ng kinain ko eh. Feeling ko ng disappear yung abs ko. Naimpatso yata ako. Haha. Pero ok lang, gusto kong maexperience kung ano ang pakiramdam magkaroon ng bilbil. Natural na kasi talaga yung payat ng katawan ko. Hindi talaga ako tumataba kahit anong kain ko. O, Ayos diba.

For sure inggit kayo sakin. Haha. Ako pa ba? Pogi ako eh.

Oo nga pala, Tinapos na namin panoorin ni Alys yung <Free! Iwatobi Swimming Club> kagabi. Di kasi kami nakapanood nung isang araw kasi nga di ba, nagdrama ang papa niyo.

Sabi ni Alys, mamaya papanoorin naman namin yung season 2. Yung <Free! Eternal Summer> naman daw tapos kapag natapos namin <Love Live> naman. Ang adik talaga neto sa anime. Kaya siguro heto nag-fine arts.

Anyway, Ayokong mag assume. Baka mapahiya pa ako.

Pagkatapos kong gawin yung mga seremonyas ko sa kwarto ko tuwing umaga, bumababa na ako. Makapag jogging nga sandali. Pakiramdam ko hindi ako natunawan kagabi eh.

Oo nga pala, gusto ko sanang sabihin na wala nga palang tao dito sa mansion ngayon. Ako, Si Alys at Si Manang Aida at yung ibang mga katulong lang yung nandito. Wala Si Tito Carlos at Tita Eliz, may business trip sila, 3 days silang mawawala. Si Lolo at Manong Julius naman ay pumunta sa kumpanya nila tapos makikipaglaro daw siya ng golf sa mga tropa niya- este business partners pala. Si Earl at Yannie may pasok pero panigurado late na yun uuwi. Palagi naman eh, sanay na ako.

Solo namin ni Alys ang bahay ngayon. Marami kaming magagawa ng magkasama ng walang iistorbo ngayon. I'm really looking forward for today. Balak ko kasi siyang dalhin sa park ngayon. Kelangan niya ng fresh air from time to time at hindi palaging nagtatambay sa loob ng mansion.

Pagbaba ko sa hagdan nakita kong naguusap sa baba si Alys at Manang Aida. Ang aga namang gumising netong babaitang ito.

"Good Morning." Bati ko sa kanilang dalawa. Napalingon sila sakin na pababa ng hagdan. Ngumiti sila tapos binati din ako.

"Good Morning, Kyle. Hanep ah. Ang aga mong gumising." Alys. Ngiting-ngiti naman silang dalawa ni Manang Aida.

Oo na, sige na. Ako na yung tanghali gumising. Ako na yung tulog mantika at palaging late. Pero ok lang gwapo pa din ako. Che kayo.

"Oo nga eh, nakakapanibago. Naparami kasi siguro yung kain ko kagabi. Hindi yata ako natunawan." Ako. I smiled sheepishly as I placed my hand at the back of my neck.

Lumingon siya kay Manang Aida.

"Manang, Dapat pala palagi nating pinapakain ng marami si Kyle eh." Alys. Tumawa silang dalawa. Aba, trip ako netong dalawang heto ah.

Destined to Ms. UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon