H18

11.5K 365 6
                                    


Axiel's poV

"Kailangan niyo na pong bumalik doon. Kapag di kayo bumalik, mapipilitan silang atakehin kayo dito.. Ayaw mo namang madamay sila sa gulo ng ating mundo diba?" tama ayaw kong madamay ang mga taong wala namang kinalaman sa amin.


"Kelan ba sila pupunta doon? Tsk.. Bat ba kailangan ko pang bumalik doon?" tanong ko dito..


"Sa isang linggo.. Dapat makita ka nila doon. At isa pa.. Alam mo naman na may papatay sayo sa isa sa mga yun.." napahinga ako ng malalim sa sinabi niya sa akin..


"Alam ko at hinihintay ko nalang ang unang pag atake niya.. Sige.. Pupunta ako doon sa susunod na mga araw may gagawin lang ako dito.."



"Sige.. Aalis na ako!" akmang tatalikod na siya ng pigilan ko.


"Mag.ingat ka.. At isa pa.. Dapat di ka niya makita dito!" napalingon siya sa akin at ngumiti ng kimi.. Alam kong miss na miss niya na ang kapatid niya pero di na siya dapat magpakita rito dahil di na siya katulad nito..


"Alam ko.. Ang hiling ko sayo.. Yun lang ang gusto ko.. Salamat!" at tumalikod na siya..



Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa maglaho siya sa kagubatan.



"Wag kang mag.alala.. Proprotektahan ko siya..yan ang pangako ko sayo!" ang hirap magpakilala ng maayos sa kapatid niya. At isa pa kinamumuhi.an nito ang Hell's Angels sa kadahilanang akala niya kami ang pumatay sa minamahal na kapatid niya.


Ililigtas lang naman namin dapat siya.. Pero nahuli kami ng dating dahil kinagat na siya ng kalaban namin. Ang naabutang eksena ng kapatid niya ay yung nakahandusay sa lapag ang katawan ng kapatid niya at puno ng dugo.. Nakita niya din na puno na ako ng dugo at may hawak na dagger sa kamay na nakaharap sa katawan ng kapatid niya.. Kukunin ko na dapat ang katawan nun pero dumating siya kaya di ko nagawa.. Umalis nalang ako doon.. At plinanong kunin ang katawan ng kapatid niya para madala sa mundo namin.. Yun inakala niyang patay na ang kapatid niya pero di niya alam na naging bampira ito.. Noon pa man may gyera na sa mundo namin.. At hanggang ngayon di pa ito natatapos.. Pero.. Sisiguraduhin kong matatapos na ito ngayon.


Umalis na ako sa likod na bahagi ng academy at bumalik sa dorm..


Uumpisahan ko na ang acting skills namin...


Kukunin ko ang dapat na sa akin..

*********************

Lame?? Sorry... Hehehe..

Just hit the vote.. If you like my story.. Thanks..

HELL'S ANGELS (complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum