H33

10.7K 284 6
                                    


exekiel's POV


Dali- dali akong umalis sa lugar na iyun, kahit ako ang first council ng vampire empire wala pa din akong panama sa empress. Ngayon ko lang nakita at nalaman ang kanyang lakas at isa lang ang masasabi ko. Kapag na abutan niya ako dito sa gubat na to siguradong isang abo nalang ako.


Kainis, bakit pa kasi sa kanya ibinigay ang korona na akala ko kay katalina. At ang pinakamamahal kong katalina., Napakuyom lamang ako sa aking kamao ng maalala ang nangyari kay katalina.


"Demonyo talaga!!" malakas na sigaw ko habang tumatakbo ng mabilis sa kakahuyang ito. NApatingin naman ako sa aking braso na putol, at may tumutulong dugo pa. Di ko akalain na mawawalan ako ng braso ngayon. talagang malakas sila, kahit tatlo lamang sila at isang grupo ng mga vampire mafian soldiers ay wala pa ding panama ang isang batalyong mga level E na iyun.


kainis na minerva, asan na ba ang babaeng iyun?? tsk.., wala ding kwenta si ayumi. Akalain mo yun napatay siya ng isang bagong saltang bampirang alaga ng axiel na iyun. Gaano ba talaga kalakas ang axiel na iyun?


Kahit mga magulang niya ay pinapabayaan lang siya. Kaya pala parang kampanteng- kampante sila.


"Minerva!!" sigaw ko sa babaeng nakikita ko na nakasandal sa isang puno.


"oh??" tiningnan lang ako ng babaeng ito at inismiran. "tsk, tsk.., pinutol niya anu??" walang ganang sabi neto sa akin.


"Nagtanong kapa!!" At may gana pa talaga siyang ipamukha sa akin ang pangyayaring iyun.


"halika na bago pa tayo maabutan dito.." pero ang gagang babaeng ito di manlng natinag sa kinatatayu-an niya kaya matalim ko siyang tiningnan sa mga mata.


"maabutan din naman nila tayo eh." walang ganang sabi neto sa akin kaya napanganga nalang ako.


"wag mong sabihing magpapakamatay kana sa kanila?? alam mo naman kahit tatlo lamang sila kayang- kaya nila tayong patayin na dalawa." sigaw ko sa kanya pero tila di niya ako narinig at nag smirk lamang siya sa akin.


"Anong akala mo sa akin, ganyan ka bugok mag- isip katulad moh??" tsk tsk.., kapatid ko talaga ang babaeng ito., Siya si Minerva Hiroshi ang ikatlong council sa vampire empire at katulad ko malaki ang galit neto sa pamilyang Imperial kung saan pinatay ng ina ni axiel ang dark prince na si justin na siya namang kasintahan ng kapatid ko. Di lang noon nakasama si minerva sa gulo dahil sa ayaw siyang pasamahin ni justin. At ngayon gusto niyang maramdaman ni raven kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal kaya ang puntirya niya ay ang batang si axiel na siyang anak ni raven.


"Mabuti naman at tumigil ka din sa pagtakbo exekiel" napalingon kaming dalawa ni minerva sa babaeng nagsalita sa likod ko.


"Minerva/ Axiel" sabay na bigkas ng dalawa na tila mga walang kwenta ang mga pangalan nila. SA likod ni axiel ay sina acer at amyr ang kanyang dalawang guardians at siya ding mga royal pure blood vampires.

HELL'S ANGELS (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon