H26

11.7K 314 13
                                    



"Tama na yan.." mahinang sambit ni lucifer kay virgo pero tila naiinis na si virgo sa kaharap niya.


"Sino ka para sabihin sa akin na tumigil?? Ikaw!! ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko! kung di dahil sa iyo ay sana buhay pa siya hanggang ngayon. Bakit??.. Bakit mo siya pinatay?? Bakit mo siya pinatay??" naluluhang sambit ni virgo sa kaharap niya na galit na galit pa din. Di niya matanggap na pinatay lang ang walang ka muwang muwang na kapatid niya. Di niya maisip kung anu nga ba ang dahilan bakit pinatay ito.


"wala kang alam!" yun lang ang sinabi ni lucifer sa kanya at tumalikod na ito pero naka isang hakbang palang si lucifer ng inamba ni virgo na saksakin ito. Pero di din natuloy kasi nahawakan agad siya ni lucifer sa kamay at ang isang kamay ay nakasakal na sa leeg neto.


"Wala kang alam Dana, Itigil mo na ito.." at balewala lang na binitawan si virgo o dana., Habol habol hininga nman si virgo. Pero ng mahimasmasan na siya ay sinugod niya parin si lucifer at pilit na susuntukin pero umikot lng sa kanya si lucifer at at hinawakan siya sa kamay na pinilipit at tinutok sa leeg neto ang butterfly knife ni virgo.


Sa di kalayuan naman ay kitang- kita ng isang dalaga ang nangyayari. Di siya nakapag pigil at lumabas siya sa pinagtataguan niyang puno at dali- daling sumigaw.


"Tama na ate.. tama na..!!" napalingon naman ang lahat sa sumigaw at tila parang nabuhusan ng malamig na tubig si dana sa kanyang nakikita.


"D- Danica.. ka- kapatid ko..!" tila di pa din siya makapaniwala na nasa harap na niya ngayon ang kanyang pinaka mamahal na kapatid na akala niya ay pinatay ni lucifer.


"pa-paanong?? nakita kong patay kana.., na- nakita ko.." mahinang bulong neto at tila nag uunahan na sa pagtulo ang kanyang mga luha..


"sinabi ko sayong wag kang lalabas.., ang tigas talaga ng ulo mo danica." pa iling iling na sabi ni lucifer sa kaharap niya. Kinuha nman ni danica ang kapatid niya kay lucifer.


"mag- uusap lang kami my lady.., at sorry dahil di ko kaya sinunod.." tumango lamang si lucifer kay danica at umalis na ang dalawa,..


"tumayo kna diyan ayesha.., akin na ang maskara ko!"lahad kamay na sabi ni lucifer kay opichus..


"AYESHA!!!!!!" sigaw ng lahat ng zodiacs pwera nalng sa dalawang gemini at kay aries. Nandito din pala sina venice at sofi kahit di na sila zodiacs.


tumayo naman si ayesha at hinubad ang maskara sa kanyang mukha at inabot ito kay lucifer.

"magaling.., bilib na ako sayo ayesha.., "mahinang tinapik neto sa balikat si ayesha at tumalikod na din si ayesha sa kanila.


"Akin na lahat ng mga maskara niyo zodiacs, natalo na kayo sa laro.. " tila nag stiff naman ang mga katawan ng mga zodiacs at wala ni isa ang may lakas ng loob na gumalaw sa kinatatayu-an nila. 


"Scorpio!!" sigaw nina capricorn at ni aquarious ng maglakad palapit kay lucifer si scorpio. Huminto ito sa harap ng babae at hinubad ang maskara at walang pakundagang ibinigay ito kay lucifer. Tila bagsak balikat nman ang ilang nakakita at sinunod ang ginawa ni xenon o scorpio. Pwera nalang sa isa na akmang tatalikod na sana.

HELL'S ANGELS (complete)Where stories live. Discover now