H32

9.5K 266 1
                                    



Sa kabilang banda naman, tila ayaw patalo ng dalawa sa kani- kanilang mga lakas at bilis. Di na nga masyadong makita ang labanan ng dalawa.


"Hindi ka mananalo sa akin," may galit na saad ni katalina kay axiel na ngayon ay patayo palang dahil sa binalibag siya ni katalina sa isang puno. Natumba pa nga ang puno dahil sa lakas neto pero tila wala man lang dinadamdam si axiel at mabilis na sinugod si katalina. Hinawakan niya ito sa isang braso at mabilis na pinaikot at binitawan.


Parang isang laruan naman na umikot at tumalsik si katalina sa isang pader ng academy pero bago pa siya mabunggo sa pader ay mabilis siyang umikot sa hangin at yung paa niya ang tinukod niya sa pader para kunuha ng bwelo pasugod kay axiel na ngayon ay nakatayo lamang at walang anumang reaksyon sa mga mukha niya.


"Papatayin talaga kitang babaeng ka.., " sigaw ni katalina kay axiel at akmang susunggaban ito sa leeg ng biglang hinablot ni axiel ang buhok nito at ibinagsak siya sa lupa. Nagkabitak pa ang lupa dahil sa pwersa niya. Dumura muna ng dugo si katalina at tinukod niya ang dalawang kamay niya sa lupa kung saan siya bumagsak. Nakadapa kasi siyang bumagsak, nanglilisik na ang kanyang mga mata at humahaba na din ang mga pangil niya dahil sa galit at frustration.


Naiinis siya kay axiel at sa sarili niya dahil di niya manlang mapuruhan masyado si axiel. Naiinis siya kay axiel dahil ito ang pinili ng matanda para sa posisyon neto sa empire ng kanilang lahi. Naiinis siya kay axiel dahil lahat ng bagay ay narito sa kanya habang siya, isang hamak lang na ampon sa pamilya ni axiel at magiging isang nobody lamang sa korona ng empire. Gustong- gusto niya na siya ang maging tagapag mana. Kaya niya ito ginagawa ay para mapatay niya si axiel at siya ang magiging empress ng empire gayung pinatay niya din ang matanda na siyang lolo ni axiel.


Mabilis siyang sumugod kay axiel at sinipa ito ng malakas kaya lang nasangga lang ito ni axiel. Lumundag siya at mabilis na umikot sa likod ni axiel at hinablot ang leeg nito at binalya si axiel pero napatukod si axiel sa isa niyang kamay sa lupa at yung isa ay nakahawak kay katalina, pinilipit ito ni axiel ng mahigpit.


"Ahhh,," sigaw ni katalina pero tila bingi si axiel sa sigaw ni katalina. sinipa niya ang tuhod ni katalina para mapaluhod ito at inapakan niya ang isang binti neto para mabali, rinig na rinig pa ang butong nabali sa binti neto. Agad niyang hinawakan ang leeg ni katalina ng dalawang kamay niya inipit niya ang katawan neto sa pagitang ng kanyang mga binti.


Di naman magkadaun- gaga si katalina sa paghawak sa mga braso at kamay ni axiel para bitawan siya dahil unting- unti nang pinapaikot ni axiel ang ulo neto at hinuhugot paalis sa leeg niya.


"Stop It!!"  Napatigil si axiel sa ginagawa niya pero di parin niya niluluwagan ang pagkakahawak kay katalina. Napatingin silang dalawa sa isang nilalang na nakahawak sa leeg ng isang tao.


"Exekiel/ xenon" magkasabay na bigkas nina axiel at katalina.


"Bitawan mo si katalina, axiel. Kung ayaw mong makitang mamatay tong mahal mo." naka smirk na sabi ni exekiel kay axiel. Pero tila walang emosyon na bumalatay sa mukha ni axiel.


"What makes you think that I'll follow you, first council?" malamig na sabi ni axiel na siyang nagpa gulat kay exekiel.


"Oh?? wala kang pakialam sa buhay ng isang ito?" pang- uuyam ni exekiel kay axiel pero di nagsalita si axiel at siyang nakatingin lang sa mga mata ni xenon na ngayon ay madaming sugat na ang katawan at nanghihina nah.


Napamura lang si axiel sa kanyang isipan ng makita ang kalagayan neto. Mukhang nilaban kasi ni xenon si exekiel batay sa mga pinsalang nakita niya sa katawan ni xenon, gayung mga dugo lamang at punit na damit ang meron si exekiel pero wala na ang mga bakas ng sugat. What do you expect from a Vampire, right?


Napabalik lamang siya sa kanyang katinu-an ng gumalaw- galaw si katalina sa kanyang pagkakahawak. At dahil sa bugso ng kanyang damdamin at galit kay exekiel ay buong lakas na hinugot ni axiel ang ulo ni katalina sa katawan neto.


"HINDIII!!!!!!!" sigaw ni exekiel at basta nalang tinapon si xenon sa isang bahagi at mabilis na sinugod si axiel ng makitang natumba ang katawan ni katalina sa paanan ni axiel habang hawak- hawak pa neto ang ulo.


"Papatayin kita... magbabayad ka sa pagpatay sapinakamamahal ko!" nanlilisik na mga mata ni exekiel at buong lakas na dinamba si axiel. Natumba sila pareho sa lupa at buong lakas na sinasakal ni exekiel si axiel. Hinawakan ni axiel ang dalawang kamay ni exekiel at pilit na inaalis ito sa kanyang leeg.


Matapos maalis ang mga kamay neto ay tinulak niya si exekiel ng malakas at bumangon agad. Tumayo naman si exekiel at sinugod ulit si axiel ngunit mabilis ding sumugod si axiel at hinawakan ang isang braso ni exekiel at binalibag ito sa isang puno. Di pa nga nakatayo si exekiel ay mabilis namang pinuntahan siya ni axiel at inapakan ang katawan netong nakatihaya at binali ni axiel ang kaliwang braso ni exekiel. Sumirit nman agad ang dugo sa kaliwang balikat ni exekiel kung saan naputol na ang kanyang braso.


"Ahhhh!!" sigaw neto habang hinahawan niya ang kanyang putol na braso. Di niya akalain na mapuputol lang basta- basta ang braso niya.


"axiel!!" Sambit nina acer at amyr na bigla na lamang sumulpot sa kanilang likudan.


Napabaling naman ang ulo ni axiel sa dalawa at humarap dito, napalunok naman sa laway ang dalawa ng makita ang anyo ni axiel. Nagbabaga pa kasi ang kanyang mga mata na galit na galit.


"T- the A-academy i-is c-clear.. ahm.." utal- utal na saad ni acer kay axiel.

"S-si a-ano.. I m-mean,. ahmm.. si xenonkinuhananidanicapaalissalugarnatoatdinalasamansyon!!" pagka- utal at mabilis na sabi ni amyr na kinakabahan sa mukha ni axiel. Ayaw- ayaw kasi nilang dalawang makita ang nakakatakot at halimaw na bahagi ni axiel kung saan kahit kakampi niya ay napapatay niya, kaya sila takot na takot.


"Good" yun lang ang sinabi ni axiel sa dalawa at biglang nag lessen ang aura nito. Lumingon naman siya sa pwesto ni exekiel kanina ngunit wala na ito ngayon doon.


"Shit!!" yan nalang ang nasabi nina acer at amyr ng makita ang may bakas na dugo ni exekiel sa lupa at ang putol na braso nito.


Iniwan pala ng gago ang braso niya dahil sa pagmamadali. Yan ang nasa isip ni axiel bago puntahan ang pwesto ng putol na braso at inapakan ito hanggang magkadurog- durog.


Napangiwi naman sina acer at amyr ngunit naka ngiti naman ng pang demonyo si axiel...


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello sa lahat ng readers diyan.., Ilang chapters nalang ito at mag ba- bye bye na ang mga bida dito',. Just hit the votes if you like this chappy guys., ang leave a comment if there's something bothering you',. :)






HELL'S ANGELS (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon