Kabanata III

141 21 15
                                    


[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]

Mia

“Damn it!”

“Language!”

“Sorry,” huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kahit na ang gulo ng magic ko sa katawan ay hindi pa rin ako nagkakaroon ng accidental magic. Paano ko kaya mababawasan ang magic ko? Balak ko kasing i-drain ang magic ko or pababain man lang, nagbabakasakali na sa paraang ito mag-eexpand pa ang magical core ko.

Sobrang dami ko kasing magic, kaya naman yung aura ko sobrang liwanag. Kapansin-pansin ito kaya pala pinagtitinginan ako ng magical beings paglabas ko sa Gringotts kahapon. Sa wizards and witches naman ay iilan lang ang napapadoble ng tingin. Still kung gusto ko iwasan na panoorin ng Headmaster ay kailangan ko itago ang totoong dami ng magic ko. I need a mask of some sorts. Or kahit pababain ko na lang presensya ko? Hindi ko naman alam kung paano, dati pa naman kasi ay may mataas na akong presensya. Kaya nga ayaw ko ng laro na hide and seek, kahit pa kasi tagong-tago na ako ay ako pa rin yung unang nakikita. Sinisisi ko na nga lang ito minsan sa koneksyon namin ni Sia. Pero kahit hindi naman siya yung seeker ako pa rin yung unang nakikita. Napakaduga ‘di ba?

Anyway, nakahanap na ako ng paraan para mas madali kong magamit ang magic ko. While meditating last time, napansin ko na mayroon akong mental wall. Ayon kay Dad (binisita niya ako sa mind palace at dito kami nag-uusap, minsan pa niya akong tinuruan sa panaginip ko), ang mental wall ng ibang magic users ay mayroong breaches. Dahil ito sa accidental magic nila. Ako na wala na ito ay walang breaches kaya naman hirap ako na lubusang gamitin ang magic ko. Hindi pa rin naman tuluyang ma-access ng iba magic nila kahit pa may breaches na yung mental wall nila. Kaya lang naman ako nahihirapan dahil mas malaki ang  magic na mayroon ako kumpara sa ibang magic users.

Sinimulan na akong i-instruct ni Dad nun. Maigi kong sinunod ang sinabi niya. Ipikit ang mata, hanapin ang wall. At magfocus sa source ng pinakamalaking energy na nasa loob ko. Block out all the distractions and seek it out. Kapag wala na raw ako marinig,  may mararamdaman akong vibration. Hindi rin naman nagtagal nung maramdaman ko nga ang small tremor sa bandang torso ko.

Napamulat agad ako dahil doon. Akala ko pa nga pagagalitan ako ni Dad kasi naputol yung concentration ko. Instead pinuri niya ako, at halata yung pride sa boses niya kaya mas lalo akong natuwa. Nung kumalma ay sinabi sa akin ni Dad na para sirain ang wall ay kailangan na alisin ko lahat nang pagdadalawang isip ko, na hindi ko kayang  gawin yung magic na naiisip kong kaya ko. Seryoso, medyo sumakit ulo ko dun.

Karamihan daw sa aming magic users ay naniniwala na kaya namin magperform ng magic flawlessly. Pero mayroon pa rin daw na maliit na boses ang nagtatanong kung kaya ba namin talaga?

“Therein lies your barrier, you must destroy that belief, block it out, break down the wall piece by piece. Pagkatapos mo itong gawin, malalaman mo na nagtagumpay kang sirain ang pader.”

Napatalon pa ako sa tuwa nung maramdaman ang pagkapal ng hangin sa puwesto ko. Meaning success ang ginawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na maayos nang dumadaloy ang magic sa katawan ko.

Kumuha ako ng isang slice ng cheesecake na ginawa ko para i-offer ito kay Dad. Pasasalamat sa pagtulong niya sa akin. Hindi ko man matagumpay na bawasan ang magic ko ay atleast mas madali na sa akin gumamit ng wandless at non-verbal magic. Nung unang beses ko nga ito gawin sa presensya ng Goblin King ay natuwa ito at kinwento niya nga na kilala rin as mages ang apat na founder. Nagtaka pa ako kung bakit hindi ito binabanggit sa mga tala tungkol sa kanila? Ang sabi ni King Ragnok, tinuturing na itong myth ng mga wand users ngayon. Hindi nila alam na mages naman talaga ang tawag sa mga magical users noong unang panahon. Iniisip nila na para mas makontrol ang magic nila ay kailangan nila ng tool. Sila na mismo nagbigay ng handicap sa sarili nila. Natawa pa nga ang Hari dahil mayroon daw law ang nagsasabi na bawal gumamit ng wand ang mga goblin. It's as if kailangan talaga nila ng wand. Akala siguro nila mapipigilan nila Goblin Nation na magsimula ng war kung hindi nila bibigyan ng sandata, ang mga goblins.

Demigod Hermione Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon