Kabanata VII

104 20 9
                                    

[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]

Mia

“HU—GRYFFINDOR!”

“What?! Bu—,” naputol ang sanang pagprotesta ni Harry nang alisin ni Professor McGonagall sa ulo niya, ang sorting hat. Sinabihan pa siya nito na bilisan ang pagpunta sa Gryffindor table dahil marami pang iso-sort.

Lulugo-lugong sumunod naman si Harry, kita pa rin sa mukha niya yung disbelief. Prankster talaga si Sebas. Masyado niyang nakuha yung ugali ng Godric na nakita ko sa memories niya.

Anyway, ngayon ko naintindihan bakit ganun na lamang naging reaksyon ni Neville nung masort siya sa Gryffindor house. Siguro plano ng dalawa na sundan ako, kaso na-prank sila ni Sebas. Tama na rin yung ganito, atleast same lang sa movie yung house nila.

“SLY—GRYFFINDOR!” Nasamid ako sa iniinom kong juice, hindi ko alam if hihinga ba ako ng maluwag kasi sa Gryffindor din nasort si Ronald o kakabahan kasi kinonsider talaga ng sorting hat na ilagay siya sa Slytherin house? Prank na naman ba ito? I know strategist si Ronald, ambitious ba siya? Maybe. Cunning? I don't know. Ayaw ko na rin alamin. Sumasakit ulo ko.

Dahil din sa ginawa ng sorting hat ay halos maging kakulay na ng buhok niya ang mukha ni Ronald, lalo pa itong namula nang asarin siya ng kambal. Hindi pa nakatulong yung exaggerated na pagbuntong hininga nina Draco, kahit nga rin malayo ako sa kanila ay ramdam ko pa rin yung disgusto nila habang tumitingin sa puwesto ni Ronald. Ika nga ng kambal, “Poor, Ronniekins.”

Hindi na rin naman nagtagal yung sorting ceremony. After isort ni Zabini, nagbigay ng saglit na speech ang Headmaster then pinakain niya na kami. Good. I'm starving.

Nanlaki pa nga mata ng housemates ko kasi sinubukan ko ata tikman lahat nang nakahain. Mula sa Roast beef, Roast chicken, Fish and Chips, Sausages and mash, at iba pang klase ng potato. Mashed potato pa rin talaga paborito ko. Hindi ko tinikman yung mga hindi pamilyar sa akin gaya ng Lamb chops, steak and kidney pie at yorkshire pudding. Basta ang dami pa pagpipilian, pati nga vegetable stir-fry 'di ko pinansin, e.

Samantalang ang tinikman ko sa desserts ay Treacle tart na kung hindi ako nagkakamali ay paborito ni Harry? Chocolate gateau, Pumpkin pasties na hindi ko masyadong trip gaya ng sa pumpkin juice, buti na lang may pineapple juice pero kaunti lang ininom ko, mas need ko kasi tubig. Natry ko rin pala yung sticky toffee pudding na nagustuhan ni Mommy nung kumain kami sa diagon alley. Marami-rami rin yung desserts, iba't-ibang flavor ng ice cream, fruit salad, apple pie, custard, Trifle at Chocolate Frogs? Hindi ko alam na kasama rin 'to sa hinahain.

Naalala ko tuloy yung nangyari sa train kanina, bumili ako variety ng magical sweets and candies. Kabilang na nga rito yung chocolate frog, inalok ko si Neville tapos nagmake face siya kasi seryoso raw ba ako? Para na rin daw niyang kinain kamag-anak ni Trevor kahit pa gawa ito sa chocolate.

“Ang lakas mo kumain, atleast mas may manner ka kumpara sa kapatid nina Fred at George.” Komento ng isa sa upper year, babae siya. Medyo pamilyar ang mukha. Then naalala ko yung Hufflepuff prefect na nagsummon kay Trevor sa train.

Jane Dawson ata ang pangalan niya? She's a fifth year. Katabi niya si Cedric Diggory, he's a fourth year.

Then nalipat ang atensyon ko sa katabi ni Cedric, napadoble pa nga ako ng tingin kasi kamukha siya ni Daphne. Kamag-anak niya siguro? Nakumpirma ang naisip ko nung magpakilala ito...

“Mirajane Greengrass.” Pinsan daw siya ni Daphne. Balak ko sana makipagkamay, pero nung inabot ko naman kamay ay kinuha niya yun para halikan yung likod ng kamay ko. Namula mukha ko sa kahihiyan kasi hindi pa ako naghuhugas ng kamay, ang dami ko kinain hindi kaya naghalo-halo na yung amoy? Medyo makalat talaga ako kumain, mas prefer ko rin kasi magkamay kaysa gumamit ng cutlery. Kung nandito lang si Mommy siguradong makakatanggap ako ng sermon.

Demigod Hermione Where stories live. Discover now