Kabanata VIII

106 18 10
                                    

[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]
-

Ikatlong Persona

Nasa akto na nakaunat ang braso ni Mia nung magtapat ang mata nila ni Jane Dawson, the fifth year prefect. Sa tabi ng prefect, makikita ang nakaupo pero halatang inaantok pang si Cedric. Halos nakapikit pa kasi ang mata nito.

Medyo natigilan si Mia dahil ang aga pa nga, hindi pa sumisikat ang araw kaya naman hindi talaga niya inaasahan na may makikita siyang tao sa common room. Hindi lang isa, kundi dalawa. Nagtataka na talaga siya, ano kaya ang relasyon ng dalawa? Kagabi rin kasi naalala niya na magkatabi ang dalawa.

"Looks like may early bird tayo sa first year, ah." Pinasadahan ng tingin ni Jane ang katawan ni Mia, parang lumuwag pakiramdam ni Mia nung wala siyang maramdaman na kakaiba nung tingnan siya ni Jane. Nakakaramdam na kasi siya ng wariness sa mga babaeng upper year na nakikilala niya. Una si Allison, then kagabi si Mirajane. Mga simpleng manyak.

"Good morning," ngumiti lang si Jane nung bumakas ang hiya sa boses ni Mia, mukha ring hindi nito alam ang gagawin. Kung hindi niya pa nga siguro pinalapit si Mia ay baka hindi pa rin ito kikilos.

"Base sa ayos mo, I'll assume na tumatakbo ka rin every morning?"

"Rin?" Tanong ni Mia pagkatapos tumango.

"Tumatakbo rin kami ni Diggory, pero hindi ganito kaaga. Mga kasama namin players din ng Quidditch." Pumorma ng bilog ang bibig ni Mia bago siya muling tumango para ipakita na naintindihan niya ang sinabi ni Jane.

Bumalik nga lang ang hiya niya nung kumalam ang sikmura niya, lalo pang nag-init ang mukha niya nung sabay na tumawa si Cedric at Jane. Parang ito pa nagsilbi na cue ni Cedric para tuluyan nang mawala ang antok niya.

Nung tumayo kasi si Jane at sinabi na sundan siya ay sumunod din si Cedric.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa kitchen. You need to eat bago ka tumakbo, at ganun din kami. Say, bakit hindi ka na lang sumama sa amin sa quidditch pitch?" Lumawak ang ngiti ni Jane nung magperk up si Mia, inisip niya na papayag si Mia, pero bigla itong ngumuso then umiling siya. Bago pa man niya matanong bakit tumanggi ito ay nagsasalita na si Mia.

"Salamat sa invitation, pero siguro next time na lang. Balak ko kasing tumakbo malapit sa Black Lake."

"Why? Hindi ka ba natatakot mag-isa? Nasa hindi ka pamilyar na lugar."

"Nah, ganito naman nagsisimula ang adventure 'di ba? Exploring the unknown lands. Saka hindi naman ako lalayo. Balak ko rin kasi pakainin yung giant squid, I have a feeling na magugustuhan niya ang gagawin ko."

"Adventure?" Naiiling na tumawa si Cedric na sa unang pagkakataon ay nakisali sa usapan ng dalawang babae. Nataon pa na tumigil sila sa malaking painting ng bowl of fruit. Kiniliti ni Cedric ang isa sa mga pear na tumawa bago bumukas ang painting animo sliding door. "Jane, hindi lang early bird mayroon tayo kundi isa ring lion. Now, curious ako paano mo naconvince sorting hat na i-sort ka sa house natin. Don't get me wrong, ha. Welcome ka lagi sa house natin, curious lang talaga ako malaman paano mo napapayag sorting hat na i-sort ka sa house natin. Usually kasi hindi mo napipilit ang sorting hat."

"Hindi ko rin alam. Basta ang sabi ko lang i-sort niya ako sa Hufflepuff. Kinonsider kasi ni Sebas na i-sort ako sa Slytherin house, na matindi ko siyempreng tinutulan nabasa ko kasi na matindi ang rivalry ng Gryffindors at Slytherins. Hindi rin ako puwede sa Slytherin kasi isa akong muggle-born, lulunukin lang nila ako ng buo. Hindi rin ako gaano kauhaw sa knowledge, so, Hufflepuff ang natitira. Since hardworking ako at loyal ayon na rin kay Sebas." Mahabang litanya ni Mia na namumula na naman ang mukha. Dire-diretso ba naman kasi siyang nagsalita.

Demigod Hermione Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon