Kabanata X

119 17 26
                                    

[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]

Ikatlong Persona

Akala ni Mia, siya na naman ang mauuna sa mga kaklase niya. Siya marahil ang naunang student sa Hufflepuff, pero pagpasok niya sa Transfiguration classroom ay halos kumpleto na ang Ravenclaw first years.

Okupado na ang table sa harapan kaya naupo siya sa likuran nina Padma Patil at Cho Chang.

Habang hinihintay na dumating ang iba pa nilang kaklase ay inabala na lang ni Mia ang sarili sa pagtingin sa paligid hanggang sa tumigil ito sa tabby cat na nasa ibabaw ng mesa.

Kahit siguro hindi alam ni Mia na ito ang animagi form ng Transfiguration Professor ay malaki pa rin ang tiwala niya sa sarili na makikilala niya ang Professor kahit pa nakapiring siya. Paano niya ito gagawin? Simple lang, kabisado niya na ang magic signature ng mga Professor, at importante sa buhay niya. Natutunan niya ito nung ipahiram sa kanya ni Crooks ang mata nito. Ito kasi ang ginagawa ni Crooks at ni Indra para i-pinpoint ang posisyon niya, na lalong lumakas nung maging familiar niya ang dalawa.

As the class settles down, Professor McGonagall gracefully leaps off the table, her body transforming mid-air. The tabby cat morphs into the stern and authoritative figure of Professor McGonagall, complete with her pointed hat and robes.

Marami sa estudyante ang napasinghap, at tumili sa gulat, mga nanlalaki ang mata sa biglaang pagbabago ng pusa. Hindi naman nakatakas sa paningin ng Propesor na mayroon sa estudyante niya ang nanatiling kalmado at masuri lang siyang sinusundan ng tingin. Sa ngiti pa lang nito alam na ni Minerva na nakilala siya ni Mia. But how?

Then tinawag ng daliri ni Mia ang atensyon niya, may tinatap itong cover ng libro. Sa talas ng mata ni Minerva, agad niyang nabasa ang title nun. Saglit pang dumaan ang mirth sa mata niya dahil isang  advance book sa Transfiguration ang binabasa nito. Kasama sa diniscuss sa libro ang pagiging animagi. Alam niya na kung bakit hindi ito nasorpresa sa ginawa niya. Pero kailangan niya ata kausapin pagkatapos ng klase si Mia, para paalalahanan ito na huwag mag-attempt na gawin ang human transfiguration na walang adult na nagsusurpervise sa kanya.

Muling ngumiti si Mia nung hindi siya tinawag ng Propesor, buti na lang dala niya ang “Metamorphosis Unleashed: Mastering Advance Transfiguration with Godric Gryffindor.”  Hindi alam ni Mia kung nabasa ba ng Professor kung sino ang nagsulat ng libro. Hindi lang ito ang rare book na nabili niya sa muggle bookstore. Mayroon din na sinulat naman ni Salazar na dala niya rin sa Hogwarts yung iba nasa loob na kasi ng personal vault niya. Ang titulo naman ng libro ay “Slytherin's Secret Elixirs: Unveiling the Art of Potions with Salazar Slytherin.” Masyadong advance ang mga potion na nasa libro kaya wala balak si Mia na ipakita ito sa iba. Baka nga iregalo na lang niya ito kay Narcissa, since isa nga itong Potioneer Mistress.

Bumalik sa reyalidad ang atensyon ni Mia nung marinig ang pangalan ng Propesor. Pinakilala na pala kasi niya ang sarili. “Now, isa ang Transfiguration sa pinakacomplex at powerful braches ng magic. It involves altering the form or substance of an object into something else entirely. Today, we will start with a simple transformation: turning a match into a needle.”

Sumunod ang mata ni Mia sa Professor nung magsimula itong maglakad sa harapan, na may malaking mesa na gawa sa kahoy. Sa isang wave ng wand ng Professor, lumitaw ang isang match at isang needle sa workspace ng mga estudyante.

Then nagsimulang i-demonstrate ng Professor ang spell, “To perform this transformation, you will need to focus your mind and channel your magic through your wand.”

Tinaas ni Minerva ang wand and with a swift flick, tinuro niya ito sa kanyang match. The match begins to elongate and reshape itself, transforming into a sharp needle.

Demigod Hermione Where stories live. Discover now